Father's Day 3: Cody Koichi Sison

45 1 0
                                    

Father's Day 3: Cody Koichi Sison

-Koichi's POV-

"Happy Father's Day, Daddy!"

Naalimpungatan ako sa pagtulog ko hindi lang nung marinig ko ang isang familiar na matinis na boses kundi dahil na rin sa biglang paggalaw ng kama namin. At pagdilat  ng mga mata ko, ang unang bumungad sakin ay ang tumatalon-talon na anak naming si Ayanna Kimberly sa kama. Makikita mo talaga ang saya sa mukha niya kasi sobrang lapad ng ngiti niya.

"DADDY!" she squeaked. At ako naman, natawa sa itsura ng anak namin. My beautiful daughter is covered in paint. There was paint in her hands, her face, her shirt, her shorts, and her legs. Haha.

I chuckled as I sat up. "Aya baby, bat ganyan ang itsura mo? What have you been up to?"

"She's been painting," sagot ng asawa kong si Aimskie. Nakatayo siya sa may pintuan ng kwarto namin habang nakangiti ng malapad.

"Talaga, Aya?" tanong ko sa anak namin, eksaktong tumigil na siya sa kakatalon. "What did you paint?"

Hindi sumagot si Aya. Instead, may inilabas siya mula sa bulsa ng shorts niya.

"I made a card for you, Daddy!" At muli siyang ngumiti ng malapad.

Narinig kong tumawa ang asawa ko mula sa likod, nakatayo na siya sa tabi ng kama. "Aya, why don't you sit down?" tanong niya. At bilang sagot, agad na umupo si Aya sa tabi ko. Buti na lang at hindi nalagyan yung bedsheets ng pintura.

"Happy Father's Day, Daddy," sabi ulit ni Aya. Ngumiti muna ako sa anak namin bago ko kinuha ang yung card mula sa kamay niya. It was stained with paint, lalo na sa mga gilid niya, pero okay lang yun. At least may gift sa akin ang anak ko ngayong Father's Day noh.

"Happy Father's Day to the best Daddy ever."

Yan ang nakasulat sa harapan nito. Binuksan ko ang loob, at napangiti ako nang makita ko yung dinrawing niya. Inside was a stick drawing of me and Aya holding hands. Oo, aminin kong simple lang siya, pero to me, it means a lot. Kung tutuusin ay ma-effort yung ginawa ni Aya para sakin.

"I love it, baby," sabi ko kay Aya at ngumiti sa kanya. "Thank you." Niyakap ko siya at hinalikan ko ang noo niya.

"See? It's pretty!" sabi ni Aya habang nakaturo sa drawing niya.

"Oh yes it is, baby," pagsasang-ayon ko. "It's pretty just like you. And very colorful too."

I was then surprised when Aya suddenly lifted her paint-covered hands and squished my cheeks together. Halla, ang dumi na tuloy ng mukha ko. Yaan na, gwapo pa rin naman ako eh kahit madumi yung mukha ko. Haha.

"Now Daddy's pretty too! Right, Mommy?" tanong ni Aya kay Aimskie. Haha. Tong batang to talaga.

Tumawa ng mahina ang asawa ko. "Of course your Daddy's pretty, baby."

"Come on, Daddy," yaya ni Aya sakin. "Get up. Let's go do something."

Hinila-hila ng anak namin ang kamay ko. Aba, mukhang excited na tong batang to ah. Ano naman kaya ang gagawin namin ngayon?

"Sige, anak ko," sabi ko kay Aya. "Pero maligo ka muna ha? Maligo ka at magbihis ka."

"Okay." She kissed my cheeks. "I love you, Daddy." Then she smiled sweetly. Awww.

Ngumiti rin ako sa kanya. "I love you too, Aya."

Pagkatapos nun ay dali-daling lumabas si Aya sa kwarto namin. Kaming dalawa na lang ni Aimskie ang naiwan.

"Well," Umupo siya sa tabi ko. "Happy Father's Day, Daddy."

Niyakap niya ako. And the next thing I knew, naramdaman ko ang paghalik niya sa mga labi ko.

"Hmmm, I believe Aya can wait a few more minutes," she whispered.

"Yes, my dear," sabi ko at marahan kong hinaplos ang pisngi niya. "Aya will have to wait. We have some unfinished business from last night."

I smiled at her. Muli kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya at hinalikan ko siya sa labi habang dahan-dahan ko siyang inihiga sa kama. I felt her hands grab on my nape and pull me closer to deepen the kiss. Ahh, ang sarap talaga sa pakiramdam.

"Happy Father's Day, my dear," bulong ng asawa ko nang maghiwalay kami ng saglit.

She smiled then kissed me again. I responded by kissing her more passionately. Ilang sandali pa'y nakaramdam ako ng init sa katawan ko. Okay, I think I know where this is going, pero yaan na. Normal na to samin kasi mag-asawa naman na kami eh.

Inalis ko ang ilang hibla ng buhok mula sa leeg niya at hinalikan ko siya doon, dahilan para makarinig ako ng pagsinghap mula sa kanya. Napangiti ako, ang sarap pakinggan ng boses niya kapag ganun.

"MOMMY!"

Pero napatigil kami nang makarinig kami ng isang sigaw. Galing ata yun sa banyo. Well, kilala niyo naman kung sino yung sumigaw, di ba? Tong anak ko talaga. Haha.

Napabuntung-hininga na lang si Aimskie bago siya tumayo at inayos ang sarili. Natawa naman ako dun, mukhang nabitin ata. Haha.

She gave me a small peck on the lips before walking down the hall to where my baby girl was getting cleaned up. Well, mamaya na lang siguro namin itutuloy yung . . . alam niyo na. Haha.

Napangiti na lang ako nang makalabas na si Aims sa kwarto para asikasuhin yung anak namin. I have to admit, this is life.

Father's DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon