Father's Day 4: Hale Shisuka

35 1 0
                                    

Father's Day 4: Hale Shisuka

-3rd Person POV-

"Okay, Randy. Be very quiet ha?" tanong ni Rullanne.

Nakangiting tumango ang anak nilang si Howard Randall bilang sagot. Smiling at him, Rullanne kissed him on the head before grabbing the tray of food off the kitchen counter. Si Randy naman, kinuha niya rin ang isang papel na may drawing sa ibabaw ng mesa.

Ilang sandali pa'y dali-daling tumakbo ang batang lalaki paakyat ng hagdanan papunta sa kwarto ng mga magulang niya. Rullanne followed her little boy upstairs.

Nakatingin lang si Randy sa pintuan ng kwarto. "Can I go in, Mommy?" tanong ng bata kay Rullanne.

Bilang sagot, Rullanne gave Randy an encouraging nod, at dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng kwarto. Tahimik na pumasok ang mag-ina sa loob at agad namang umakyat si Randy sa kama kung saan mahimbing na natutulog ang ama niyang si Hale.

-Hale's POV-

Kumunot ang noo ko nang maramdaman kong parang may tumutusok sa tagiliran ko. Ano yun? Tsk. Storbo. Kita mong natutulog yung tao eh. Ang sarap pa naman ng tulog ko. Tsk.

"Daddy."

I heard a soft voice, pero hindi ko yun pinansin. Maya-maya, naramdaman ko na naman ang pag-poke sa may bandang tagiliran ko. Sa tingin ko ay kilala ko na kung ano, or rather sino, yung gumagawa nun sa akin.

"Daddy?"

At dun ay tuluyan nang nagising yung diwa ko. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko, at agad kong nakita si Randy na nakatayo sa gilid ng kama namin. He was smiling widely while looking at me.

"Randy?" Ngumiti rin ako sa kanya, nakakahawa ang ngiti ng anak ko eh.

"Happy Daddy Day," sabi ni Randy sabay abot sakin ng isang papel. Agad ko namang kinuha yun sa kamay ng bata at umupo mula sa pagkahiga para makita ko siya ng mabuti.

"Is this our family?" nakangiting tanong ko sa kanya. Ang binigay kasi ni Randy sakin ay isang drawing ng pamilya namin.

Nakangiting tumango si Randy. "That's you, and thas me," sabi niya habang tinuturo ang mga nasa drawing niya.

"Eh ito?" Tinuro ko yung babaeng dinrawing niya. "Is this Mommy?"

Father's DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon