Shia's P.O.V
Pagkatapos naming kumain sa park, yung dalawa ayun naglaro ng naglaro habang ako nanonood lang ng banda na tumutugtog sa iPod ko. I really love music.
Pakatapos ng isa't kalahating oras, sa wakas nag-aya na ring umuwi yung kambal. Napagod na eh. Naglalakad na kami pauwi. Pagdating naming bahay pinaligo ko sila agad sakto naming dumating si mommy.
"Kamusta business meeting mommy?" Tanong ko kay mommy
" Okay lang. Maayos naman anak." Sagot naman ni mommy"Asan ang kambal?" Tanong ulit ni mommy
"Ayun naliligo po" Sagot ko
"Nga pala anak, magpaparty sina Tita Tiffany mo. Mamayang gabi welcome party daw para sa pagdating ng mga pamangkin niya. Mga pinsan ni Hunter. " Sabi ni mommy.
"Ah okay po. "
"Anong okay? Pumunta daw tayo. Semi-formal daw ang suot" Sabi ni Mommy
"Mommy ayoko pumunta, mapupuyat ako eh. May pasok bukas. Ayoko!Tapos semi-formal pa. Capital N-O!" Sabi ko ng naiinis
"Anak minsan lang naman eh. Sige na. Kasama mo naman yung kambal eh."
"Still no mommy. At saka wala akong suot." Pagsasabi ko. Totoo naman eh. Wala akong isusuot.
Kinuha ni mommy yung paperbag na hawak niya kanina. No way! Alam ko na ang lamang niyan. Waaa. Nooo
"Eto oh. Alam kong idadahilan mo yan, kaya bumili na ako." Tsaka nilabas ni mommy ang dress na kulay purple na above the knee. God ang ganda. It was a tube dress na may linings na maliit na diamonds.
" Mom it was beautiful! Bakit ba kasi magpaparty sila eh welcomeback party lang." Pagdadahilan ko
"Hay Nako Shi. Isukat mo na nang Makita natin. Tapos titignan ko naman yung kambal. Baka naglalro na yun"
Umalis si Mommy tapos ako sinukat itong damit. Pagkasukat nung damit. Waaaa. Sobrang ikli, hindi ako mahilig magsuot ng ganito.
"Anak bumaba ka na diyan. Pakita kami." Sigaw ni mommy
Bumaba ako na hinihila hila pa pababa yung dress kasi masyadong maikli.
"Ate Shi dalaga ka na!" Pang-aasar ni Ron
At saka naman sila tumawa lahat. Napa-pout naman ako. Etong Ron na ito.
"Anak your so gorgeous. At saka wag mong hilain pababa! Ano ba. Maganda kaya." Tss Mommy talaga oh.
Hunter's P.O.V
Nag-aayos na ang lahat dahil mayroong party mamaya. Welcome back party para kina Stiffen at Her Her. Matutuwa ang iba naming relatives nito. Mom invited Tita Xiandra so it means pupunta si Shia.
Bigla tuloy akong na conscious sa isusuot ko. Tss bahala na nga mamaya.
Biglang lumabas si Her Her na masama ang timpla. Hahah Naasar pa rin siguro siya sa ginawa naming ni Stiffen kanina. Naglakad siyang masama ang tingin sa akin.
"Kung nakakamatay siguro ang tingin, kanina pa ako patay" Pang aasar ko sa kaniya. Sabay tawa ng malakas.
Bigla siyang umirap at saka pumunta sa may pintuan. Bigla naming bumaba ng hagdan si Stiffen at nagsalita.
"Hey! Kiddo Where are you going?" Tanong ni Stiffen na natatawa pa.
"None of your business" Mataray na sagot ni Her Her
"Aba mataray na yang kapatid mo Stiffen. Hahaha" Singit ko sa dalawa
"Mukhang may mafre-freeze and cards dito ah. At hihingi nalang ng pera niya sa kuya niya sa Monday" Pananakot ni Stiffen na siyang ikinatawa ko.
"FINE! Sa park." Sabi ni Her Her
"Okay. Ingat Lil sis. Balik ka dito bago mag start yung party. Darating yung crush mong mataba na maraming pimples. Akalain mo yun sinundan ka dito sa pilipinas!" Pang-aasar ulit ni Stiffen
Ako tawa lang ng tawa
"Kuya pwede ba! Tumigil ka na!" Sabi ni Her Her na masama na ang tingin sa kapatid niya. Na akala mo lalamunin na si Stiffen ng buhay
"Chill little sis. Hahah" Sabi ni Stiffen at iniangat pa ang kamay niya na kala mo sumusuko.
At ayun umalis na nga si Her Her.
"Tindi ni Her Her bro." Sabi ko na nakangisi pa
"Hahah. Sobra lalo na pag mainit ulo nun. Di mo talaga makakausap" Sabi niya na tumatawa tawa pa
Shia's P.O.V
Pagkatapos kong isukat yung damit. Kumain na kami tsaka ako nagpaalam na pumuntang park. Sabi pa ni mommy tatakas daw ako. Sabi ko naman mamayang gabi pa iyon tapos ayun pina-alis na ako. Dala ko yung gitara ko dun kasi ako nagpra-practice. Gusto pa ngang sumama ng kambal eh.
Pagkarating kong park pumwesto agad ako sa dati kong inuupuan. Tumugtog na ako ng kanta ng Jadine. Yung Bahala Na. Sa tanda kong ito fan na fan ako ng Jadine
Nag start na akong mag strum kasabay ng pagkanta ko
~Nanananana Wala na akong pake basta bahala na!
Nanananana Mahal kasi kita kaya bahala na~
Diko pa natatapos yung kanta ng may kumalabit sa likod ko. Isang magandang bataang bumungad sa akin. Ngayon ko lang siya nakita. Di siya pamilyar sa akin osadyang di lang ako palalabas.
-----
Sorry Guys if natagalan ng update.
VOTE-LIKE-COMMENT - Keep On Reading It
rosebelthefangirl