5 months. Equivalent to 152 days. 3648 hours. 218,880 minutes. 13,132,800 seconds. Yan nalang ang natitira samin. Nakakalungkot kasi mabilis nalang yun eh. Time really flies so fast lalo na pag masaya ka.
I really enjoy Gab's company. Hindi sya yung tipo ng lalaki na madistansya. Sya yung lalaki na hindi mo aakalaing may problema. Kung tutuusin, he's almost perfect. Pogi sya(daw), rich kid, may dugong German, mabait, maunawain, he's also funny, and he can make you smile with his words of wisdom na di mo aakalain na sa kanya galing.
Whenever may problema ako, sya yung sinasabihan ko. He always say that when nothing goes right, go to sleep.
Sya yung bestfriend ko and he's my brother at the same time.
Hindi nya hilig ang mangako kasi sabi nya, baka di nya matupad yung pinangako nya.
Pareho kami na hindi buo ang pamilya. Ang kaibahan lang, mommy ko ang nangaliwa, at sa kanya, daddy naman.
We're both the eldest. May tatlo syang half siblings and ako may dalawang kapatid.
October na, it's been 5 months simula nung naging close kami. June 20. Yan yung araw na binuking ako ng team mate namin na si Arny sa crush ko na si Dwayne.
At ngayon, 5 months nalang ang bibilangin bago sya manirahan sa Australia.
Mag tatagal nga ba ang friendship namin? Sana...
======================
Author's note: hi sayo reader! Sana patuloy kang mag basa. First time kong gumawa ng story na galing sa tunay na pang yayari. Ang updates ko po ay Monday to Friday lang. Pag dating ng Saturday at Sunday, rest ko naman po. Enjoy. Sana may nag babasa hahaha
BINABASA MO ANG
5 Months Left
Teen FictionPaano kung yung bestfriend mo, aalis na ng bansa? Anong mararamdaman mo? Paano kung pag alis nya, kalimutan ka nya? Anong gagawin mo? Paano kung hindi pala best friend ang turing nya sayo? May magagawa ka pa ba? Ako, hindi ko alam. Basta ang alam k...