Naked
Sa mahabang panahon na nanatili si Siobhan Emmanuel sa maynila ay nakalimutan na nya ang daan patungo sa minsan na nya na naging tahanan sa probinsya. Matagal tagal na simula noong huling punta nya rito. Halos hindi na nga nya maalala kung kailan ba sya lumuwas at nanirahan sa maynila, ang tanging naalala nya lang ay mga tao na nakakasama rito at ang mga alaalang kailan man ay hindi nya nilimot.
Tinawagan sya ng abogado ng kanyang pamilya para ipagbigay alam na minana nya isang isang kapiraso na lupa na dati nilang tahanan bago pa sila lumuwas ng manila.
Sa totoo lamang, wala na sya na balak bumalik pa rito kung hindi pa dahil sa tawag ng abogado at sa mana nya ay hindi pa sya ulit makakatungtong sa lupain na iyon. Hindi naman gaanong probinsya ang lugar na iyon, kundi parang manila narin. Ang iba na tao kasi iniisip pagnabanggit ang probinsya ay walang kuryente walang internet connection.
Sadyang stereotypical lang ang mga tao.
Bukod sa lupa na kinatitirikam ng isang maliit pero elegante ng bahay at iilang ektarya ng lupa ang pinamana sa akin ng aking namatay na tatay. Namatay na paka ito, ngayong linggo lamang nya nalaman. Kung hindi pa tumawag ang abogado sa kanya ay hindi pa mya ito malalaman. Hindi nya alam na may pakealam pala ito sakanya at sa mana na matatanggap nya sa haba habang panahon na inabandona sya at ang kanyang mommy.
Lahat ng sakit at hinagpis ay nakalimutan na nya at pinatawad na nya ang tatay nya, ang mommy nya lang talaga ang bitter hanggang ngayon sa mga pangyayari na yon. Hanggang ngayon ay dinadala parin ni mommy ang galit, kaya noong nalaman nya na patay na ang aking ama at dati nya na asawa ay tila ba isang relief sa pagkatao nya.
Naka-move on na ako.
Matagal na simula noong natanggap ko na hindi na babalik si daddy, bata palang ako noon. Pero bago ko natanggap ang mga yon ay grabe ang galit ko na halos isumpa ko na sya sa pagiwan sa amin at pagsama sa ibang babae. Nabalitaan nalang namin na sa ibang bansa na sya naninirahan pagkatapos noon ay wala ng natanggap pang balita si mommy at nagdesisyon na syana umalis ng probinsya at lumuwas ng maynila para mag-bagong buhay at makalimot.
"Opo mum, Ano bang mali kung gusto ko magstay dito ng ilang araw, linggo or months? Namiss ko yung lugar at isa pa busy ka dyan sa bago mo kaya hindi mo ako kailangan dyan." Wika ko sa aking nanay sabay hang up ng phone. Binabaybay ko ang daan papunta sa bahat habang kausap ko ang mommy na pina-paalalahanan ako na umuwi agad pagkatapos ayusin ang mga papeles ng lupa.
Please. 26 years old na ako, minsan nakakalimutan iyon ng kanyang mommy. Parang sa iisang bubong lang kami nakatira kung makapagpauwi. I have my own condo at gusto nya na magisa lang. Ganon din naman ang kanyang Mum, nakatira sya kasama si James yung boyfriend nya na kano. Kaya wala sya na dahilan para pauwiin ako. Ganyan ang lifestyle ni mum, kung dati ay abot abot ang naririnig nya sakin ngayon at tila ba wala nalang sa akin at pinabayaan nalang sya sa klase ng buhay ma gusto nya.
Dumaan sya sa isang pizza parlor para bumili ng kanyang dinner. Screw the calories, nagcracrave ako at mabilis ang metabolism ko kaya hindi ako agad agad tumataba.
Pagkatapos nya na bumili ay binaybay nya ulit ang daan papunta sa bahay, inabot nya ang kanyang bag at kinuha ang picture na pinadala sa kanya ni Atty. Sioson. Picture ito ng bahay na mamanahin nya at pansamantalang tutuluyan narin nya. Kaya lang nya nasabi na maliit ito ay dahil sa isang bahay na katabi ng minana ko na bahay.
BINABASA MO ANG
Neighbors With Benefits (18+ Only)
RomanceBumalik si Siobhan Emmanuel sa probinsya upang asikasuhin ang kanyang mana at para na rin magbakasyon, yun lang naman talaga ang sadya nya sa probinsya pero hindi nya akalain na makikilala nya si Martin Alvarez ang kanyang kapitbahay.