Paolline's P.O.V
Nagpa-order na ng jollibee si Ian. Syempre ako ang pumili ng pagkain na o-orderin niya, syempre ako ang kakain hindi siya. Nang matapos akong kumain naisip kong maglakad-lakad tutal umalis naman si Ian. Oo, sabi niya kasi may pupuntahan lang daw siya . Kaya eto ako ngayon naglalakad kung saan-saan. Gusto niyo bang i-desribe ko ang bawat sulok ng bahay niya? Sige-sige, game ako diyan ^_^.
Alam niyo ba ang kitchen niya suuuuuuuuuuuper laki! 'Yong tipong pang-bedroom size ang dating? E kasi sa sobrang laki niya kasya na ata ang 20+ na katao sa loob. Kumpleto pa ang mga gamit. Mayroong lababo (Alangan, syempre. Mawawala ba 'yan? hahaha) and three refs. Alam niyo ba 'yong tatlong ref na 'yon hiwa-hiwalay 'yong mga pagkain. Kung sa isang ref puro drinks lang, 'yong isa puro desserts at 'yong isa naman pang mga foods talaga na pang-stock. Syempre mayroon ring cabinet sa itaas na lalagyanan ng mga delatang pagkain. Tapos kumpleto 'yong mga kawali. Mayroong lalagyanan ng mga knife. Tapos mayroon pang isang mahabang parang lamesa sa gitna tapos mayroong swivel chairs na nakapalibot dito na mauupuan mo, 'yong parang kang nasa bar? Ganon ang itsura niya.
Naglakad-lakad ulit ako. So nakarating naman ako sa salas nila. Mayroong isang mahabang lounge tapos mayroon ding tig-isang single lounge sa magkabilang gilid nito. Tapos mayroong flat screen sa gitna. Tapos sa tabi no'n sa right side ang napakalaking pintuan papasok ng bahay na ito. Mala-cinderella ang bahay diba?. Tapos mayroong isang mahabang hagdan sa gitna nito. 'Yong itsura niya ay pagtingin mo sa second floor niya ay makikita mo sa gitna ang malaking pintuan na sabihin na nating 'yon 'yong kwartong pinanggalingan ko kanina.
Siguro' yon 'yong kwarto ni Ian?. Tapos sa mga gilid nito marami pang pintuan pero mga normal doors na sila. Tapos may nakalagay na 'Guest room' sa bawat itaas ng pintuan nito. Bakit kaya hindi niya na lang ako do'n pinahiga?.
Tapos makikita mo sa parehong dulo no'n ay parehong malaking pintuan din katulad ng pintuan ng kwarto ni Ian. Siguro 'yon naman 'yong room ng parents niya?. Pero bakit hiwalay ng kwarto parents niya?. O kaya 'yong isa sa kapatid niya?. I wonder kung only child lang si Ian. Hmmm. Oh, I almost forgot. Alam niyo bang may red carpet pa sa hagdan na aapakan mo?. Mala-cinderella talaga.
Ang kitchen niya ay sa left side ng Front door nila, so 'yong salas naman nila ay nasa right side nito. Tapos katapat pa ng front door 'yong mahabang hagdan. Syempre mayroon ding mga doors sa first floor. Mayroon itong five doors. 'Yong gitna niya nababasa ko pa mula dito sa salas na ang nakasulat ay 'background'. Tapos 'yong iba na don ay puro room na ng mga maids.
Naglakad-lakad pa ako. Nakarating ako sa labas ng bahay nila. Kita ko mula sa kinatatayuan ko ang malawak na parking lot nila. Sa right side ang parking lot. Sa left side naman ang garden nila. Tapos gitna nito ay main gate nila. Sobrang laki ng gate nila. Sa tingin ko mga tatlong palapag ang taas nito.
Pumasok ulit ako sa loob ng bahay--este, mansion na pala 'to. Tumingin-tingin ako sa paligid.
Teka nasabi ko na bang may stairs pa pala na paikot pataas sa may tabi ng guest room door sa right side?.
Biglang may nagu-urge sa'kin para puntahan ang hagdan na 'yon at alamin kung saan patungo 'yon. Nakaka-curious naman talaga, hindi ko naman akalain na may third floor pa pala 'tong mansion ni Ian. Kung titigan mo kasi, hindi masyadong pansinin 'yong hagdan. Bukod sa medyo maliit lang ito, ay nasa dulo pa ito.
Umakyat ako ng hagdan. Grabe bago pa ako makarating nito sa second floor hingal na ako -_-. So syempre inakyat ko pa rin. Nang makarating ako sa second floor nagpahinga muna ako saglit tapos tumayo na ulit. Humawak ako sa hawakan nito na nakakurba rin paikot. Tinignan ko 'yong pataas na hagdan. Hindi naman siya masyadong mataas.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend kong Sikat
TeenfikceIniwan mo ako! Nandiyan siya sa mga oras na mag-isa ako! Tapos ngayon babalik ka at basta na lang akong kukunin? E, paano kung may mahal na akong iba? E, paano kung mahal pa rin pala kita? Paano kung hindi ako makapili? Pero kailangan kong pum...