Grade 7 (Year 2013-2014)
"Jervin!!"
Napalingon ako sa taong tumawag sa akin. Nakita ko syang nakangiti ng malapad papalapit sa pwesto ko.
"Oh?"
"Pwede mo ba akong tulungan sa activity natin sa Mathematics? Please? Tutal panlaban ka naman sa Math contests di ba?"
Tiningnan ko ang mukha nya. Nagpupuppy eyes sya habang magkadikit ang dalawa nyang kamay na tumatakip sa ilong at bibig nya. Inilahad ko ang kamay ko at inilabas nya ang notebook nya.
"Yays, thank you! Ikaw na talaga ang best best friend ever!"
"Di din naman kita matatanggihan, sa kulit mong yan." Ngumiti na lang sya sa akin ng malapad.
"Ehem, ehem. May nagseselos. Ehem." Sabi ni Nhika. Napatingin kaming dalwa sa kanya pero patuloy parin sya sa pagtikhim. Hanggang sa halos lahat ng kabarkada namin ay gumaya na din sa kanya. Napatingin na lang sa akin si Lena na puno ng pagtatanong ang mukha.
"Anong meron?" Nagshrug na lang ako at pinagpatuloy ang pagpapaliwanag sa kanya.
"Aray, ano ba Nhika." Napatigil na naman ako nang marinig ko ang malakas na boses ni Aine. Kinukurot sya sila Nhika sa may tagiliran.
"Ang nagseselos, bow." Sabi naman ni Rylle. Na syang binatukan agad ni Aine. Gulo talaga ng mga ito. Tsk, tsk.
Mga bagong kaibigan namin sla ngayong grade 7. Simula gradeschool magkaklase at magkaibigan na kami ni Lena. Yung iba naming katropa at kabarkada, lumipat na sa ibang mas malalaking unibersidad dito sa lugar namin. Mga rich kids kasi.
Pero kahit na ganun ang nangyari-- nagkahiwa-hiwalay ang tropa-- magkakaibigan pa rin kami. At ngayon nga, nadagdagan na. Nagkaroon na kami ng mgabagong kaibigan. Well, it's all part of growing up.
Pero yung iba, nagkamali ng piniling landas. Ang ilan naming mga kaklase noong gradeschool, malaki na ang pinagbago ngayon. Kung dati, mga mama's boy, akala mo kung sinong napakainosenteng bata... ngayon nalulong na sa bisyo. Kahit grade 7 pa lang kami, natuto ng magsigarilyo at tumikim ng alak. Di katulad ko, good boy yata to.
Syempre, may pangarap ako sa buhay no. Ayokong maiwan na lang na nakasabit sa ere ang mga pangarap na yun. Balang araw tatawagin din akong Engineer Jervin Thomas at makakasama ko ang babaeng mahal ko.
"Ay! Alam ko na," napatigil ako sa pagiisip ng kung ano nang magsalita sya. Tumingin ako sa kanya at kita ko syang nagpipigil ng tawa at tili. Animoy kinikilig.
"Oy! Oo na! Alam nyo namang fan din ako ng kanilang love team!" Sigaw nya kina Merrylle sabay hagikhik. Minsan nagtataka na din ako sa mga babae, bakit parang sila lang lagi ang nagkakaintindihan? Kahit hindi sabihin ang topic basta magkatinginan lang, asahan mong walang sawang usapan yan.
"Ainevin for the win!" Sigaw nya. Na sinundan naman ng mga kabarkada nya. Habang si Aine, nakaupo lang at nakatakip ng mukha. Noong una hindi ko pa naintindihan ang sinabi nya pero hindi naman ako ganun katanga para hindi malaman ang sinabi nyang 'Ainevin'.
Napailing na lang ako sa kanila. Mga babae talaga.
Alam naman nilang wala akong nararamdaman kay Aine pero lagi na lang nilang pinipilit na meron. Kakagaling ko lang sa isang relasyon at ayoko munang malink kahit kanino. Lalo na at si Aine ay kabilang din sa kabarkada.
Alam nilang may gusto sa akin si Aine at nahahalata ko din yun. Hindi ako manhid para magpanggap na wala akong nakikita. At lalong hindi ako yung taong nagpapaasa. Simula't sapul hindi ko na kinunsinti ang mga ganyang gimik nila. Kahit na ilang beses ko ng sabihin na wala talaga, pinipilit pa rin nila ang Ainevin. Bilang lalaki, ayokong makasakit ng babae kaya sinabi ko na agad kay Aine na wala talaga. Hindi ako paasa.
Malapit na ang pagtatapos ng school year na ito. Sa bagong school year na dadating, alam kong bagong pagsubok at problema din ang dadating at susubok sa pagkakaibigan naming lahat. Sana walang kumalas at umalis sa barkada.
Pero ang hiniling kong yun, mukhang ako pa yata ang babali.
BINABASA MO ANG
Let's Be Friends Again
Short StoryPublished ulet. [ Requested ] * WARNING : JEJE DAYS * * FULL OF TYPOGRAPHICAL AND GRAMMATICAL ERRORS * Friends. Best Friends. Fell In Love. Friendship Over. Let's Be Friends Again