Father's Day 5: Ren

71 1 0
                                    

Siyempre, gaya ng asawa niya, hindi rin pwedeng magpahuli ang pinakasikat na musical daddy ng Double J and the Music Cuties sa pagiging bida sa kanyang espesyal na araw. Enjoy! ^O^

-Ren's POV-

"DADDYYY!"

Sa sandaling yun, biglang kumabog ang dibdib ko sa kaba nang marinig kong sumigaw ang anak ko. I hurriedly rushed to my daughter's room, almost overcome in anger and worry. Oo, magkahalong galit at pag-aalala ang nararamdaman ko ngayon. Galit sa taong maaaring nanakit sa little princess ko, at siyempre nag-aalala ako sa kanya. Baka kung ano ang mangyari sa kanya eh.

Pagbukas ko ng kwarto niya, nadatnan ko si Rei-Rei, my little June Reika, on her bed crying her eyes out. Seeing this, agad akong pumunta sa kama niya at binuhat siya. Ano bang nangyari sa anak ko at umiiyak siya nang ganito?

"Shhhh," pag-aalo ko sa kanya. "Tahan na baby, nandito na si Daddy. What's wrong?"

Bilang sagot, humikbi lang si Rei-Rei at pinunasan niya lang ang mga luha niya. Aww, anong nangyari sa baby ko? I hate seeing my little princess cry like that.

"Tahan na, mahal," sabi ko sa kanya at hinalikan ko ang gilid ulo niya. "Did something happen? Bakit ka umiiyak?"

Umiling si Rei-Rei habang umiiyak pa rin. "N-no Daddy, it's just...i-it's Father's Day and...and...and I have nothing to get you! I'm a bad daughter!"

Agad naman akong narelieve sa sinabi ni Rei-Rei, no one's hurt my little girl. Pero ano daw? Wala siyang regalo sakin ngayong Father's Day kaya siya umiiyak? Okay lang naman sakin yun eh, sapat na para sa akin na si Rei-Rei mismo ang pinakamagandang Father's Day na natanggap ko.

Kumunot ang noo ko. "Rei-Rei, princess, who told you that?" tanong ko sa kanya.

"N-no one, Daddy."

Habang buhat-buhat ko si Rei-Rei, bumaba ako papunta sa kusina at pinaupo ko siya sa counter. Binigyan ko siya ng tissue para punasan ang mga luha niya.

"Rei-Rei anak," sabi ko sa kanya. "Hindi mo na kelangang magbigay ka ng regalo sakin. Okay lang sakin yun."

"Wh-why Daddy?" tanong ni Rei-Rei. "Why not?"

"Because," Hinaplos ko ang pisngi ng bata. "All I want for Father's Day is you, baby. Sapat ka na para sakin." Ngumiti ako sa kanya.

At sa wakas, ngumiti na rin ang anak namin. I have to admit, she really looks cute pag nakangiti siya.

"Really?"

"Really." Kiniss ko ang noo niya. "Sige nga. How much does Daddy love you, princess?"

Ini-stretch ni Rei-Rei yung mga arms niya bilang sagot. "This much!"

"Hindi ah!" sagot ko. "Daddy loves you way more than that!"

"Nuh-uh!" Umiling si Rei-Rei. "I love you more!"

"Rei-Rei, ilang beses na nating pinag-usapan yan?"

"A bunch."

"And how many times you've won?"

Ngumiti ng malapad si Rei-Rei sakin. "Whatever, Daddy. I still love you more!"

Hindi ko mapigilang ngumiti ng wagas sa anak namin. Para talaga siyang si Joy nung bata pa siya, pareho silang malambing at mapagmahal.

"Ang cute talaga ng anak ko, o," sabi ko.

"Siyempre naman!" sabi ni Rei-Rei. "Ako pa!"

Natawa naman ako dun. May nakuha rin pala si Rei-Rei sakin. Hahaha.

"Pero mas cute naman ako sa'yo, Rei-Rei," sabi ko sa kanya at lalong lumapad ang ngiti ko. Gusto ko lang asarin ang anak namin. Haha.

"Hindi ah!" tutol ni Rei-Rei. "Mas cute ako sa'yo, Daddy!"

"Hindi ah!" sabi ko. "Mas cute ako sa'yo, Rei-Rei." Tumawa ako. Haha. Ang kulit lang eh.

"No, I'm the cutest!"

"Hahaha! No, I'm the cutest!"

"I'm the cutest!"

Nag-grin ako sa kanya. "Talaga, Rei-Rei? Halika nga dito."

And with that, agad kong binuhat si Rei-Rei papunta sa sala namin at nbinaba ko siya sa sofa.

"Waaaaaaa! Hahaha! D-Daddy, tama na! Hahahahaha!"

Ang ginawa ko? Kiniliti ko lang naman siya nang binaba ko siya sa sofa namin. Haha. Ang sarap niyang kilitiin eh.

"Hahaha! Sinong mas cute satin, ha? Sinong mas cute satin?" tanong ko habang kinikiliti si Rei-Rei.

"Hahahaha! A-Ako, Daddy! Mas cute ako, Daddy! Ahahahahaha!"

Natawa na rin ako. Ang cute talaga ng anak ko. Aminin ko, mas cute nga tong batang to sakin. Hehe.

"Hahaha. Sino ulit? Sinong mas cute satin?" tanong ko ulit sa kanya. Haha. Ang sarap niya talagang asarin.

"Ahahahahaha! Daddy, ako!" sigaw ni Rei-Rei habang tumatawa.

A little later, tumigil na rin ako sa kakakiliti sa anak ko. Etong si Rei-Rei naman, humihingal. Napagod ko ata. Haha.

"Ikaw naman!" sabi ni Rei-Rei. Tinusok-tusok niya ang tagiliran ko, pero sa kasamaang palad, wala akong kiliti dun. Haha. "Ang daya, Daddy! Wala kang kiliti." Nag-pout siya. Awwww.

"Hahaha. Halika nga dito, princess."

Binuhat ko ulit siya at hinalikan ko ang ulo niya. Tong batang to talaga, mahal na mahal ko to. She's the next girl I love after Joy.

"Happy Father's Day, Daddy." She smiled sweetly.

"Thank you, princess." Ngumiti rin ako sa kanya.

"I love you, Daddy." Tapos niyakap niya ako. Ang sweet talaga ng batang to, anak talaga siya ni Joy.

"Awww. I love you too, baby."

"Hey, can I join? Mukhang ang saya niyong dalawa, ah?"

Napatingin kaming dalawa ni Rei-Rei sa pinanggalingan ng familiar na boses na yun. Yung sweetheart ko lang pala.

"Di pwede, love. Kami lang dapat ni Rei-Rei," biro ko sa kanya. Haha. Sarap niya talagang asarin eh.

"Okay, sige," nakangising sabi ni Joy. "Ikikiss na sana kita eh. Wag na lang then."

"Ay, eto namang sweetheart ko o, di mabiro." I grinned at her. Habang buhat-buhat ko ang anak namin, niyakap ko rin siya. Hindi ko kasi matiis na hindi ko mahalikan ang asawa ko eh. Haha.

"Hindi na, Ren. Wag na."

"But Mommy, I thought you love Daddy's kisses," sabi ni Rei-Rei.

Namula naman si Joy, dahilan para tumawa ako. Totoo naman kasi yun, pakipot pa siya eh gustong-gusto naman niya pag hinahalikan ko siya. Anak na namin mismo ang nagsabi dun, ha? Hahaha!

"Oo nga, Mommy," pang-aasar ko. "I thought you LOVE my kisses." Ngumiti ako nang nakakaloko sa kanya.

Napabuntung-hininga na lang si Joy. "Etong dalawang to talaga, o," sabi niya. Parang kamatis na yung mukha niya sa sobrang pula nito. Hahaha! Ang cute ng sweetheart ko! "Mag-ama talaga kayo. Halika nga dito, kayong dalawa."

She smiled at the two of us before kissing Rei-Rei on the cheek and kissing me on the lips. It was supposed to be a smacker but I pulled her back and kissed her again. Ang sarap talaga sa pakiramdam pag hinahalikan mo ang taong mahal na mahal mo.

"Mommy, Daddy, stop making lambing na. It's gross."

Napatigil kami nang magsalita ang anak namin. Tumingin kami sa isa't-isa at sabay kaming natawa. Tong batang to talaga.

"Happy Father's Day, Ren ko. We love you so much." Ngumiti siya sakin.

"Yeah. Happy Father's Day, Daddy." Ngumiti rin sakin si Rei-Rei.

I just smiled back at my two favorite girls. What more can I ask for?

Father's DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon