Chapter 3: Set the date

151 4 1
                                    

***Guys hey, I believed my previous chapter are a bunch of crap since it is too short and only goes to 2 page I humbly apologizes for that. And my last chapter update was too plain...So to make it up for you guys I shall do my best best to make this update long...So here goes...

"Gising ka na angela, umaga na...kain na tayo" buong lakas ko iniyogyug ang mga balikat ni angela upang magising. Tulog mantika ka si .

"hmmm" at ang sagot ng loka sa akin

"hoy angela gigising ka diyan o uubusin ko ang ulam" wala na ubos na talaga pasinsya ko

"oohmm..."

aba ayaw niya talagang matinag ha...Asan na 'yong cellphone niya tignan natin kong hindi pa magising ang isang to.

"Hmmm...Si Aljude nag txt, ohmo ang sweet ni angela. Ma text nga si Aljud" any second now...

3

2

1

"waaaaahhhhh.... ate akin na yang cellphone ko"

"ayaw ko nga... kanina pa kita ginigising ayaw mong tumayo diyan... puro hmmm at ohhmm ka lang"

"ate naman eh, hiinid ba uso privacy sa iyo?"

"privacy mo mukha mo. Bakit kaano ano mo ba ito si aljude ha?"

"wala nga ate, i balik mo na lang yan pls.."

"hindi, gisingin mo muna si Mark at dumirecho na kaayo sa kusina kanina pa ako nakapagluto"

"ay ate naman eh, yung cellphone muna"

"sabi ng hindi eh, wag kang mag-alala hinid ko kukunin aljude mo.. isaksak mo yan sa koko mo"

"bakit sa koko? diba dapat sa kokote?"

"watever angela, si mark gisingin mo na o forever hindi mo makatext tong aljude na to?"

"oo na gigisingin na"

padabog naman nag lakad si Angela patungo sa maliit na kwarto ni Mark. Sa totoo lang hindi naman talaga ako nagagalit na may ka text itong kapatid ko. Ang mahalaga hangang text lang o hindi kaya ay pafling-fling lang. Ayaw ko muna mainlove talaga si Angela, ayaw ko munang masira ang heart niya ng maaga.

Inaasahan ko marami din ang mahuhumaling sa kapatid ko. Maganda din kasi lahi namin. Si Angela mana kay papa. Katamtaman lang ang kanyang tangkad, di gaanong maliit at di gaanong pandak. Maganda ang mapupungay niyang mata, ang hubog din ng kanyang pigura ay pambato din sa mga beauty contest. Ang kanya ring mga labi ay kasing pula ng mansanas at kanyang kutis ay sing puti ng porcelana.

Siguro iniisip niyo na may lahi kami. Pero wala talaga, purong pinoy mama ko at papa. Pero sabi daw ni papa sadyang maputi lang talaga kami kasi daw noong nag paulan si Lord ng kaputian at kagandahan sadyang inubos daw lahat ng mga ancestor namin, may pagka sakim din ano? Pero di nga sadyang naka inscribe na talaga sa amin na bawal amgin pangit. Oh mahangin na ba? Si angela pa lang yan ha.

"Ate ayaw magising ni Mark, buhosan ko kaya ito ng tubig"

rinig kong sigaw ni Angela mula sa kwarto ni Mark. Hindi naman tulog mantika si Mark gaya ni Angela. Sadyang matakaw lang talaga bunso namin. No wonder kapitan barbel na mas matangkad na siya sa amin.

Oka describe ko naman si Mark... Ganito yun si MArk ang poging nilalang na kahit itabi mo si Zayn Malik at Daniel Padilla ay aatras din. Hindi Joke Lang. Hindi man ganoon ka angas tignan ang kapatid ko pero I promise you with all my money, di joke lang din, gwapo din ang kapatid ko.

Kung ano ang ipinuti ni angela siya naman ang pagka moreno niya. Lagi kasi naka tambay sa may basketbolan. Atleta daw siya ng basketball, hindi ko rin naman maitatangi magaling nga kapatid ko. Proud ate peg ko ha. Si Mark ay may maitim na buhok as in maitim, matangos ang ilong at ubod ang kissable ang lips. And NO I am not attracted to my brother. Kadiri. Matangkad siya as in... Pero kahit ganoon siya ang talino din niya.

Fiance for Sale!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon