Dear Watty,I'm about to share the most unforgettable day of my life.
It's about my greatest love, Heizel. The reason why I'm here writing what we had when we're still together. I'm Kevin, and this is my story.
Monday morning, isang napakamalas na araw sa'kin kasi late na'ko nagising dahil sa pagrereview ng halos isang buong libro dahil lang sa isang remedial exam. Supposedly, 9 am ang exam pero nagising ako ng 8:30, nagmadali ako at halos di na rin nakaligo sa pagmamadali. Pagkalabas na pagkalabas ko ng gate, nakaapak pa'ko ng tae ng aso na hindi ko alam kung saan galing dahil nasa subdivision kami. I frustratedly entered on our house again and changed my shoes. Gamit ni mommy 'yung kotse ko so I have no choice but to commute.
8:51 nang makarating ako sa school pero kinailangan ko nang tumakbo dahil nasa kabilang side ng school 'yung building at third floor pa. Isn't it amazing?(note the sarcasm please!) Malapit na'ko sa room namin nang... "Aray! Bwisit naman oh, tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" She's beautiful, yeah, that's the first thing I came up nung mabangga ko siya. She has this heart-melting stare in her brown eyes despite of the glasses, ang ganda talaga. "Wala ka man lang bang balak tulungan ako sa mga binagsak mong libro?!" Dun ko lang naalala na late na nga pala ako sa exam ko! "S-sorry miss, I have to go." Tumakbo na'ko ng mabilis at hindi na pinansin ang matinis nyang boses na pumipiyok na sa kakasigaw sa'kin.
Pagdating ko sa harap ng room, pinakiramdaman ko muna 'yung nasa loob, nakasara pa rin 'yung pinto pero nung pipihitin ko na, napansin kong naka-lock 'to. Lumipat ako sa isa pang pinto pero naka-lock din kaya kumatok na'ko. Marami nang mga estudyanteng nakatingin sa'kin dahil sa ginagawa ko hanggang sa may lumapit sa'king estudyante. Siya 'yung irregular student na kaklase ko sa subject ko na may exam.
"Pre, ano ginagawa mo dyan?" Tanong niya na nagpataas ng kilay ko. "Teka, tapos na ba 'yung exam? Bilis niyo naman!" Sagot ko naman sa kanya. Nagulat naman ako nang bigla niya akong tinawanan, as in! Tawa siya ng tawa na parang tanga habang ako, nagtataka pa rin kung bakit nasa labas na siya eh wala pang isang oras bago nagsimulang mag-exam.
Maya-maya, nahimasmasan na siya pero tumatawa pa rin ng konte, "Lutang ka rin no, pre? Di mo narinig 'yung sinabi ni prof last week?" Huh? Lalo naman akong nagtaka pero nagsalita rin siya agad, "Next Monday pa 'yung exam, dude. Alam kong nagreview ka pero 'wag naman excited masyado." At tumawa na naman siya ng malakas at natulala nalang ako, oo sabaw na kung sabaw, malay ko bang next week pa 'yun! Narinig ko Monday lang eh!
"Sige, pre. Mauna na'ko ah? 'Wag ka masyadong ma-stress, mahirap maging sabaw ulit." Sabay tawa, sarap tadyakan ng mukha amp! Umalis na lang ako at naglakad-lakad sa campus dahil 3 hours pa ang vacant ko dahil nga wala kaming first subject.
Tanginang life diba, Watty? Nung nagpaulan yata ng kamalasan, tulog na tulog ako at di ko namalayang bumaha pala at nakapagswimming ako sa lahat ng malas sa mundo. "Magb-break din kayo!" Sigaw ko sa magsyotang naglalandian na nakaupo sa bench na nasa harap ko. Dagdag pa sa badtrip 'yan eh.
Patuloy lang ako sa paglalakad, until I saw something that caught my attention. It was an ID, natanggal 'yung lock nun kasi wala na 'yung ID lace. Being a good boy, kinuha ko 'yun at tinignan. That's the moment when I learn how to smile again. Siya 'yun, 'yung babaeng nabangga ko kanina.
Heizel P. Dela Rosa
BS AccountancyShe's more beautiful without the glasses. Maputi, bilugan ang mata, pinkish lips. In short? Perfect. Naglakad ako papunta sa main buliding para iwan 'yung ID sa lost and found section. Surprisingly, I heard a familiar irritating voice. And yes, you guess it right, it's her.
BINABASA MO ANG
Dear Watty,
عشوائيIba't- ibang istorya, iba't-ibang tema. Minsan malungkot, minsan masaya. Mga sulat na may aral na dala, Mga sinulat mula sa ala-ala..