Chapter 10

25 0 0
                                    

First, I would like to apologize kasi matagal na talaga akong hindi naka pag update. And to tell you the truth I do not have any intention na ipag patuloy pa ang storya na ito. Pero sabi ko sa sarili ko kahit man lang matapos ko ang kwentong ito. I am not sure how the story began or what I intend to do with the story but here I am writing. And to tell you the truth this might be the most boring book you'll ever read. So let us move on with the story.

Jaime's POV

Hindi parin ako maka paniwala sa mga naganap kagabi, at hindi ko tinutukoy ang naging usapan namin ng Damuho na yun, ang tinutukoy ko ay mga naganap sa party. The party was a plain set up, it ended to be our engagement party. Oo tama kayo ng nabasa Capital E-N-G-A-G-E-M-E-N-T party namin. Kaya pala parang naging abala si Tita sa mga nakalipas na araw kasi lihim niya hinahanda kung paano niya kami ipakikilala.

Okay lang naman mag karoon ng engagement party diba? Marami namang engagement party and naganap pero marami din dito hindi natuloy sa simbahan dahil nag hihiwalay din. What makes ours different? Pano kung sabihin ko sa inyo sa party na yun ilang media ang nandoon at may mga reporters pa.

Kung sasabihin niyo ang OA ko mag react ng dahil lang sa may mga camera, pwes nagkakamali kayo. Hindi ang camera ang pinopoblema ko dahil alam ko maganda ako sa bawat angulo. Oo na ako na ang mayabang. So ano ba ang pinuputok ng buchi ko? Ang katotohanan na hindi ko pwedeng ipost sa internet ang pagbenta ko sa Damuho na yun. Kung gaano ako ka saya pumunta sa party ay ganun naman ka bagsak ang aking mga balikat ng umalis.

Ang mas nakaka inis pa parang walang paki alam ang Damuho sa mga nangyari. Hindi niya ba naiisip na baka hindi na siya makahanap ng babae na maikakama niya pag na balita na sa tv at pahayagan ang aming engagement. And worst of all, pag mag post man ako sa internet na naghahanap kami ni Mau na papalit sa akin bilang fiancé niya ay sigurado ako aabot agad sa kanyang ina.

Sa laki ba naman ng companya nila sigurado din ako ganun din ka laki ang koneksyon nila.

"BAKIT NGAYON PA?, LORD NAGING MABAIT NAMAN PO AKO" sabay tihaya ko sa aking higaan. Humarap naman ako sa may kanan ko at nakita ang aking telepono na patuloy parin sa pag-iingay. Agad ko namang itong kinuha upang tignan kung sino ang tumatawag...MONICA

"Sinong MONICA? Wala naman akong kaibigan na monica" agad akong bumangon at umopo na mala indian seat sa aking kama.

Sino kaya ang monica na ito? At paano ito naka phonebook sa aking telepono.

Akmang sasagutin ko na sana ng biglang nag end ang call. Nakita ko sa aking telepono na malapit na palang mag alas onse ng umaga at hindi pa ako nakakaligo kaya na pagdisiyonan ko na lang na pumunta sa banyo para makapagisip isip na rin. Hindi ako bumangon kanina para mag umagahan dahil naiinis talaga ako sa mga nangyayari, pinuntahan nga ako ni Mark nagtatanong kung ano ang masakit sa akin di ko naman siya masagot ng direchu kaya sabi ko may dalaw ako ngayon kahit wala naman.

Ilang minuto rin ako nanatili sa banyo nag-iisip kung paano ko maibebenta si Mau na hindi masyadong obvious. Pero kahit siguro abutan ako ng bukas sa banyo wala parin akong makuha na sagot kaya pinili ko na lang tapusin ang pagligo ko at makapagbihis na.

Paglabas ko sa banyo narinig ko naman tumutunog ang telepono ko MONICA.

Sino ba talaga ang babae na ito?

Sinagot ko nlng ang telepono wala namang hahantungan ang pagtataka ko kung tutukan ko lang diba.

"hello?" malumanay kung bati, syempre mabait din ako ay mali mabait talaga ako sa Damuho lang na yon naiiba ugali ko.

Fiance for Sale!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon