Chapter 2

41 5 0
                                    

Grade 8 (Year 2014-2015)

Dito, nagsimula ang lahat. Sa taong ito, nagkandaloko-loko ang lahat. Dahil sa akin... dahil sa mga narealize ko, mukhang mawawasak ang pagkakaibigan namin.

Nagumpisa na ulit ang pasukan matapos dumaan ang ilang buwan bakasyon.
Nagkitakita na ulit kami ng mga kaibigan ko.

Si Lena agad ang kinamusta ko dahil syempre namiss ko din naman ang bestfriend ko. Nagbakasyon sya sa probinsya kung saan nandun ang mga kamag-anak nya gayundin ako. Bihira kaming magkausap netong mga nakaraang buwan.

"Uy Jervin,"

"Hello Bestfriend!!"

"Jervs, pwe. Ang pangit palang pakinggan parang jebs. HAHAHAHA"

"Wahh! Jervin! Tulungan mo ko!"

"Libre mo ko Jervin, mapera ka naman."

"Uy, pasalubong ha. Pag di mo ko pinasalubungan di kita kakausapin ng ilang buwan. Tamdaan mo yan."

Napaupo ako sa pagkakahiga ko ng magflashback sa akin ang mga pagkakataong lagi kaming magkausap at magkakwentuhan. Unti-unti na lang lumalabas sa isipan ko ang mga imahe nya. Ang mga ngiti nya. Ang ngiting kinaaadikan ko.

Shit. Hindi pwede to. Mag bestfriend kami, dapat walang talo-talo.

Habang lumilipas ang bawat araw para bang unti unti ko na syang minamahal kahit alam kong magiging komplikado lang ang lahat kapag di ko to pinigilan

Pumapasok sa isip ko ang tanong na, 'Tama ba itong nararamdaman ko?'
Napagpasyahan ko na sarilihin nalang tong nararamdaman ko. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin dahil sa akin.

***

Masaya kaming lahat during the group activity sa science physics pa naman. Ang pinaka favorite ko na branch ng science.

Thankful ako na ginawang by row ni ma'am ang pagg-group dahil karow ko si Lena. Kaya, magkagroup kami.

"Jervin pano ba to ikaw naman ang electrician dito eh" sabi ng bestfriend ko habang tinuturo yung electric circuit.

"Ahhh ikoconnect mo lang ang pulang wire sa left side ng switch
Tapos yung itim ay sa battery holder."

"Salamat" sabay ngiti nya sakin

Sa bawat ngiti nya sa akin ay lalong lumalalim ang nadarama ko sa kanya pero pilit ko pa ring tinatago dahil alam ko ang kahahantungan nito kapag ipinagpatuloy ko.

"Jervin!!! Hindi naman gumana eh." pagmamaktol nya.

"Ay sorry pumutol ka pa ng isang wire mga 7 inches lang tas connect mo dun sa switch at battery holder."

"Ganito ba?"

"Oo ganyan nga." Pagsang-ayon ko.

"Yan gumana na galing talaga ni bestfriend."

"Oo na alam ko yan, Hahahahaha" nakitawa na lang sya sa akin.

Parang sa aming dalawa lang umiikot ang mundo dapat ko na bang aminin sa kanya o itatago ko pa?

Kukunsultahin ko nalang ang tropa.

"Jomz.. Sa tingin mo anong dapat kung gawin aaminin ko ba o hindi at itatago ko nalang?"

"Ano ba naman yan pre syempre aminin mo na para ka namang bading dyan eh."

"Salamat pre."

Lumapit naman ako kay Josh at sya naman ang tinanong ko.

"Naku naman pre lalaki tayo aminin mo na."

Lahat sila iisa ang sagot sa kin na aminin ko na pero baka ikasama ng friendship namin.
Ano na naguguluhan na ako?

Eh kung yung mga katropa naman nya ang tanungin ko?

"Chin may sasabihin ako sayo pero wag na wag mong sasabihin kay Lena ha."

"Oo naman ano ba yun?"

"May nararamdaman na kac ako kay Lena aaminin ko ba sa kanya oh hindi?" Nag-isip sya saglit pero agad din naman syang sumagot.

"Madali lang yan pumili ka,

A. Aaminin mo sa kanya na may nararamdaman ka sa kanya at umasa kang magiging okay ang lahat, which is ang tanga mo kapag ito ang pinili mo dahil umasa ka.

B. Aaminin mo sa kanya at masisira ang friendship nyo. Iiyak ka tapos tatawanan kita.

C. Itatago mo sa kanya para sure na hindi masira ang friendship nyo, which is masasaktan ka lalo.

D. Itatago mo sa kanya at mag iintay ng tamang tsempo para sabihin sa din sa kanya."

Ewan di ko alam kung ano ang gagawin ko eh basta. Ang gulo!

Napaisip na lang ako at nawala sa sarili ko.

Math time na pero wala parin ako sa sarili ko at wala akong naiintindihan sa tinuturo ni ma'am.

Hanggang sa...

"Jervin ikaw nga solve mo 'to."

Blahblahblah

"Jervin!!! Ano bang nangyayari sayo sabi ng isolve ito!!" Napatayi ako nang narinig ko ang pangalan ko.

"Ah maam alin po?" Clueless na tanong ko.

"Hay naku ano bang nangyayari sa 'yong bata ka."

"Wala ma'am," pagtanggi ko. Nakakahiya naman siguro kung pati problema ko ishare ko pa kay ma'am no. Ang dami na nga nyang problema, na ibinibigay nya din sa amin at pinapasolve. Lintek. Ang dami nyang handang math problem.

"Sige solve mo na 'to"

"Sige po ma'am." Pumunta na ako sa black board at sinagutan ang problem.

After kong masolve may humampas sa likod ko tiningnan ko ay si Lena pala.

"Uy ano bang nangyayari sa 'yo bespren?"

Napaisip ako sa mga sinabi ng mga kinunsulta ko kung sasavhin ko na ba pero mahalaga sakin ang friendship namin kaya tinago ko na lang.

Kung alam mo lang Lena... kung alam mo lang.

~~~

So yeah, may special participation ako dyan. Lahat ng yan sinabi ko sa kanya. (Ako yung Chin, Hahaha)

Let's Be Friends AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon