Chapter 17

8 1 1
                                    

Shia's P.O.V

Sumapit ang Saturday at yun paring ang iniisip ko. Jusko. Paano nalang yan? May practice pa kaming dalawa mamaya para sa punyetang duet namin. Tapos paano nalang kung mailang ako sa kaniya. Baka masabihan pa akong gusto ko talaga siyaaa! Daaaarrrrrnnnn it!

Naligo na ako at nag-ayos. Bumaba ako at si manang lang ang nakita ko.

"Manang asan yung kambal?" Tanong k okay manang na naglilinis na ngayon ng sala.

"Ay umalis yung kambal pumuntang park kasama yung babaeng kapitbahay natin." Sagot ni Manang.

Nako! Baka mapano sila. Kailangan ko silang bantayan. Tinignan ko yung oras at 7:35 palang naman. Usapan kasi naman 9 para bago mag lunch tapos na.

"Manang sundan ko lang po sila. Baka mapano po eh." Pagpapaalam ko. Tumango na lamang si manang bilang sagot.

Kaya pumunta akong park dala yung gitara ko. Maganda din kasi mag gitara sa park. Peaceful pag ganitong umaga palang.

Malapit nako sa park at tanaw ko na silang tatlo. Ngiting ngiti pa ako tapos si Ron may hawak na DSLR. Wait! Camera ko yun ah!

Dali dali akong lumapit sa kanila at tumapat kay Ron ng nakapamaywang.

"Ah.He-He Hi ate." Sabi niya ng medyo nakangiti na parang natatakot.

Lumapit na si Hermione at Harry sa amin.

"Goodmorning Ate Shia." Ngiting bati ni Hermione

Tinitigan ko si Harry at Ron.

"Sino sa inyong dalawa ang nagsabi na kunin ang camera ko?" Sabi ko ng nakapamaywang parin.

Medyo nahihiya namang itinaas ni Harry yung kamay niya na siyang ikinatwa ni Hermione.

"Kayo ah. Sa susunod. Magpapaalam kayo ah."

"Opo" Sabay nilang sabi. At nginitian ko silang tatlo.

"O siya maglaro na kayo. Wag niyong ihuhulog yan ah.Ano ba kasing kinukuhanan niyo?" Tanong ko sa kanila.

"Ate sabi ko kay Ron kunan kami ni Hermione" Sabi ni Harry ng nakangiti at namula pa.

"Oo ate. Ang ganda po ng kuha ni Ron. Nakita ko po yung kuha sa amin ni Ron." Dagdag ni Hermione

Si Hermione di man lang napapansin na namumula si Harry tapos yung mukha ni Ron mukhang pinagsakluban ng langit at lupa. Mga batang to.

"Sige ate. Lalaro na kami. Ron kuhanan mo ulit kami" Sabi naman ni Harry na siyang mas kinabusangot ni Ron.

Lumapit muna si Ron sa akin at bumulong.

"Ate ang sakit." Sabi niya at tumakbo. Umiling na lang ako sa sinabi niya.

Habang naglalaro sila tumutugtog na ako ng gitara, Prinapractice ko yung kanta ko at kanta ni Stiffen.

Gusto ko ba talaga si Stiffen? Pero kasi gusto ko Si Marcus eh. Hindi pwedeng dalaw. Isa lang dapat. Bahala na nga. Basta di nila alam okay na yun.

Tumugtog nalang ulit ako, pumikit ako at dinama ang lyrics ng kanta habang nag-strum sa aking gitara.

Bakit hindi pa sabihin ang hindi mo maamin

Ipauubaya na lang ba to sa hangin~

Tumingin ako sa phone ko at nakita kong 8:46 na. Ayoko pang umuwi. Sigurado ako pati tong mga to nag eenjoy pa sila. Well except kay Ron na kuha lang ng kuha ng picture.

Tumawag ako sa bahay at sinabi ko kay manang na papuntahin nalang si Stiffen dito sa park at dito na kami magprapractice.

Medyo madami ng tao ngayon at mainit na pero meron namang pergola dito na medyo malayo sa mga batang naglalaro kaya okay lang naman na magpractice kami dito.

-----

  VOTE-LIKE-COMMENT - Keep On Reading It 

 rosebelthefangirl  

Strange FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon