* New School *

3.2K 60 0
                                    

Nandito na ako sa tapat ng bagong school na papasukan ko.. gate palang halatang mayayaman na ang mga nag-aaral dito. Ang ganda kasi ng pagkakadesign sa gate tapos parang marbol ang ginamit dito.

Pumasok na ako sa school pero bago ako makapasok hinarangan ako ng guard tinanong ako kung may I.D ba daw ako, pero sabi ko naman wala kasi transferre ako.. kaya pinapasok naman ako ni Manong.

Pagpasok ko sa loob napanganga ako sa nakita ko.. sobrang laki ng school nila kumpara sa school na pinapasukan ko noon.

Ang laki ng building nila dito at maraming mga rooms.. hindi ko mabilang kung ilan... Gusto ko sanang bilangin kaya lang nakakapagod at isa pa baka sabihin ng makakita sa akin na loka-loka ako. Ayaw ko kayang mapihaya sa unang pasok ko palang dito.

Pero alam niyo ba kung ano ang nagustahan ko dito sa unang pagpasok ko palang ay yung kulay ng mga buildings.

Oo! buildings ang rami eh.

Purple kasi ang kulay ng lahat ng building at may halong pintura na kulay pink ang ganda pa ng pagkakagawa. Ang masasabi ko lang PERFECT COMBINATION.

Naghanap na ako ng room ko, late na nga ako..  pero wala akong pakialam okay lang naman na late ako kasi transferre ako diba.. kaya walang problema. Pero nakakainis rin pala ang paghahanap.. nakakapagod!

Bakit kasi ang rami ng room dito hindi naman siguro sila naging matakaw sa mga room noh?

Nang mahanap ko na yung room ko huminga muna ako ng malalim saka kumatok ng ilang beses.. Oo! ilang beses ang tagal kasing buksan.

Sisipain ko na sana yung pinto kaya lang napatigil ako ng bigla itong bumukas kaya mabilis akong tumayo ng tuwid saka ngumiti sa taong nasa harapan koh.

" Good morning po! " nakangiti kung sabi sa kanya.

Napansin kung bahagya namang napakunot ang noo niya, ano naman kaya ang iniisip nito. Siguro iniisip nito na baliw ako, pero malabo namang mangyari yun baka ako lang yata ang nag-iisip non.

" May kailangan ka? " tanong niya sa akin na nakakunot parin ang noo. Mabilis tong tumanda, panigurado- ay mali pala matanda na pala toh.

Hindi ko siya sinagot sa halip binigay ko yung papel na hawak ko kanina pa.

" So! You are the transferre? " biglang sungit nitong sabi sa akin.

Tumango lang ako sa kanya na nakangiti parin, pero sa loob-loob ko kanina pa ako naiireta sa gurong toh. Kung papasukin niya kaya ako at doon magtanong sa loob sa halip na nasa labas ng room. Para siyang pulis magiimbestiga muna bago magpapasok hanggat wala pang nakukuhang proweba.

" Come in! " sabi niya na tumagilid kunti para makapasok ako.

Pumasok naman ako na nakangiti kunti Oo! Kunti lang baka sabihin nilang baliw talaga ako.

Pagpasok ko sa loob nasa akin ang mga mata nilang lahat, parang ngayon lang nakakita ng maganda.

" Wow! Pare may bago namang chic ang school natin. " rinig kung sabi nong nasa harapan.

" Ang ganda niya pre.. parang ang sarap halikan. "

May mga basto din pala dito akala ko sa school lang namin ang may mga bastos? Baka may mga tarandato rin dito kasi doon sa school namin maraming tarandato don kulang nalang eh magmawala don.

Umingay naman ang buong klase merong nagbubulongan na rinig ko naman, alam ko naman na ako yung pinag-uusapan. Alam ko namang maganda ako bakit kailangan pang ipagkalat?

Ang kapal talaga ng mukha koh!

Pero totoo ang sinabi ko noh talagang maganda ako.. mana kaya ako sa Mommy ko.

" Class Quite..." bigla sigaw niya kaya tumahimik naman sila.

Takot siguro toh sa kanya. tumingin naman siya sa akin.

" Introduce yourself. " sabi niya sa akin.

Ngumiti muna ako sa kanya saka humarap sa mga kaklase ko na nakangiti rin. Parang mga aso yung mga lalake kung makangiti parang wala ng bukas.

" Good morning! Classmate! " pag-uumpisa koh. " My name is Nicole Perez, bagong lipat lang kami dito kaya sana be nice to me. " nakangiting sabi ko sa kanila.

" Walang problema Ms. Maganda aalagan ka namin dito. Diba! " sigaw nong nasa likuran.

Sumangayon naman sa kanya yung iba, yung iba naman parang hindi nagustuhan yung sinabi nong ka klase nila. Ngumiti lang ako sa kanila saka tumigin ulit sa guro namin.

" Take you're set. " sabi niya sa akin.

Humanap naman ako ng upuan, sa bandang likuran ako umupo para malapit sa bintana gusto kasing mahanginan ako... Nagsimula namang magturo yung guro namin, parang wala nga ako ganang makinig sa kanya kasi napagod ako kanina sa kakahanap ng room na toh. Kaya kahit hindi ako nakikinig nakatingin lang ako sa harapan para kunwaring nakikinig ako.

Nang breaktime na agad akong tumayo at lumabas na sana ng classroom kayalang may humarang sa daraanan koh.

" Transferre ka dito diba? " mataray na tanong nito sa akin.

" Bingi ka ba? "

Gusto ko sanang sabihin yun sa kanya kaya lang ayaw ko ng gulo bagong-bago palang ako dito gulo na agad ang inabot koh. Baka pagalitan lang ako nina kuya noh, kasalanan ko pa.

" Oo! Bakit? " tanong ko sa kanila.

" Nothing! You can go. "

Nagbigay naman sila ng space para makadaan ako, akala mo kung sinong magaganda kung makatanong parang imbestigador.

Hinahanap ko na yung Dean office nila dito para ipasa tong requirements ko sa paglipat ko dito sa kanila kailangan daw kasi yun. Nang mahanap ko na yung Dean office at ibigay sa kanya yung kailangan niya umalis na ako doon at dumiretso sa cafeteria para makabili ng makakain, nagugutom na rin kasi ako.

My Love! My Forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon