Ulan

20 3 2
                                    

Dear Watty,




Ako si Janine, napapansin kong wala pang naisulat dito na happy ang ending kaya isisingit ko muna 'tong story ko ha?

May nakapagsabi sa'kin, ang Love daw, parang ulan. Darating sa oras na hindi mo alam, bigla nalang bubuhos kapag hindi mo inaasahan. Pero nasa'yo na 'yon kung tatakbuhan mo, o eenjoyin mo nalang kahit alam mong magkakasakit ka sa huli...

Nung una, hindi ako naniniwala dun. Pero simula nung dumating siya, nag-iba 'yung pananaw ko.



Naglalakad ako nun pauwi sa dorm galing ng computer shop nang makita ko siya, nakaupo lang at tahimik. Matagal ko na siyang nakikita na laging nakatambay mag-isa, hindi ko alam kung bakit. Dahil sa pagkamisteryoso niya, nagustuhan ko siya kahit hindi ko siya kilala. Naglakas loob naman akong lumapit sa kanya.


"Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko sa kanya, tumingin siya sa'kin pero yumuko rin ulit. "Wala, umalis ka na." Gwapo siya Watty, pero masungit.

"Pasalamat ka nga may pakialam ako kahit di kita kilala, bahala ka nga diyan." Nakakailang hakbang palang ako nang magsimulang umambon. Tumakbo na ako pauwi sa bahay namin para hindi mabasa. Takot ako magkasakit, pero sa totoo lang? Gustong gusto ko ang ulan. Dati kasi lagi kaming naglalaro ng kuya ko sa ulan, kaming dalawa lang. Pero nung nagkasakit siya, hindi na kami nakapag-bonding. Nanghina siya ng nanghina hanggang sa hindi niya na kinaya, iniwan niya kami Watty. Pneumonia, masyado pa akong bata nun kaya hindi ko masyadong dinamdam, pero habang tumatanda ako dun lang nagsi-sink in sa'kin 'yung nangyari.

Nasa bahay na'ko at nakapagpalit na ng damit nang biglang lumakas ang ulan. Bigla ko siyang naalala, si boy sungit. Nabasa kaya siya? Tumakbo rin ba siya nung umambon kanina? Tanong ko sa sarili ko nun.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko nun nang bigla kong makita ang sarili kong naglalakad sa daan papunta sa kung san ko siya nakita habang may hawak na payong.

Nandun pa rin siya Watty. Pero nakita ko na 'yung mukha niya, malungkot siya. And I must say, magaling siya magtago.

Kung di mo siya titignan ng malapitan, hindi mo mapapansing umiiyak siya. Broken, maybe? Nilapitan ko siya nun at pinayungan. Nung mapansin niyang walang pumapatak na ulan, tumingala siya at tinignan niya ako.

"Ikaw na naman?!" Galit na sabi niya, "Hindi mo ba naiintindihan 'yung sinasabi ko sa'yo?"

Napaismid nalang ako, "Ikaw na nga 'tong pinayungan, ikaw pa galit. Wow." Lalong tumalim ang titig niya sa'kin at kung nakamamatay lang ang tingin? Matagal na'kong pinaglalamayan. "I don't need your help. Tigilan mo na 'yang pagpapapansin mo."

Napangiti ako ng mapakla, naaalala ko kasi ang kuya ko sa kanya. Naging masungit siya nung nagkasakit siya, ayaw niya ng kinakaawaan siya. Lumayo 'yung loob niya sa'kin pero hindi ko siya sinukuan.

"Naiintindihan kita. Takot ka rin maglabas ng nararamdaman mo?" Natawa ako ng mahina, napatingin naman siya sa'kin. This time, nagtataka siya. "Ganyan din kasi si kuya... kahit mahina siya, lagi niyang sinasabing kaya niya. Ayaw niya tumanggap ng tulong ng iba." Nakinig lang siya habang nagsasalita ako. "Nung time na 'yun, kinukulit ko siyang makipaglaro sa'kin, lagi ko siyang niyayaya sa ulan. Pero hindi na siya pumapayag gaya ng dati.."

"Ano bang nangyari sa kuya mo? Bakit siya naging ganun?" Naptingin ako bigla sa kanya nang magsalita siya, "Nagkasakit siya, pneumonia. Bata pa ako nun kaya akala ko nilalagnat lang siya, lagi ko siyang tinatabihan sa kama simula nun. Kahit ayaw niya, hindi ko siya nilalayuan. Ni minsan, hindi ako nagtampo kay kuya."

"Makulit ka nga talaga.." natatawa niyang sabi.

"Ayan...tumawa ka na." Napangiti ako, hindi na siya umiiyak. "Tuloy mo 'yung kwento mo."

Dear Watty,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon