Sa isang paaralan sa bansang Pilipinas ay may nagaganap na kasiyahan. oo! kasiyahan. Ang school na ito ay puno ng alaala para saakin,Ako nga pala si Raine isa lamang simpleng babae. Ako ay 2nd year high school na. Naatasan ang aming level na lagyan ng dekorasyon ang aming mga silid aralan na tila ba gagawin itong isang restaurant para nga sa araw na ngayon ay itinakda na. Ako at ang iba ko pang kaibigan ay nag waitress sa aming section habang ang ilang kalalakihan naman ay waiter, at ang iba pa ay tiga luto at tiga hugas ng mga gagamiting pinggan. "pa-order!" sabi nang ilan naming customer.
Gabi na nang matapos ang kasiyahang iyon. Lahat kami ay pagod kung kaya kaunti na lamang kaming naiwan para magligpit nang mga nagamit sa araw na iyon. Masaya naman kami sapagkat marami rami rin ang naging customer namin kumpara sa ibang section.
"Uy Raine! tugtog ka nga!" sabi ng kaklase kong si Sophie na dala-dala ang isang gitara. "Sige ba! Teka, ano ba gusto mo? Ang huling El Bimbo? Back to December? Salamat ni Yeng? ano?" nakangiting sagot ko. Hindi pa man sumasagot si Sophie ay kinuha ko na ang bitbit nyang gitara atsaka tumugtog at kumanta ng Baby Blue Eyes. Hindi pa nagtatagal ay dumating na ang aming adviser at pinalabas kami ng classroom sapagkat kami at nakatambay nalang naman. Kasabay nito, ay may isang babae na nagpasama kay Sophie sa gym ng school kung kaya't naiwan ako dala dala ang gitara.
BINABASA MO ANG
Isang buwang pag-ibig
Randompaalala: ang istoryang ito ay naglalaman ng purong pagpapa-asa kung kaya't ito ay angkop lamang sa may edad na 13 pataas.