I DEDICATED THIS CHAPTER SA LAHAT NG READERS, FOLLOWERS ,VOTERS AND SYEMPRE ANG MGA COMMENTERS! XD Sana po ay mag-enjoy kayo sa pagbabasa u-u
Epilogue
Nakakakaba
Nakatayo lamang ako dito habang nakatanaw sakanya sa malayo, nakaupo siya sa swing habang nakatulala sa kawalan. Halong sakit,saya, lungkot at kaba ang nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan. Nasasaktan ako dahil nakikita ko siyang ganito.Masaya dahil nakita ko ulit siya, dahil alam kong may pag-asa pa akong maibalik siya sa akin, dahil naabutan ko pa siya. Lungkot dahil alam ko sa sarili ko, ang tagal kong walang ginawa para makausap siya. Kaba dahil sa inuulit-ulit na sinasabi ng isip ko
Baka hindi na niya ako balikan.
Biglang isa-isang nagfa-flashback sa isip ko ang mga araw na magkasama pa kami, kung hindi sana nangyari iyon ay baka hindi ganito ang nararamdaman ko ngayon.
Nagsimulang humakbang ng isang hakbang ang paa ko. Itutuloy ko na ba ang paghakbang? Paano kung hindi na niya ako tanggapin? Matatanggap ba niya ang explanation ko kahit na ang tagal ng panahon ang lumipas?
Pero kailangan ko pa ba talagang sabihin sakanya ang totoo?
"I-Ian"
JANSEN ADRIAN CLEMENTE'S P.O.V
gulat, kaba at saya ang naramdaman ko ng marinig ko ang boses na iyon. Nilingon ko siya na nakatayo sa likuan ko di malayo sa akin. Nanatiling ganon ang itsura namin, ako nawala sa sarili,siya nakatingin lamang sa akin.
Anong sasabihin ko?
Magsasalita na sana ako ng magsimula siyang kumilos at umupo sa katabi kong swing. Awkwardness, ni hindi ko man lang mabasa kung anong iniisip niya.
Mahabang katahimikan ang bumalot sa paligid ng park. Anong gagawin ko ngayong nandito na siya sa harapan ko? Siya na itong lumapit, pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit walang lumalabas na salita sa bibig ko?
"P-Patawad"
napalingon ako sa pagsalita niya. Eto na ba yon? sasabihin na ba niya ang totoo? Kailangan ko na bang i-ready ang sarili ko para sa sasabihin niyang--?
Yumuko nalamang ako at nanahimik, ayokong magsalita, ayokong tignan siya.
"I'm sorry, sorry dahil hindi ko tinupad ang pangako ko, sorry dahil ngayon lang ako humihingi ng tawad"
Nanatli akong tahimik at nakikinig, eto na ba yon? tatanggapin ko ba lahat ng sasabihin niya?
---------------
SOMEONE'S P.O.V
Maayos na ang lahat ng nasa paligid ko. Maaari ko ng pagbigyan ang sarili kong kaligayahan. Hindi ko na kailangang magsinungaling pa sa ibang tao, hindi na ako makakasakit ng damdamin ng ibang tao. Eto na ang tamang oras at panahon para sa sarili ko at hindi para sa iba.
Pinalaya na ako niya ako, sinabi niyang find my true happiness. sa huling sandali naming magkasama non hindi ko nakalimutan ang mga sandaling pinaramdam niya sa akin na dapat akong huwag sumuko sa isang bagay na napakahalaga sa buhay ko.
He helped me kung paano ko siya makakausap at makikita, sa loob ng maraming buwan na hindi ko mabilang. Ngayon nalang ulit ako nakaramdam ng sobrang kasiyahan.
Tinulungan din ako ng bandang syntax error na dati ko na palang mga naging kabanda pero iniwan ko dahil magiging kalaban ko siya. Pero dahil sa gusto ko ng maayos ang lahat ng sa pagitan namin ay ginawa ko ang nasa nakaraan ko na dapat ay mangyayari, nakalaban ko siya. pero ni hindi siya ang kumanta ni miski tumugtog. Nasira ko pa ang pagkakaibigan nilang magbanda. Kasalanan ko lahat, mali ang plinano ko. Napakatanga kong tao para isipin ang ganong klaseng plano, pero its already done.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend kong Sikat
Teen FictionIniwan mo ako! Nandiyan siya sa mga oras na mag-isa ako! Tapos ngayon babalik ka at basta na lang akong kukunin? E, paano kung may mahal na akong iba? E, paano kung mahal pa rin pala kita? Paano kung hindi ako makapili? Pero kailangan kong pum...