Dumeritso ako sa cafeteria pagkalabas ko ng room.. mahaba pa naman ang oras ng breaktime dito... Pagpasok ko sa cafeteria agad na agaw ang atensyo ko ng mga taong nasa ginta na parang may pinaguguluhan. Hindi ko naman sila pinansin dahil baka madamay lang ako sa gulo nila noh.
Dumeritso na ako sa counter saka umorder ng makakain.. ng makuha ko na ang order ko umupo ako sa pinakasulok nitong cafeteria. Ayaw ko kasing maistorbo kapag kumakain na ako.
Susubo na sana ako ng mapatigil ako ng marinig ko ang sigaw na yun.
" Mahirap ka na nga napakabobo mo pa! Hindi ka nababagay sa eskwelahan na to! " rinig kung sigaw ng isang pamilyar na boses.
" Bakit ikaw ba nababagay dito? Hindi nababagay ang mga malalanding babaeng tulad mo! " teka parang si-
Napatayo ako sa kinauupuan ko at pumunta doon sa mga nagkukumpolang tao... Nagulat ako ng makita si Mela na gulong-gulo ang buhok at mukhang binuhusan pa ng juice ang damit nito.. ang dumi niya tingnan sa ayos niya.
Nagulat ako ng bigla siyang sinabutan nong maarteng babae na yun.
" Walanghiya kang hampaslupa kah... " sigaw nito habang sinasabunutan si Mela.
" Go! Sabelle! Paalisin mo na yan. "
" Oo nga! Hindi siya nababagay dito. " sigaw nong mga nanunuod lang.
Bigla namang uminit ang ulo ko sa pinagsasabi nila... Kagagaling ko lang sa pang-aasar kanina.. ngayon naman inaaway nila ang kaibigan ko. Napatingin ulit ako sa kanila ng makitang sinasabunutan din ni Mela yung Sabelle yata ang pangalan non, yun narinig koh eh. Pero hiniwakan nito ng dalawang kasama niya ang magkabilang kamay ni Mela kaya hindi na ito makapalag.
" Anong karapatan mong saktan ako ha! "
Sasampalin na sana nito si Mela pero mabilis akong pumunta sa harapan niya at hinawakan yung kamay niya bago pa ito masampal si Mela.
" At ikaw! Anong karapatan mong saktan ang kaibigan koh. " malamig kung sabi sa kanya kaya medyo napaatras siya.
Tsk! Wala pa akong ginawa takot na agad.. pano pa kaya kung may gawin ako sa kanya na hindi niya inaasahan baka hindi lang takot ang maramdaman niya.
" Nicole! Huwag kang mangialam dito. " sabi ni Mela sa akin.
Pabagsak kung binitawan ang kamay niya saka humarap ako kay Mela at ngumiti lang. Tiningnan ko naman ng masama yung dalawang babaeng humahawak sa kanya... Agad naman nitong binitawan ang kamay ni Mela at umalis sa likuran nito.
" Talagang nga namang magkakampi ang mga hampaslupa. " napaharap ako ng marinig ang sinabi niya.
" Hampaslupa? Kung ihampas ko kaya yung mukha mo sa lupa. Tutal para kanamang clown. " ngiti pang-asar na sabi ko sa kanya.
Mas lalo akong napangiti ng makitang pulang-pula na yung mukha niya. Yung mga nanunuod sa amin napasinghap nalang sa sinabi ko, narinig ko pang pinipigilan ni Mela ang tawa niya.
" How dare you! " sigaw niya sa akin.
Sasampalin niya sana ako pero mabilis ko namang nahawakan yung kamay niya. Gusto niyang sampalin kanina si Mela tapos ako na naman ang isusunod niya? Hindi naman yata yun pwede noh.
BINABASA MO ANG
My Love! My Forever!
RomanceIsang babaeng ubod ng yaman lahat ng gusto niya ay makukuhty da niya. Pero iba siya, para sa kanya lahat ng tao ay pantafy-pantay lang walang mahirap walang mayaman. Isang lalakeng kinababaliwhan ng mga babae dahil sa taglay nitong kagwapuhan at sa...