Erza's POV
Natigilan ako sa nakita ko..
Nakita ko si pogi na pasakay ng jeep kaya binilisan ko ang paglakad ko (actually parang takbo nato. Lol) para dun na din ako sumakay para pag nagkataon malaman ko kung tagasaan sya. Medyo weird ba? Hahahaha
At buti naabutan ko. Nakapwesto ako sa dulo, sa likod ng driver ayaw kase umusog ng mga pasaherong to kaya napunta tuloy ako dito sa dulo. Tagaabot tuloy ako ng bayad, para akong may part-time job dito oh.-_-
Si pogi naman nakapwesto sya sa bandang gitna sa bandang harap ko kaya kitang kita ko sya dito oh. Pero syempre di ako nagpapahalata nung biglang..
Miss paabot ng bayad. Sabi ni pogi saken kaya inistretch ko ang kamay ko tapos binigay nya yung bayad kaya medyo dumampi yung mga daliri nya sa palad ko. Omg! Ay teka ang arte ko na. Haha.
Tapos inabot kuna sa driver tapos nanahimik nako. Inaabangan kong bumaba si pogi e. Hahaha. Pero medyo malapit nako sa bababaan ko kaya naisip ko na baka di ko na makikita kung saan sya bababa. Hay.
Ayan na malapit nako sa kanto namen. Magpapara na sana ko kasooo..
Para po. --Si pogi
Huminto yung jeep sa kanto namen ng bumaba si pogi. Nafocus yung atensyon ko kay pogi kaya nakaupo parin ako tapos nung pinaandar ng driver ulit yung jeep..
Ay teka lang po manong para po! Sabi ko saka nako bumaba.
Medyo binabagalan ko yung lakad ko para di nya ako mapansin. Nakatitig parin kase ako sakanya, tinitignan ko kung saan bahay sya papasok. Nagtataka naman ako kase sa tagal na namin nakatira dito, parang di ko pa sya nakita ever since.
Ng bigla s'yang huminto sa tapat ng green na gate. Teka sila ba yung bagong lipat? Sila nga ata. Kasi pumasok sya dun e. Nako swerte naman! Lagi kuna pala siyang makikita neto. Tapos may tindahan pa sila kaya makaka-the-moves ako neto. Hahaha. Charot.
Nagpatuloy nako sa paglalakad ko. Dalawang bahay lang naman pala pagitan ng mga bahay namin e.
Pagpasok ko ng gate sinalubong ako agad ni Blacky, siya yung aso ko, aspin sya, nakita ko lang sya sa tapat ng bahay namin tapos mukhang wala namang may ari kaya kinupkop kuna. 5months palang sya saken. Color black sya kaya tinawag ko syang Blacky. Galing ko no? Hahahaha
Iniwan ko na sya at pumasok na ko sa bahay, nakita ko agad si kuya sa sala habang nanunood sya ng tv. Paakyat na sana ako ng bigla syang nagsalita.
Oy teka. Nalate ka kanina no? Wag ka ng magsinungaling, nakita kita earlier around 6:50am nagmamadali kang umalis. Tuloy-tuloy na sabi ni kuya kaya tumigil ako sa pagakyat ko papuntang kwarto at hinarap ko sya.
Uhmmm ahhh di naman.. Uhm slight lang. Mabait naman yung teacher kaya okay lang. Hehe. Sabi ko.
Nakakatakot kase 'tong kuya ko nato e. Siya pala si Kenneth Garcia. He is 2years older than me. Mabait naman sya tsaka kalog pag minsan pero pag minsan parang may period, grabe sa kasungitan. Pero kahit ganun sya sweet naman sya minsan saken at over protective din sya pagdating saken, dalawa lang kase kaming magkapatid. Yung parents namin? Si mama wala na sya, she passed away when I was in grade 6 tapos si papa naman ewan ko dun iniwan nya kame nung pinagbubuntis palang ako ni mama kaya natuto talaga kaming maging independent ni kuya at mabuhay ng kami lang dalawa. Napilitan siyang magtrabaho at his very young age para makapagaral at mabuhay kaming dalawa. Di kasi namin alam kung may ibang kamag-anak pa kami e. Buti ngayon may maayos na siyang trabaho kaya okay na ang buhay namin at nakakapagaral nako sa pinaka malapit na public school samen. Di naman kase kami ganun kayaman e, average lang.
Ts. Yan lang sabi nya habang umiiling at humarap na ulit sa tv. Tapos ako umakyat na ng kwarto.
Nagbihis lang ako at humiga na, nagpapahinga lang, nagmumuni-muni lang ng kumatok si kuya si kwarto ko. Kakain na yata kami.
Oooy kakain na dali.-Kuya
Oo susunod ako.- Ako
Bumaba na sya at dumaretso sa kusina. Tumayo na din ako at sumunod na.
Habang kumakain kami iniisip kong itanong sakanya yung tungkol sa paglipat nila pogi malapit sa bahay namin.
Oy ba't nakatitig ka? May gusto kabang sabihin? Tanong ni kuya sakin. Napansin pala nya na kanina pako tuma-timing para magtanong.
Ah uhm wala.. wala naman. Sabi ko saka ako ngumiti, ngiting alanganin. Haha
Tapos bumalik na sya sa pagkain. Gusto ko na talagang magtanong kaya..
Kuya.-Tawag ko sakanya. Tinignan nya lang ako, yung tingin na nagsasabing 'ano?' Kaya nagsalita na ulit ako.
May bagong lipat pala dyan sa may green na gate kung saan nakatira sila aling bebeng noon no?-Ako
Ah oo last month pa ata. Di mo lang napapansin kase di ka lumalabas e. Ba't mo pala natanong? Sabi ni kuya
Wala naman napansin ko lang. Nakangiting sabi ko at bumalik na kami sa pagkain. Nagkwentuhan lang kami habang kumakain.
Pagkatapos naming kumain, hinugasan kuna ang mga pinagkainan namin at pumasok na ng kwarto. Naggames lang ako sa phone habang nakaearphone tapos natulog na. Maaga pa kasi klase namin bukas e.
----------------
Author's note:
Hi! Salamat sa pagbasa mo ng story ko. Abangan mo sana yung susunod na Chapter ah. Susubukan kong magupdate agad. Salamat ulit. Godbless :)
BINABASA MO ANG
Heart or Mind?
RomanceHaaaay ang hirap pala ng ganito. Ikaw, anong gagawin mo kung ikaw ang nasa sitwasyon ko ngayon? Gusto mong malaman kung ano yung sinasabi ko? Oh magbasa ka. Hahaha. Charing! Eto yung magulong life story ni Erza Maine Garcia ng makilala nya si Alden...