Jansen's P.O.V
Naaawa ako kay Mich. Hindi kasi niya deserve 'yong lalaking kaniyang minamahal na iniwan siya.
Oy! Baka kung anu-ano na ang pinagiiisip niyo ha!.
Wala po akong gusto kay Mich. Ganito lang talaga ako. Well masanay na kayo sa'kin. Ayoko talaga kasing nakikita na umiiyak ang mga babae, lalo na kung dahil sa lalaki. Gano'n kasi ako sa mommy ko. Sa sobrang pagmamahal ko sa mommy ko, kaya kong saktan lahat ng lalaking mananakit sa kanya. Gano'n na rin ako sa iba pang babae dahil na rin siguro sa nasanay ako sa ganitong gawain.
Teka pakilala muna ako.
Ako nga pala si Jansen Adrian Clemente. One and only child ng mommy kong si Regine Clemente. Ganda ng name ng mommy ko no?. Syempre maganda--este! gwapo pala ako. HAHAHA. Oy! Hindi ako bakla no!.
Isa akong sweet na tao, caring, lovable, kind, understanding, and hindi ko na kayang sabihin pa lahat -_-. Hindi naman kasi ako madaldal. Baka kasi mabatukan ako ng madaldal niyong author pag hindi ako nagsalita.
[A/N: Oy! inaano kita? gusto mong matanggal sa story?!]
Okay lang. Ikaw din, sayang naman 'yong kagwapuhan ko. Kapag nawala ako sa istoryang ito, mababawasan readers mo, at commenters mo, at voters mo, pwede na ring supporters mo, HAHAHA.
[A/N: walang may pake!]
Okay masyado ka ng epal, author. HAHAHA. Kainis kasi ang layo pa ng binilhan ko ng chocolates. Natripan ko kasing kumain ng chocolate ngayon. Wala lang, hahaha.
Naglalakad ako pabalik sa kotse ko nang makarinig ako ng boses ng babae na dahilan ng pagtigil ko sa paglalakad. That voice--it's a beautiful voice.
~~~Tulala lang sa 'king kuwarto
At nagmumuni-muni
Ang tanong sa 'king sarili
Sa'n ako ? nagkamali~~~
Napaka-sweet ng boses na hindi mo maiiwasang hindi makinig sa kaniya. I want to listen to it all over again. Parang bang may something sa boses niya na mapapatigil ka sa kahit ano pang ginagawa mo't ang magagawa mo nalang ay ang makinig sa boses niya. At nang maisip ko 'yon ay may naalala akong isang tao, ang nag-iisang tao na nakakagawa nito sa'kin palagi.
Naalala ko na naman siya, kailan ba ako makaka-move on sa kaniya?. Ilang years na rin ang lumipas simula no'ng iwan niya ako.
HAHAHA, nakakatawa no?. Ako itong ayaw nakakakita ng babaeng umiiyak pero ako din itong napaiyak ng isang babae, pero hindi lang siya basta babae. Mahal ko siya e.
~~~Bakit saiyo pa nagkagusto?
parang bula ikay naglaho~~~
Pinapakinggan ko kung saan ang pinanggagalingan noong kanta. Napapapikit ako sa tuwing nararadaman ko 'yong mahina ngunit punung-puno ng emosyon niyang boses.
Sobrang dilim na ng napupuntahan ko ngunit ayaw magpaawat ng mga paa ko sa kakalakad. Parang bang, parang bang may part sa'kin na nagsasabing gusto ko siyang makita. Na KAILANGAN ko siyang makita.
~~~Ang lahat ay binigay ko
ngayon ay sising-sisi
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend kong Sikat
Teen FictionIniwan mo ako! Nandiyan siya sa mga oras na mag-isa ako! Tapos ngayon babalik ka at basta na lang akong kukunin? E, paano kung may mahal na akong iba? E, paano kung mahal pa rin pala kita? Paano kung hindi ako makapili? Pero kailangan kong pum...