T. MY EVERYTHING

757 31 6
                                    

T. MY EVERYTHING

(Flashback and song are in italics 😘)

Vice's POV

"Maraming maraming salamat po!" pasalamat ko sa mga taong nagpunta sa gig namin.

Ako nga pala si Jose Marie aka Vice, bokalista ako ng bandang The ViRence Rockers. Bakla ako, itinakwil na ako ng pamilya ko at mag-isa nalang akong namumuhay kasama ang mga kabanda ko.

"Ayos! Galing mo dun brad ah?" bati saakin ni Vhong, ang guitarist ng banda.

"Oo nga, parang walang pinagdadaanan." sabat ni Karylle, ang co-vocalist ko.

"Eto namang si K! Pinaalala pa!" biro ni Billy, ang drummer.

Ngumiti nalang ako, hanggang sa makasakay kami ng van. Oo may pinagdadaanan ako, kakabreak lang kasi namin ni Terrence. Ang dating kasama ko sa banda. Enough of him, ayoko pag-usapan.

"Vice, next month yung launching ng album natin sa isang RestoBar sa Makati. Ano game ka ba?" tanong ni Billy ng makarating kami sa Apartment na tinitirahan naming lima.

"Syempre naman, sasama ako." sabi ko at nginitian sya.

"Girl, syempre! Di pwedeng wala ka." sabi ni Anne, guitarist din.

I just nodded, binaba ko ang mga gamit ko at dumiretso sa kusina para kumain. Sumunod naman na sila.

Habang kumakain kami, tahimik lang akong nakikinig sa mga kwento nila.

"I really miss, Terrence na."

Napalunok naman ako sa sinabi ni Anne, alam kong sakin mapupunta ang topic nito.

"Bakit nga ba umalis yun?" sabi ni Billy.

"Edi itanong mo dyan kay Vice." sabi na eh, sakin mapupunta to.

"Bakit nga ba kayo nagbreak Vice?" tanong ni Karylle.

"Guys please ayoko pag--"

"Vice please? Mga kaibigan mo kami, para saan pa't magkabanda tayo." sabi ni Vhong, bumuntong hininga nalang ako.

"Here it goes..." sabi ko at mag-uumpisa nang magkwento.

-
(this confrontation scene is based on The BreakUp Playlist, but The flow of the story will be different. Eto lang naman ang kinopya.)

"Terrence! Terrence Bill, ano bang problema mo ha?" i shouted at him at hinarap sya saakin.

"Ikaw! Ikaw na pinakamagaling sa lahat!" sigaw nya, pansin ko ang galit sa mukha nya.

"H-hindi ko maintindihan."

"Hindi mo maintindihan ha?! Yung pag-hiyaw at pagpalakpak sayo ng mga tao kanina? Samantalang ako, hindi nila pinalakpakan."

"Marapat lang na palakpakan tayong dalaw--- "

"TAYO?! Psh, wag ka namang plastic Vice! Alam kong alam mong ikaw lang ang pinapalakpakan kanina."

Nanlumo na ako, bakit ba sya nagkakaganto?

"A-ano bang sinasabi mo?"

"Ang hirap kasi dito, girlfriend kita pero parang ikaw pa yung kakompitensya ko!"

Tumulo ang mga luha ko, ganon ba talaga ang tingin nya saakin?

"H-hindi ako nakikipagkompitensya Terrence. Wag ka namang ganyan!"

"At eto pa eh, Ako yung nagpasok sayo sa banda ko pero ang tingin nilang lahat IKAW ang pinakamagaling." He hissed.

"Hindi pagalingan to, Terrence. Hindi pagalingan to." Lumakad ako papunta sa kotse at sumakay.

TRACKS • ViRence One- ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon