Matapos kung kumain umalis na rin ako sa cafeteria at bumalik na sa classroom kaya lang habang naglalakad ako.. muntik na akong matumba ng parang may tumulak sa akin. Mabuti nalang nakabalance ako kundi talagang sa sahig ang bagsak ko.. napatingin naman ako sa likuran koh.
" Naku! Sorry! Sorry! Sorry talaga. " sabi niya ng nakayuko.
" Okay lang! " sabi ko nalang. Mukhang hindi niya naman sinadya yung pagkakabangga sa akin.
" Sorry talaga.. nagmamadali kasi ako. " sabi niya ng hindi tumitingin sa akin.
Napatingin naman ako sa kanya na isa-isang pinupulot yung mga libro at mga naglaglagan na papel sa sahig. Yumuko naman ako para tulongan siya, nahulog yata yun kanina.
" Thank you! " sabi niya ng abutin ko sa kanya yung napulot ko.
Ngumiti lang ako sa kanya, napansin ko yung mukha niya ang ganda niya..simple pero maganda. Parang siya lang yata yung kakaibang nakita ko sa school na toh.
Magaganda at gwapo lahat ng nag-aaral dito at halos mayayaman ang pumapasok dito dahil sa kilos.. at yung mga suot nila halata naman talagang mayayaman silang lahat. Ang mamahal ng mga suot nila.. pero siya hindi ko alam kung mayaman toh. Sa suot niya kasing bag parang sa divisoria lang binibili at yung mga gamit niya kayang-kaya yung bilhin kahit sino. Pero ako wala akong paki sa standard ng buhay nila noh.
" Transferre ka? " tanong niya sa akin.
" Oo! Bakit? " tanong ko naman sa kanya.
Sabay kaming naglalakad ngayon pareho lang yata kami ng daan papunta sa mga room namin.
" Hindi ka kasi nakasuot ng uniform. " sabi niya naman sa akin.
Naka civilian lang kasi ako..nakakatamad kasing magsuot ng uniform kanina. Bagong pasok ko pa lang maguniform na ako..ayaw ko nga.
" Aah...bukas pa kasi ako magsusuot ng uniform. " sagot ko nalang sa kanya.
Tumango lang siya sa akin..matapos niya yung tanungin..tahimik nalang kaming naglalakad dalawa, hanggang sa matanaw ko na yung room ko.
" Dito na pa- " napatigil kami pareho ng sabay kami magsalita. Tumawa nalang kaming dalawa.
" Hindi ko alam na magkaklase pala tayo. " sabi ko nalang.
" Wala kasi ako kanina. " sagot niya sa akin.
Pumasok na kami sa loob at buti nalang wala pa yung prof. namin kundi lagot kami pareho.
" Oh! She's here! The Poor girl. " sabi nong babae na humarang sa akin kanina.
Nagsitawanan naman yung buong klase, nagtataka naman ako kung ano ang nakakatawa sa sinabi niya.
At naalala ko bigla.. mayayaman pala ang mga tao dito kaya hindi maiiwasang manghuhusga sila ng mahihirap. Ibang-iba sa school ko noon kahit na maraming mayayaman doon at merong mahihirap lahat doon pantay-pantay...pareho kasi silang mga tarantado doon. Hahahahaha.
Napatingin ako doon sa babaeng kasama ko.. napangiti ako ng makita sa mga mata niya na palaban siya. Yan ang gusto ko.. yung nakikitang palaban ang isang tao.
" Oh! You're here! The bitch girl. " sabi nito habang ginagaya yung tunog nong maarteng babae.
Napatawa naman ako ng palihim narinig ko naman yung ibang kaklase namin na tumatawa rin. Yung maarteng babae hindi ko alam kung naging pula lang ba yung mukha niya sa galit o sa kahihiyan.
" Shut up! Poor girl. " sigaw niya.
Pero ngumiti lang sa kanya yung babae, ngiting mapang-asar.
" Kasama mo pala yang transferre na yan. Oh! Well! Hindi na ako magugulat.. talagang magkakasama ang mga mahihirap. " natatawa nitong sabi.
Napatawa nalang ako sa isipan ko kung makapagsabi ng mahirap akala mo siya hindi mahirap... Kung tutuusin yung mga magulang lang naman nila ang mayaman hindi sila! Pinag-aral sila para maging katulad din sila ng magulang nila. At isa pa san niya naman nalaman na mahirap ako?
Magsasalita na sana ulit yung kasama ko kaya lang sakto namang dumating yung prof. namin kaya pumunta na kami sa kanya-kanyang upuan.
Nang uwian namin lumabas agad ako sa room kaya lang napahinto ako ng may tumawag sa pangalan koh.
" Nicole " napatingin naman ako sa likuran ko, nakita ko yung babae kanina na patakbong lumapit sa akin. Ng makahinto siya sa harapan ko hingal na hingal pa siya.
" Nicole, tama ba? " tanong niya ng makabawi siya ng hininga niya.
Tumango lang ako sa kanya, nagulat naman ako ng ilahad niya ang kamay niya sa harapan ko. Pabalik-balik naman ang tingin ko sa kanya at sa kamay niya.
" Jamela Mendoza! Mela for short! " nakangiting pagpakilala niya sa akin.
" Nicole Perez " nakangiting sabi ko saka inabot yung kamay niya at nagshakehands kaming dalawa.
" Sabay na tayung umuwi. " napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi.
" Ah...eh... S-sige "
Nakakahiya naman sigurong tanggihan ko siya noh.. siya na nga yung nag-aya ako pa yung tatanggi sa kanya.
" Pero bago yan- " napatingin ulit ako sa kanya.
" Magkaibigan na tayo simula ngayon. Pwede ba yun? " nakangiti nitong sabi.
" T-talaga? " hindi kapaniwalang sabi.
Tumango lang siya sa akin..sa sobrang saya ko napayakap ako sa kanya. Ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ako ng isang kaibigan. Buong buhay ko kasi hindi pa ako nagkaroon ng kaibigan simula nong bata pa ako. Hindi ko alam kung bakit, yung sa dating school ko naman walang kaibigan-kaibigan don lahat ng turing namin eh.. magkaaway.
Napabitaw na ako sa kanya..feeling ko kasi nasaktan siya sa sobrang higpit ng pagkakayakap ko sa kanya.
" Freinds! " sabi niya at inilahad ulit yung kamay niya sa harapan ko.
" Freinds! " nakangiting sabi ko sa kanya habang nagshshakehands kaming dalawa.
Pareho kaming nakangiti habang naglalakad na magkasabay, unang araw palang meron na agad akong kaibigan akala ko mahihirapan ako dito sa pagkakaroon ng kaibigan hindi pala.
" Pauwi ka na ba sa inyo? " biglang tanong niya sa akin.
" Aah.. Hindi pa.. pupunta ako sa restaurant ngayon. " gulat naman ako na bigla siya mapatingin sa akin.
" Nagtratrabaho ka? " gulat na tanong niya sa akin.
" Aah..e...Oo! " alanganing sagot ko sa kanya.
" Pareho pala tayo.. akala ko kasi mayaman ka rin tulad nila. "
Ngumiti lang ako sa kanya.. nauna na siya umuwi sa akin.. ako naman pumunta sa restaurant at nagsimulang tumulong. Ang rami kasing customer kaya nahihirapan sila sa pagkuha ng order at pagserve.
BINABASA MO ANG
My Love! My Forever!
RomanceIsang babaeng ubod ng yaman lahat ng gusto niya ay makukuhty da niya. Pero iba siya, para sa kanya lahat ng tao ay pantafy-pantay lang walang mahirap walang mayaman. Isang lalakeng kinababaliwhan ng mga babae dahil sa taglay nitong kagwapuhan at sa...