* Kevin POV *
Nandito kami ngayon sa bar kasama ko ang mga kaibigan ko. Hindi kami umiinom dahil may pasok pa kami pangpalipas oras lang kaya kami nandito. Masyado pang maaga para pumasok kami at isa pa walang naman silang magagawa kung malelate kami.
" Narinig niyo ba yung balita kahapon. " sabi ni Niko sa amin.
" Ang alin yung bagong transferre? " sabi ko naman na ikinatango niya.
" Naging usap-usapan siya kahapon, hindi nga nila alam kung mahirap ba o mayaman. Pero nong sinabi ni Sabelle na mahirap siya doon na nalaman ng lahat. " sabi naman ni Kent
" Pero p*cha nandon ako kahapon.. kung hindi niyo matanong.. sobrang ganda at ang seksi niya.. Mas seksi pa siya kay Sabelle. " sabi ni Henry
Binatukan ko nga! Umaandar naman ang kamanyakan niya.. babaero kasi yan marami ng babaeng pinaiyak.
" Meron na namang madadagdag sa mga fans na nagkarandapa sa kagwapohan natin. " mayabang na sabi ni Niko.
Napangiti nalang ako, walang babaeng hindi magkagusto sa amin. Sa kagwapuhan namin at sa kasikatan namin wala pa ba yan magkakagusto?
" Lahat naman ng mga babae madaling makuha, kunting sweet niyo lang sa kanila bibigay na agad. " sabi ko sa kanila
" Hindi lahat ng babae, Kevin " diing sabi ni Kent.
Ganyan niyan kasi siya lang ang may girlfriend sa amin, matagal na nga sila ng girlfriend niya 2 years na yata. Kulang na lang magpakasal silang dalawa. Parang ayaw maghiwalay sa isat-isa.
" Bastos ka! Girlfriend ko yang nilalandi mo. " napatingin ako sa taong sumigaw.
Napailing nalang kaming tatlo.. ito kasing si Henry may bago na namang nilalandi.
" Wooh...Relax lang Pre! Yung girlfriend mo ang sisihin mo, siya yung nakikipaglandi sa akin eh... Kaya kung ako sayo bantayan mo yang girlfriend mo, para hindi ma- " bago matapos ang sasabihin ni Henry sinuntok na siya nito.
" G*g* talaga! " sabi ni Niko saka tumayo.
" Sinabi mo pa! " sabay naming sabi ni Kent at tumayo na rin.
Nagkagulo na kaya kailangan na naming mangialam.. marami palang kasama yung pangit na yun, baka maporuhan si Henry... Mahirap na baka mapagalitan pa kami... Nakisali na rin kami sa gulo, wala palang panama ang mga toh, napakadaling patumbahin hindi man lang kami napawisan.
" Mga gonggong! Kilalanin niyo muna ang kakalabanin niyo. " sigaw ni Henry sa kanila.
" At ikaw! Kilalanin mo rin ang nilalandi mo. " sabay batok ko sa kanya.
" Kevin naman! Nakakailan na kayo ha! " singhal niya sa akin.
" Gusto mo dagdagan ko pa. " asar na sabi ko sa kanya.
Nakunot naman ang noo ko sa pagsimangot niya, kaya minsan napagkakaalaman namin tong bakla sa inaasta niya.
BINABASA MO ANG
My Love! My Forever!
RomanceIsang babaeng ubod ng yaman lahat ng gusto niya ay makukuhty da niya. Pero iba siya, para sa kanya lahat ng tao ay pantafy-pantay lang walang mahirap walang mayaman. Isang lalakeng kinababaliwhan ng mga babae dahil sa taglay nitong kagwapuhan at sa...