Sa room namin, hilig ko manguha ng panyo ng kahit sino xD. Hindi dahil sa wala akong pambili ng panyo ngunit gusto ko lamang magkaroon ng souvenir sa bawat kaklase ko.
Ang iba ay nagagalit sa kulit ko, ang iba naman ay talagang ibinibigay na saakin. Ngunit ang iba ay hinahabol pa ako xD. Medyo may pagka-isip bata rin kasi ako eh kaya nagpapahabol naman ako. xD
"Oy Raine ibalik mo nga yan!" sabi ni Apple,kunwari pang nagagalit pero nakatawa naman. Parang ako minsan xD
Ang totoo kasi nyan, ang saya kasi talaga makipag habulan maliban sa aso.Malinis ang intensyon ko. Kung sa tingin ng iba ay pakikipaglandian ito, para sa akin, binibigyan ko lang ng kaligayahan ang sarili ko. Minsan lang kasi tayong maging teenager at hindi na ito maibabalik pa.
Maya maya pa ay dumaan ang kaklase kong si Vinz. Para akong ibon na mabilis dinagit ang hawak nyang panyo. Trip ko kasi lahat ng madadaan sa harap ko. Tumakbo ako ng mabilis palayo sakanya. "oy! panyo ko!", sigaw nya at hinabol ako. Naka-ilang ikot lang ako sa loob ng classroom namin at napagod na agad. Siguro nga kasi tumatanda na.
"oh! hayan na nga!", reklamo ko.
Pagkatapos kong maibalik ang panyo nya ay sya naman ang biglang kinuha ang sarili kong panyo. "ay anak ng pating! oy akin yan! ",sigaw ko. Sya naman ang tumakbo palayo saakin. "Kung mahahabol mo ko!", sagot nya sabay dumila. Wala na akong balak pang habulin sya dahil pagod na ako. Ngunit wala akong pamunas ng pawis kung kaya hinabol ko sya.
"oy akin na nga kase!", sigaw ko.
"ayoko! ganti ko ito!", sabay dila ulit. Medyo naiinis na ako nun siguro sa sobrang pagod.
"oy akin yan kasi eh!",sabi ko pa. Ahhhh!!!! baka tumulo yung sipon ko! wala akong pamunas!!! . Binilisan ko pa ang takbo. Para kaming mga batang nasa kalye. Takbo here, takbo there. At talaga namang pinagod nya ako ng todo!! Yung sipon ko! langya! Hanggang sa na corner ko na sya.
"amina! bitaw!!!", sigaw ko habang hinahatak ko ang panyo ko.
"ayaw ko nga! hahaha",sagot nito. Ayaw pa kasi nya talagang bitiwan. Kinurot ko sya para bitiwan nya.
"Aww! Arayy ko naman!", daing nya ngunit hindi sya nagpatinag at hinahatak parin ang panyo ko.
"ibibigay mo ba o hindi??!" tanong ko at naiinis na talaga ako kanina pa.
"syempre hindi! haha!", sabay tawa nya. Kinurot ko syang muli at ibinaon ko ng todo ang mga kuko ko sa kamay nya. Mabilis nyang inatras ang isang kamay nya dahilan para magkaroon sya ng parang kalmot ng pusa na dapat ay simpleng kurot ko lamang. "arayyyy!!! pusa ka!",muli nyang sigaw.
"huh? pusa???? akin na nga yan!", sabay hatak ko ng malakas sa panyo ko dahilan para bumitaw narin ang isa nyang kamay.
Mula noon ay palagi nya na akong tinatawag na pusa. damn it!
BINABASA MO ANG
Isang buwang pag-ibig
Randompaalala: ang istoryang ito ay naglalaman ng purong pagpapa-asa kung kaya't ito ay angkop lamang sa may edad na 13 pataas.