Sa nakikita nyo, dalawang songs sa ni Karylle ang nasa book na ito. Madalas kasi kanta nya naiisipan ko ng story, kasi yung playlist ko madami dami ring Karylle songs.
Vice's POV
"KYAAAH VICE! ANG POGI POGI NYA!"
tinakpan ko ang tenga ko para makaiwas sa matinis na boses ng bestfriend kong si Anne.
"NAG-HI SYA SAKIN! OMG!" sigaw pa nya.
"Shhh! Ang ingay ingay mo eh. Nagrereview ako!" iritado kong sabi. Nakita kong umirap sya.
"Puro ka nalang review, ang taas taas na ng grade mo. Yung lovelife mo te! Blanko! Yun pataasin mo." sagot pa nito. Ayan na naman sya, isusumbat na naman sakin na wala akong lovelife.
"Hindi naman kasi ako katulad ng ibang babae dyan na mas priority pa ang lovelife kesa pag-aaral."
"Girl, hindi ka babae."
"Sabi ko nga."
Sinara ko ang libro at binitbit ang juice ko, umangkla naman sakin si Anne at pakembot kembot pang naglakad. Mas bakla pa sakin to eh, sa isip isip ko. Hinatid ko na sya sa harap ng gate kagaya ng dati. Nauuna sya umuwi.
"Sige na, Vicey. Uwi na ko? Stalk ko pa si Vhongskie eh!"
"Bye." paalam ko.
Niyakap ko ang libro ko at nagpunta sa Gym. Yes! Wala na si Anne. I'm free!!
Agad akong sumilip sa Gym upang makita ang one and only my loves and insipiration ko. Si Terrence Romeo.
Matagal kong pinanuod kung paano sya magpractice, ang gwapo gwapo nya talaga. Nakita kong tumigil na sila magpractice, pinanuod ko lang syang uminom ng tubig ng makita kong napalingon sya saakin. Agad akong tumalikod at sumandal sa pader, nagpalipas ako ng ilang segundo bago humarap. Pero pagharap ko
'Boogsh!'
Tumama ako sa gwapong poste. OMG SI TERRENCE ROMEO.
"A-ah Sorry, i-ikaw kasi bigla kang sumu- sumulpot Ah I mean k-kasalanan ko pa-pala."
"Hey, Relax." nakatingin sya sa mata ko, nakita kong pinulot nya ang librong ko at iniabot saakin.
Natuod ako sa kinatatayuan ko, i don't know what to say. Yung crush ko, tiningnan ako. Ngumiti sya at kumaway bago pumasok ulit ng gym.
Tumalikod ako at nagumpisa maglakad palabas ng school. Hindi ako makapaniwala talaga! Sumakay ako ng jeep pauwi sa bahay namin. Agad akong umakyat sa kwarto at doon narealize lahat. Nagsisigaw ako at nagtatalon.
Ito ang sikreto kong di alam ng iba. Ang kalandian ko, hehehehe.
-
"Sige na sis! Bibigay mo lang naman kay Vhong to eh."
Eto na naman si Anne sa araw araw na pangungulit saakin tungkol kay Vhong. Mas close kasi kami ni Vhong.
"Anne, paano malalaman ni Vhong na may gusto ka sa kanya kung inuutusan mo kong magbigay lagi? Dapat personal momg ibigay yan." sagot ko sa kanya.
"Tss, oo na nga!" sabi nya sabay walkout.
Inilabas ko ang Cellphone ko at nagbrowse sa facebook. Nakita ko namang may pinost si Terrence.
'Met the girl of my dreams yesterday.'
Sino kaya yon? Wala na akong pag-asa nyan :(
Inexit ko ang facebook at tinago ang cellphone ko, nandyan na kasi si Ma'am At nagsimula na ang klase.