Chapter 2: Testament Part 1

167 3 0
                                    

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung maramdaman nung sinabi sa amin ni Atty. ang pangalawang bahagi ng testamento ni papa.

Buong akala ko puro utang na lang ang inihabilin niya sa amin. yun pala may ginawa siyang paraan upang makabawi  sa amin. Ma isip ko lang ang papa ko hindi ko na maitago ang mga luha na namumuo sa aking mga mata.

Si papa na buong buhay niya isinakripisyon niya sa amin. Si papa na lagi ng diyan pagkailangan namin. Si papa na ngayon ay isang ala-ala na lamang.

(flashback effect play Dance with my Father Again)

"Jaime baby gising na, malalate ka niyan sa klasi" sabay kiliti niya sa akin.

"hehhe, papa naman eh...hahaha oo na gigising na" sabay galaw ko na para ba isa akong uuod

"Gisingin mo na rin ang iba mong kapatid, ipaghahanda ko lang kayo ng pagkain" hinalikan niya mo na ako bago siya lumabas sa kwarto ko upang ipagluto kami.

Buhay senyorita ako lagi. Ako ang una niyang anak ang una niyang prinsesa. Paminsan minsan na iingit na ang mga kapatid ko sa akin pero lagi naman na pinapaintindi sa kanila ni papa na mahal niya kami lahat at kaming lahat ay paborito niya.

Lagi lagi pag tapos ng klasi ko ay tumutulong ako kay papa sa kanyang restaurant, JAM, ipinangalan niya ito sa amin ang kanyang tatlong anghel (Jamie, Angela, Mark). Si papa ang head chef nito habang ako naman ang nagiging pastry chef niya. Si Mama talaga yung pastry shef ng resto kaso namatya siya noong pinanganak niya si Mark. Matagl din na nawalan ng isang bahagi ang buisness ni papa. pero noong lmaki na ako, doon kulang na laman na gaya ni mama mahilig din ako mag bake.

"Papa, tikman mo ito. Tawag ko dito Papas Angel. Balak ko sana ilagay sa menu natin" buong giliw kong pinakain kay papa ang isang cake na may tatlong layer na may iba't ibang flavor. Matagl ko rin iyong ginawa puro trial and error kasi.

"Ang sarap nito baby, ilagay natin ito sa menu ngayong kapaskuhan"

"talaga papa?"

"Para sa aking munting anghel, bakit hindi"

Napaka saya ko nang araw na iyon kasi pakiramdam ko na para bang malaki na ang na itulong ko kay papa.

]bang[

"Papa? papa, okay ka lang ba?, PAPA!"

hindi ko na mapigilan umiyak na kita ko kasi ang papa ko nasa sahig at walang malay. di ko alam kung ano ang gaagawin ko noon.

"Kuya Arnel tulong si PAPA! huhuhu, Kuya Arnel!!" pasigaw ko na pag-iyak upang tawagin ang pansin ni kuya neil na sa panahon na iyon ay busy sa pagluluto

"oh anong nangyari?" pansin ko ang pag-aalala niya sa boses

"Tumakbo ka sa Tita Mercy mo sabihin mo tumawag ng ambulansa"

Habang sinusubukan ni kuya na patayuin si papa ay tumakbo naman ako kay tita

"ti..tita..si si si si..." pautal utal kong sabi

"oh Jamie ano nangyari sayo, hinay hinay lang di kita maiintindihan? may nangaway ba sayo?"

"hindi tita...si papa nawalan ng malay huhuhu"

"ano?"

"Mercy tumawag ka ng ambulansya ngayon din, kailangan natin isugod si Sir. Dalian mo"

nakita ko na buhat buhat ni kuya si papa na wala paring malay. Buong pag-alala ang makikita sa aking mga mata noong oras na iyon. Ilang sandlai lang ay nandilim anng paningin ko at nawalan na ako ng malay.

Pagbukas ko ng aking mga mata ay nasa kwarto na ako. Tumayo ako ng aking higaan at tinahak ang daan pababa ng bahay.

"Tita Mercy ano po gingawa niyo dito?"

"Dito muna ako Jamie, habang hinid pa bumubuti ang lagay ng ama niyo"

Sa tabi ni tita nakita ko ang dalaw kong kapatid na namumugto ang mga mata sa kaiiyak.

"Ano po pala ang nagyari kay papa?" buong pagtataka ko

"NApagod lang daw sabi ng Doctor kailangan lang niya mag pahinga ng kaunti"

kahit papaano nakahinga ako sa sinabi niya ngunit kung pahinga kailangan ni papa bakit kailangan sa ospital pa

"Bakit hindi na lang sa bahay mag pahinga si papa?"

"Para mas madali ang kanyang pag-galing"

Alam kong nagsisinuangaling si tita, ramdam ko sa aking buto na may masamang nangyari kay papa. Ngunit gusto ko parin paniwalaan na kailangan lang magpahinga ni papa.

"oh cge po"

matapos ang ilang linggo hindi parin nakauwi si papa. Tuwing bumubisita ako sa ospital at magtatanong kung kumusta na si papa lagi nilang sagot ay bumubuti na daw. Ngunit ang katawan ng aking papa ay lalong naghihina.

"Goodmorning pa" Bati ko sa kanya sabay takbo sa bed niya

"Morning Baby"

"Ang daya talaga ni papa si ate lang binati" pagtatampo ni angela

"Good morning my Princess and asan ang hro natin?" sabay ngiti ni papa

"I'm here papa" lumapit na rin si Mark upang halikan si papa sa cheek.

"Papa sabi mo sandali ka lang dito?" tanong ni angela

Mabuti pa si angela may lakas sa ng loob upang magtanong, habang ako. Ayaw ko malaman ang totoo at baka masyado pa itong masakit.

"Princess baka matagalan pa dito si papa eh, di pa kasi alam ng doctor kung okay na ba si papa"

Nag pout naman si angela bilang sagot niya kay papa. Alam ko miss na nang mga kapatid ko si papa. Alam ko rin na umiiyak sila pero ayaw lang nila ipakita sa akin.

"Ikaw hero, binubully mo parin ba mga  ate mo?"

"Hindi na papa, binata na ako para doon" sabay naman ang malapad na ngiti niya

"Hero, ikaw maging protektor ng mga ate mo ha pagwala ni si papa. Wag mong hayaan paiyakin sila ng mga lalaki. Wag ka rin magpapaiyak ng babae."

Hindi ko mapigilan magalit. Para kasing nagpapaalam na si papa sa amin"

"Papa naman, wag mong sabihin yan, diba ihahatid mo pa kami sa aming kasal." Pabiro na sabi ni angela.

Ako naman na sa sulok lang nakikinig pero inis na inis na rin. Kung bakit ba kasi kailangan magsalit ni papa ng ganoon.

"Ikaw naman Princess, tulungan mo si ate apagalitan itong si Hero. Wag karin pasaway, laging mag-aaral. Wag magboboypren hangang hinid grumagraduate. Lagi kang mag pray before matulog"

"Ikaw naman baby, alika nga dito"

Ngunit hindi ko siya kinibu. Bahala siya ayo marining yang mga arti niya.

"alika na baby, na miss na kita eh" hindi ko na rin napigilan at lumapit ako kay papa na para bang galit rin ako.

Pagupo ko sa gilid ng kama niya ay siya naman pag simula na pagkiliti niya sa akin.

"hahaha..oo na papa panalao kana tigil na"

"hahhaa, Baby sorry if hindi na kita makkiliti. Kung hindi na makakain ni papa ang mga binake mo. Sorry kung hindi na kita masamahan sa park. Baby ikaw bahala sa mga kapatid mo ha. Wag mo sialng pababayaan."

"Papa naman eh, wag mong sabihin yan. Diba nag promise ka ikaw 1st dance ko sa debut ko. Ikaw unang gugulpi sa una kong manliligaw. Diba sabi mo sabay natin tutuksuin si mark pag na inlove na siya..di ba papa..." sabay nito ang walang humpay na padaloy ng mga luha ko.

"Baby, sorry if papa could not  kep those promises. Pero promise baby, papa will always look after you"

Hindi na ako sumagot. Nahanap ko na lang ang sarili ko na yumayakap kay papa habang umiiyak at ang dalawa kong kapatid nakayakap din sa amin.

Ilang lingo pa nanatili si papa sa ospital. Sa araw ng aking kaarawan muli namin siyang binisita ngunit wala na ang mga mapupungay niyang mata ang napakatamis niya ngiti. Sa araw ng aking kaarawan nag paalam sa huling beses ang aking ama.

(End of flash back)

------

hangang dito muna..umiiyak na kasi si author. huhu..I love and hate this chapter at the same time.

Fiance for Sale!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon