Chapter 3

34 4 0
                                    


Dumaan ang mga araw at para bang sa di maipaliwanag na dahilan ay gusto ko ng sabihin sa kanya ito.

Dinaan ko nalang muna sa biro ang nadarama ko para maipahatid sa kanya.

"Uy Lena pano kung mahal na kita?"

"Yaan mo mahal din naman kita eh bestfriend tayo di ba?" Sagot nya sa akin sabay ngiti.

"Ay oo nga pala, I love you Lena."

"I love you too Jervin."

Oo inaamin ko kinilig ako pero yung pagmamahal nya sakin ay hanggang kaibigan lang... hanggang matalik na kaibigan lang. Pero ang nadarama ko sa kanya ay higit pa dun.

Ano kaya kung sabihin ko na to hindi ko na kaya na may tinatago sa kanya eh. Pero ano kayang mararamdaman nya. Madaming tanong ang gumagambala sa isip ko.

What if she feel the same?

What if lumayo sya sakin?

What if mahirapan syang tanggapin ang katotohanan na mahal ko sya more than best friend?

Naku naguguluhan na ako.

Kumuha ako ng bulaklak sa may garden.

"Aaminin, hindi aaminin, hindi ... Aaminin"

What the? Aaminin ko na talaga sa kanya pati naman kasi bulaklak nasang-ayon na.

Iniintay ko si Lena sa harap ng door ng classroom namin nang biglang yun nakita ko na sya hinila ko sya sa library kung saan kami lang ang tao at librarian.

"Lena may kailangan kang malaman."

"Oh ano naman yun?"

"May mahal na kasi ako."

"Eh talaga?" Sinabi nya na may ngiti at kumikinang ang mata. Halatang nagulat ngunit masaya sya.

Nag-alangan ulit ako kasi naman.

"Eh pano kung ikaw yun?" pabiro kong sinabi sa kanya.

"Naman bespren wag namang ganun."

"Eh pano kung ikaw nga?" Pagpupumilit ko.

"Eh sure naman ako na hindi ako ang tinutukoy mo." Kaya ko to. Aaminin ko na sa kanya. Ihahanda ko na lang ang sarili ko sa mga mangyayari. Nagbuntong hininga ako.

"Lena ikaw nga ang mahal ko." Sabi ko sa kanya.

Hindi sya makapaniwala at umiling na lang. Lumakad sya palabas ng library at naiwan ako.
Syempre sinundan ko sya. Nang maabutan ko sya hinawakan ko sya sa kamay na lagi kong ginagawa pero binitawan nya.

Kasi naman inamin ko pa eh yun din pala magiging reaction nya pero baka bukas ok na kami. Ganun naman lagi kami. Mag-aaway, magkakatampuhan pero kinabukasan okay na.

*Kriing *Kriiiiing

Time na pala.

Napatingin ako sa katabi kong upuan. Bakante.

Lagi kaming magkatabi sa upuan pero bakit ganun? Lumipat na sya ng upuan. Grabe naiiyak na talaga ako.

Nawala na naman ako sa sarili ko na parang natutulala at naluluha ako kaya nag cut nalang ako ng classes.

Buong akala ko ay di matatapos ang araw na yun nang hindi ulit kami naguusap o text man lang. Pero nagkamali na naman ako.
Tinext ko sya ng tinext pero walang reply. Tinawagan ko sya pero pinatay nya ang phone nya.
Chinat ko na rin sya sa fb pero seen lang.

Ayaw ko na grabe sa isang iglap ay parang nawala lahat ng pinagsamahan namin.

Nagiging magkagroup parin kami sa mga activities pero di na nya ako tinatanong.

Grabe na nga ang nangyayari
Lord ano ba to? Bakit? Bakit?

Dumaan pa ang mga araw at di na nya ako pinapansin. Ganun ba talaga ang epekto ng pagmamahal? Parang ayaw ko ng mag mahal ulit lalo na kung ang minamahal ay lumalayo lang din.

Di ko na sya guguluhin at gagambalain pa. Iiwasan ko na rin sya sakaling mawala na tong nadarama ko sa kanya.

Lumipas ang mga buwan linggo at araw pero bakit ganun? Sya parin ang mahal ko? Binabaling ko na nga attention ko sa iba para kalimutan yun at baka sakali na maging matalik na magkaibigan na ulit kami.

Ano na to grabe! Ano na ba talaga ang gagawin ko?
Jusko grabe na to.

Palilipasin ko pa ang mga araw pero pag wala parin ay talagang sya na. Kahit anong gawin ko ay pipilitin ko na maging magkaibigan ulit kami.

~~~

Hindi ko akalaing ganito kacorny ang kaibigan kong yun. Hahaha, Mr. J, peace tayo. ^×^

Let's Be Friends AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon