Erza's POV
*Flashback*
Haaaay kakagutom! Uhm ano kayang masarap kainin neto? Nakangiting sabi ko at humarap ako kay Josh, habang nagdadrive sya.
Si Eric Josh Natividad, ang first boyfriend ko. Kaage ko lang sya, at kung nagtataka ka kung bakit nakakapagdrive na sya, tinatakas nya lang yung sasakyan ng tatay niya. Hahaha. Di pala kami pumapasok sa iisang school, sa private school kase sya pumapasok at ako sa public school lang. Sweet sya, mabait, maeffort at syempre gwapo. Hahaha. Nagkakilala kami nung birthday party ng common friend namin. Naging friends kami tapos nanligaw sya tapos after 2months sinagot ko na. 8 months palang kami, 9th monthsary na namin next week. Hay grabe! Sobrang mahal ko'to. Baduy man pakinggan pero I guess s'ya na yun e. Siya na yung makakasama ko forever. Nagpromise sya saken nung sagutin ko siya na di nya daw ako iiwan at may tiwala ako sakanya. Mahal ko talaga siya.
Uy! Tawag ko ulit sakanya saka na sya humarap. Parang may kakaiba sakanya ngayon araw na to ah. Ang weird nya.
Ihahatid na kita sainyo. Sabi nya at nagfocus na ulit sa dinadaanan namin.
Oh akala ko ba? Nawala yung ngiti sa mukha ko. Uhm sige. Sabi ko nalang saka ko binaling ang atensyon ko sa dinadaanan namin. Pero di ko parin talaga maiwasan na di magisip ng masama sa kinikilos ni Josh. Parang ang cold nya kase ngayon e. Di naman sya ganito talaga e.
Hininto nya ang sasakyan sa harap ng bahay namin. Bumaba kaming pareho at pumwesto sa harap ng gate ng bahay namin.
Ayaw mo munang pumasok sa bahay? Dito kana magdinner. Sabi ko saka sya humarap sakin. Ang siryoso ng mukha nya. Anong problema neto?
Uhm Erza I need to tell you something. Sabi nya at hinawakan nya ang kamay ko. Tinititigan ko lang sya. Parang kinakabahan ako sa ginagawa nya.
Uhm kase. Huminga sya ng malalim. I'm sorry. Let's end this. Ayoko na. Ang gulo ng nararamdaman ko ngayon e. Gulong gulo ako. Basta I'm sorry pero tapos na tayo. Tuloy tuloy na sabi nya saka nya binitawan ang kamay ko.
What? Tanong ko. Ang hirap magpigil ng luha. Ang sakit sobra.
Sorry talaga. I need space. Sabi nya at tumitig sakin. Pero promise babalikan kita. Kailangan ko lang talaga to. Mahal naman kita e pero-Pagpatuloy nya pero naputol nanaman.
Bullshit! Ano to?! Joke ba to? Sigaw ko. Hinawakan ko ang kamay niya. Sabihin mong nagbibiro kalang please. Ano bang nagawa ko? Tell me. Ayusin naten to please. Pakiusap ko habang umaagos ang mga luha sa mga mata ko.
Sorry talaga. Sabi niya lang saka na sya tumalikod at naglakad palayo pero hinabol ko parin siya hanggang sa makapasok na sya ng sasakyan niya.
Uuuy magusap tayo. Magexplain ka naman ng maayos please. Sabihin mong nagbibiro kalang please. Pakiusap ko habang kinakatok ko ang bintana ng sasakyan niya. Kaso di nya man lang ako pinansin at nagdrive na palayo.
Grabe ang sakit! Sobrang sakit pala. Noon pag nanunood ako ng mga drama at nakakakita ako ng mga umiiyak dahil iniwan ng mahal nila at bumibitaw ng mga lines na "di ko kaya pag wala ka" nababaduyan ako at parang OA ng dating saken pero totoo pala. Ganito pala kasakit. Ang sakit pala talaga sobra.
BINABASA MO ANG
Heart or Mind?
RomanceHaaaay ang hirap pala ng ganito. Ikaw, anong gagawin mo kung ikaw ang nasa sitwasyon ko ngayon? Gusto mong malaman kung ano yung sinasabi ko? Oh magbasa ka. Hahaha. Charing! Eto yung magulong life story ni Erza Maine Garcia ng makilala nya si Alden...