Erza's POV
*cring* *cring* *cring*
Dinilat ko yung kaliwang mata ko (kaliwa palang yung dilat kase antok pako talaga. Hahaha) at kinapa-kapa ko agad yung table na maliit sa tabi ko para hanapin ang phone ko para tumigil na 'tong buset na alarm na 'to.At ayun napatigil ko na din at pagtingin ko sa oras nakita kong 5am palang. Masyado pang maaga kaya humiga muna akong mga 5minutes at tumayo na tsaka na naligo.
Pagbaba ko ng stairs, nakita ko agad si kuya sa kusina na naghahanda na ng pagkain.
Goodmorning kuya. Bati ko sakanya.
Morning. Upo na dito. Kain na tayo. Sabi nya. At yun nga ang ginawa namin, kumain na ng mabilis baka malate nanaman e. Hehe
Pagkatapos kong magtoothbrush at medyo inayos ang sarili ko nagpaalam nako sakanya.
Una nako kuya. Paalam ko sakanya.
Teka hatid na kita tapos daretso nako sa trabaho. -Kuya
Pero diba di naman dun yung papuntang work mo? Edi mapapalayo kapa? Tanong ko sakanya
Hindi, ayos lang yun maaga pa naman. Basta teka lang ihahatid na kita. Sabi nya kaya lumabas nako at hinintay ko nalang sya sa harap ng gate.
Habang hinihintay ko si kuya, may nakita akong lalaking lumabas sa may green na gate malapit samen. Kahit nakatalikod sya alam kong sya yun, si pogi yun. Tinignan ko lang sya hanggang makasakay na sya ng jeep. Lumabas na din si kuya at pinaandar na yung motor nya. Sumakay nako at umalis nakami.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa school at bumaba nako. Binigyan nya muna ako ng baon at saka na sya umalis.
Habang papunta akong room nakita ko nanaman si pogi na paakyat ng stairs. Binilisan ko na ang lakad ko para magstalker mode nanaman. Nacucurious kase ako sakanya e. Eh kase sa lahat ng transferees dito sya lang yung napansin ko. Di naman sa maharot, uhm nagagwapuhan lang. Hahaha. Tsaka uhm ewan ko basta parang may iba sakanya e. Hay basta!
At ng makarating nako sa 4th floor nakita ko s'yang pumasok sa room katabi ng room namin ng first subject. Teka lang. Yun ata yung room na pinasukan ko kahapon ah? Hala yun nga! Edi ibig sabihin nandun din sya kahapon at nakita nya yung kapalpakan ko? Haaaay sana di nya ko nakilala at napansin nun. =^=
Papasok na sana ako ng room ko ng biglang may tumawag saken.
Ooooy Meng! Lumingon ako agad at nakita kong si Alexa ang tumawag saken. Pagtawag palang nya ng Meng saken eh alam ko ng sya yun, sya lang naman tumatawag saken ng ganun e.
Teka sya pala si Alexa Canlas, bestfriend ko na sya nung 1styear palang kami. Medyo kaugali ko lang sya. Maganda din sya tulad ko. Hahaha. Kapal ko. Pero siryoso maganda sya.
Uy Lex! Nakangiting sabi ko at pinuntahan ko agad sya.
Sayang di tayo nagkita kahapon. Sorry di kita natext ah. Di tuloy tayo sabay naglunch at umuwi. Sabi nya.
Ayos lang. Teka pasok nako ah. Punta tayo mamaya sa bahay namin after class ah. Marami akong ikikwento sayo. Haha. Oh basta hinatayin kita sa gate mamaya ha. Bye. Sabi ko at tumango lang sya ng nakangiti.
Pumasok nako sa room and as usual lumipas nanaman ang ilang oras ng palipat lipat ng room at gumagawa ng kung ano anong pinapagawa ng mga teachers.
Sa ilang oras na yun di ko na nakita yung gwapong nilalang, kahit nung lunch di ko sya nakita.
Nandito pala ako ngayon sa harap ng gate at hinihintay ko si Alexa.
Oy meng! Kinalabit nya ko.
BINABASA MO ANG
Heart or Mind?
RomanceHaaaay ang hirap pala ng ganito. Ikaw, anong gagawin mo kung ikaw ang nasa sitwasyon ko ngayon? Gusto mong malaman kung ano yung sinasabi ko? Oh magbasa ka. Hahaha. Charing! Eto yung magulong life story ni Erza Maine Garcia ng makilala nya si Alden...