T.BREAKEVEN

1.1K 31 3
                                    

T. BREAKEVEN

Vice's POV

Buhay pa naman ako, sadyang miserable lang. Kailangan ko ng oras, kailangan nyang maging malaya. Edi binigay ko, pero bakit parang mali parin? Bakit parang masakit? It's been 6 years? seven? Ewan, di ko na maalala ayoko ng matandaan pa. Sabihin na natin, na saming dalawa sya lang ang sumaya.

Alam ko, alam kong nakahanap na sya ng babae para sa kanya. At heto ako mahal at minamahal parin sya, tanga lang eh no.

"Kadramahan mo na naman girl."

Lumingon ako at nakita si Anne, ang bestfriend ko. May dala dala syang isang basong juice na may straw, inabot nya ito saakin at naupo sa harap ko.

"Ano na naman ba girl? Nakakaloka ka kana ha. Seven years na nakalipas di ka parin fully moved on?"

" Ewan ko ba sayo kung bakit ka nagkakaganyan, Ikaw din naman ang nakipagbreak in the first place." dagdag pa nitong maingay na bruhang to.

Oo, Alam ko. Ako rin naman ang nakipagbreak, ako rin lang ang nagbigay ng kalayaan nya. Kahit hindi man nya sabihin na gusto nya ng freedom, ramdam ko. At dahil nga naguluhan ako, I decided na makipagbreak. Well, good result naman ang paghihiwalay namin sa kanya. Masaya na ko doon. Masaya sya eh.

"Leave me alone, Anne." I replied and just drinked sa juice.

" What? Nandito nga ako to cheer you up. Hmm, shopping tayo?"

"I'm not in the mood Anne. Iba nalang kulitin mo." iritado kong sagot.

"You know what girl, ang KJ mo. Libre ko naman eh! Saka minsan ka na nga lang lumabas ng bahay nyo ganyan ka pa."

"Okay fine, I'll go. Basta siguradong libre mo ha?"

"Syempre naman girl! Asus, sumama kasi libre!" pang-aasar pa nya.

Nginisian ko lang sya, at pinababa na ng kwarto ko.

Terrence's POV

"We're going back to the Philippines"

Nagulat ako sa sinabi ni Mama, namiss ko rin naman ang Pilipinas. Pero may isang parte kong ayaw bumalik dahil makikita ko sya, oo si Vice.

"Yes babe! Diba isn't it exciting! Miss na miss ko na ang Pilipinas" sabi ni Dianara, ang girlfriend ko.

Don't get me wrong, oo ayoko makita si Vice. Pero mahal ko talaga si Dianara, Ayoko makita si Vice kasi natatakot akong bumalik lahat ng sakit. Lahat ng ginawa nya sakin-- Okay enough of her.

"Yes anak, kaya mag-impake ka na. Bukas na alis natin."

"What? Bukas agad? Ba't di nyo man lang pinasabi?" gulat kong tanong.

"It was a surprise! Alam namin kung gaano mo namiss ang Pilipinas at ang mga kaibigan mo." Mama told me. I smiled at them at sinabing

"Thank you." bago sila niyakap pareho.

Kinabukasan 8:00 A.M New York Time.

"Babe, I'm so excited na talaga. I'll get to see my friends na! " Dianara said while smiling at nakaangkla sa braso ko.

Naglalakad na kami ngayon, magboboard na kami. Somehow, naeexcite na kinakabahan. I don't know kung ano ang gagawin kapag nakita ko si Vice.

Tuluyan na kaming pumasok sa eroplano at umupo.

" Babe, what if makita mo si Vice? A-Ayokong iwanan mo ko." malungkot na sabi ni Dianara pagkaupong pagkaupo palang namin.

"Shhh, hindi mangyayari yon" I told. to cheer her up.

TRACKS • ViRence One- ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon