Terrence's POV
"Mike pakihanda naman yung sasakyan." sabi ko kay Mike habang inaayos ang bulaklak na dadalhin ko.
"Yes boss!" sabi nya at sumaludo pa, napangiti nalang ako.
Sana tanggapin nya na ang sorry ko, sana hindi nya ako ipagtabuyan kagaya ng lagi nyang ginagawa kapag pinupuntahan ko sya. Alam nyo na kung sino ang tinutukoy ko, si Vice...
Mag-iisang buwan narin ng magkahiwalay kami, alam kong masakit ang nangyari kaya naiintindihan kong ayaw nya pa ako patawarin. Kaya nga hindi ako tumitigil sa panunuyo, kasi mahal ko sya.
Tandang tanda ko pa kung gaano siya umiyak para saakin. Iyak na hindi ko deserve, mga luha na dapat hindi para sa akin.
Flashback
Narinig ko ang pagbukas ng pinto, sya namang gulat ko ng makita kong si Vice ang dumating. Agad kong tinulak ang babaeng nakapatong sa akin at tumayo.
"Vice, it's not what you think."tumayo ako at nilapitan sya.
(P.S nakashorts si bebebuy wag kayong ano.)
"It's not? Sana nga." tumakbo sya bigla palabas ng kwarto, narinig kong tinatawag ako ng babae na yun pero sinundan ko lang si Vice.
"Vice, Vice I'm sorry. N-nagising akong katabi sya, h-hindi ko alam ang nangyari." paliwanag ko at hinarap sya.
"Oh Come on Terrence?! Try to lie harder." sabi nya at tumalikod muli.
Hinabol ko sya at humarang sa harap nya.
"Alam mong hindi kita lolokohin Vice! Mahal kita."
"Mahal? Alam mo Terrence, okay lang naman sakin kung ayaw mo na eh kung gusto mo nang mag-jowa nalang ng babae. Pero yung ipamukha mo sakin na ganon? Yun ang h-hindi ko kaya." and then she breaked down.
"I didn't w-want that, hindi ko ginusto yun." tanging nasabi ko nalang.
"Huli na, masakit na eh." sabi nya at tumakbo na palayo.
Napasapo nalang ako sa ulo at iniyak lahat. Wala na, wala na sya.
-
Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mata ko, at bumaba na dahil tinawag na ako ni Mike.
"Bro, hindi ka pa ba napapagod?" tanong sakin ni Mike ng makasakay kami sa sasakyan.
"Hindi, mahal ko e." sagot ko.
"Ibang klase ka talaga magmahal tol."
I just smiled at hinarurot ang sasakyan papuntang bahay ni Vice.
Halos araw araw ko narin tong ginagawa, araw araw ko syang sinusuyo. Syempre kasama si Mike, ang sidekick ko. At araw araw narin nasasayang ang bulaklak na binibigay ko. Okay lang naman yun, hindi parin nun mapapantayan ang ginawa ko sa kanya.
Ng dumating ako sa condo nya, ay agad akong dumiretso sa unit nya. Inayos ko ang suot kong polo at ang buhok ko. Maingat akong nagdoorbell ng dalawang beses.
Bumungad sakin ang magulong buhok at nanliliit na mata ni Vice. Ang Ganda Nya. Ngumiti ako ng pagkalaki laki at iniabot sakanya ang bulaklak.
"Good Morning, Vice. Para sayo to."
"Kung mambubulabog ka lang pwede umalis ka na? Sinisira mo umaga ko." binalibag nya ang pinto at ako naman, naiwan ulit na nakatayo.
Sobra akong nasasaktan pero para sa kanya, hindi ako titigil.