Tikim
Dalawang araw na pala ang nakalipas simula ng sya dumating sa probinsya.
Inayos na lamang nya ang lahat ng kanyang gamit, kabilang na ang mga grocery at kanyang mga damit ilang araw na kasi itong nananatili na nakatengga lang sa isang tabi. Pumunta sya rito sa probinsya na ang ineexpect lang ay bahay at kaonting gamit pero nagkamali sya dahil naabutan nya na kompleto ang lahat ng gamit sa lahat ng kwarto, sa kitchen sa dining area at ang mga bulaklak at damo sa bakuran ay halatang alaga.
Tatawagan ko si Attorney.
Matapos ang tatlong ring ay sinagot nito kanyang tawag."Good Afternoon Atty." Pormal nya na sabi sa abogado ng kanyang ama.
"Good Afternoon Ms. Emmanuel, I suppose marami ka na itatanong tungkol sa iyong mga mana?" Pagtatanong nito, para bang alam na nya sa simula palang na mangyayari ang lahat ng to at hindi na sya nasurprise.
Mahaba ang naging usapan nila ni attorney tungkol sa bagay bagay. Inilahad din nito na ipinagawa ng kanyang ama ang bahay na to para lang sakanya at sakanyang mommy. Matigas si mommy kahit ano ang ibigay sakanya ma galing sa kanyang ama ay hindi nito tatanggapin, ngayon pa at kaya ng bilihin ng mommy nya ang mga bagay na gusto nito. Nagsumikap ang kanyang mommy para umungat muli at bumangon noong nagpunta sila ng maynila pero kasabay ng mga pagbabago sa kanilang buhay ay ang pagbabago ng pananaw ng mommy sa mga bagay bagay.
Hindi na ito mabilis mag-tiwala at hirap magpatawad.
She loves her mommy so much pero para sakanya oras na para magpatawad, gusto nya na ganoon rin ang gawin ng mommy nya. Sa totoo lang matagal na sya na nagpatawad, naalala nya pa noong sya ay college palang ay tanggap na nya.
Kung patuloy sya na magagalit ay hindi naman sila babalikan ng kanyang daddy dahil ilang taon na rin naman. Pero syempre ay marami sya na tanong sa kanyang puso pero isinantabi na nya yun ngayon dahil wala na ang kanyang ama.
Patuloy ang pagbagsak ng kanyang luha.
Sabi pa ni attorney na nakasaad sa kanyang testamento na ako lang ang magmamana ng lahat ng ari-arian ng ni daddy, kaya ang konklusyon nya ay sya lang ang anak nito. Para syang nabunutan ng tinik sa mga impormasyon na iyon hindi dahil gusto nya na sya lang ang taga pag-mana kundi masakit para sa puso nya na sya ay inabandona samantalang ito ay naalagaan na iba.
Magulo ang aking nararamdaman.
Inayos nya ang kanyang dapat ayusin tungkol sakanyang trabaho. Nag-email sya sa office kung saan sinabi nya na mag-vavacation leave muna sya. Kakasimula palang ng kanyang business at ito'y 3 na taon pa lang.
Katie is calling.
Kaagad nya itong sinagot.
"Hey Kay, I miss you!" She exclaimed totoong miss na miss na nya si Katie kahit konting araw pala nya ito na hindi na kikita. Kagaya rin kasi nya, si Katie ay isang business woman. Mga beauty products ang kanyang mga produkto dahil ito ay isang cosmetic surgeon.
"Oh yes I miss you gorgeous, masaya dito para mas masaya kung nandito ka." Malungkot na sabi nito.
"Alam ko yung ganyang tono Kay, Ano ang problema?" Kabisado nya ang timpla ng kanyang kaibigan. Alam nya kung may problemag ito o wala.
"Si Tristan kasi." Panimula nya. Alam na alam ni Katie na bubungangaan ko nanaman sya about sa open relationship nya.
"What?" Sagot ko. Ayoko ng binibitin ako sa kahit anong bagay, I am quite impatient.
She bit her lip.
"He proposed." Wika nya na sobrang umiiyak sya at nakangiti.
BINABASA MO ANG
Neighbors With Benefits (18+ Only)
RomanceBumalik si Siobhan Emmanuel sa probinsya upang asikasuhin ang kanyang mana at para na rin magbakasyon, yun lang naman talaga ang sadya nya sa probinsya pero hindi nya akalain na makikilala nya si Martin Alvarez ang kanyang kapitbahay.