Eto na nga, mag-isa akong nagpunta sa tapat ng classroom namin bitbit pa din ang gitara.
Napansin kong may isa akong kaklase na naka-upo malapit sa tapat ng classroom namin. Si Vinz pala ito. Mukhang malalim ang iniisip at nakatanaw ito sa malayo. Alam kong hindi kami close pero magkaklase parin kami. Kung kaya't patatawanin ko to.
"Hi! " masiglang bati ko. "Bat ka nag-iisa? Parang ang lalim ng iniisip mo ah? May problema ba?" daldal ko pa. Ngunit napaka-lungkot talaga nitong si Vinz at umiling lang sa mga tanong ko habang nakatanaw sa malayo. "suplado mo naman!"
"ang awiting ito'y para sayo, at kung maubos ang tinig di magsisisi, dahil iyong narinig, mula sa labi ko.......salamaaat salamaaaat~" , pang-iinis na kanta ko kasabay ang pagtugtog ko ng gitara. Napahinto lamang ako dahil nakita ko ang isang kaklase kong tumambay sa pinto ng classroom namin.
Nilapitan ko iyon atsaka kinantahan ng wala sa tono. Natawa nalang ang aking kaklase sa kabaliwan ko. Nang bigla kong maalala si Vinz. "Uy ano bang nangyari dun! (sabay turo kay Vinz na malungkot). Para kasing broken na ewan! Bakit ba?" tanong ko sa kaklase. "Ewan ko ba! Nakita yata yung Girlfriend nyang nakikipaglandian. Ayun pala eh! Si Ema! (sabay turo nito sa isang babae na may kasamang lalake)", sagot ng kaklase ko. "Kaya pala duon sya nakatanaw. Yun pala yun?" bulong ko.
Muli kong nilapitan si Vinz at umupo sa harap nya. "So iyon pala?" sabay tingin dun sa malayo kung saan nakatanaw si Vinz. Muli akong kumanta ng pang-iinis,
"Minsan nahihirapan ka at masasabing, di mo na kaya. Tumingin kalang sa langit, baka sakaling, may masumpungan. O di kaya ako'y tawaaagin malalaman mong kahit kailan, Hawak Kamay....~" , kasabay ang gitara. Huminto ako at napatitig muli ako kay Vinz at para bang awang-awa. Ang sama ko talaga at pinagtatawanan ko pa xD. Nagulat ako nang bigla syang magsalita, "Kantahan mo nga ako".
"Ha? eh.... ano bang kanta gusto mo?", nagulat kong sagot.
"Kahit ano! ikaw bahala. basta kantahan mo ko!",
Wala na akong nagawa kung ito ang paraang sasaya sya kahit di ako sigurado. At kinantahan ko na siya.
"Kung ito man ang huling aawitin, Nais kong malaman mo ika'y bahagi na ng buhay ko
At kung ito man ang huling sasabihin, Nais kong sambitin, Nilagyan mo nang kulay ang mundo
Kasama kitang lumuha, Dahil sayo ako'y may Pag-asa.....~"
Sa tuwing hihinto ako ng pagkanta ay ang reklamo naman ni Vinz na "bat ka huminto? Tuloy mo. Sige na please!". Natatawa na lang ako sa reaksyon nitong si Vinz. "Ganito pala ma-broken hearted ang lalake" bulong ko sa sarili at nakayukong tumatawa. Napatingin lang si Vinz. "Yaan mo na yun! Marami pa dyan. Hindi lang ikaw ang sinayang nya. Pati yung pakielam mo rin siguro...... Teka at gabi na pala! Yari ako! Naku!", ang nagmamadaling sabi ko.
BINABASA MO ANG
Isang buwang pag-ibig
Randompaalala: ang istoryang ito ay naglalaman ng purong pagpapa-asa kung kaya't ito ay angkop lamang sa may edad na 13 pataas.