21. Momentous

2K 50 11
                                    






" mommy youre finally home!" nagtatalong salubong sa kanya ni Midnight

"kumain na ba kayo?"tukoy niya dito at sa kakambal nito

medyo ginabi din siya ng uwi dahil na rin sa mga nakabinbin na papeles na dapat niyang tapusin

"opo ." sagot nito at biglang nagkandahaba ang nguso " ayaw makipaglaro sa akin ni Dawn mommy" sumbong nito

" baka naman kasi may ginawa ka na namang ikinagalit ng kapatid mo"

mabilis naman itong umiling " no I didnt! I think he is not feeling well "


bigla siyang nag alala sa sinabi nito " why dont you go to yaya and ask for your milk okay?"utos niya dito " ill go check your brother"

mabuti nalang talaga at hindi ito nag reklamo kaya agad siyang dumiretso sa kwarto ng dalawa


"Dawn?" mahinang tawag niya pagkapasok

nadatnan niya itong nangingig habang pilit na inaabot ang kumot nito. Agad agad n nilapitan niya ito at sinalat ang noo


" inaapoy ka ng lagnat!" bulalas niya " Dawn baby.." tapik niya ito ng dahan-dahan"wake up baby.."


gumalaw-gulaw ito bago unti-unting iminulat ang mga mata "m-mommy?" anito sa nanghihibmnang boses

"yes baby..bumangon ka muna para mabihisan kita at pinagpapawisan ka " at inalalayan niya itong umupo at pinalitan ng damit



"wag ka munang matulog baby ha? You have to drink your medicine first" pa alala niya dito habang tinutulungan itong mahiga ulit

bahagya itong tumango sa sinabi niya

nagmamadaling nagpalit siya ng damit bago kumuha ng gamot
ng pabalik na siya sa kwarto ng kambal ay naabutan niya si Midnight na nakaupo sa may hagdanan na bahagyang nakayuko


"midnight sweatheart?" tawag pansin niya dito ng makalapit siya

"m-mommy?" mababakas sa boses nito pmna sa ano mangoras ay iiyak n ito



"anong nangyari sayo?" tanong niya at binuhat ito at agad namang isubsob nito ang mukha sa leeg niya



"Is he gonna be okay?" tanong nito naparang naiiyak




"oo naman baby" sagot niya at hinaplos ng bahagya ang likod nito para kahit papaano ay kumalma ito " he just have to drink his medicine and rest"


anyan nga siguro ang may kakambal, sa hindi malamang dahilan ay nararamdaman ng isa kung anuman ang nararamdaman nung isa pa. theres this unexplainable bond between the twins that even science can never understand

"now lets get you to bed okay? you still have school tomorrow" pa alala niya at tinungo na nila ang kwarto ng dalawa

agad niyang binaba si Midnight sa gilid ng kama ng kakambal namumugay ang mg matang nakamasid sa kanila

" drink this baby" sabay abot ng gamot nito

"you okay?" nag aalalang tanong ni Midnight dito

bahagya siyang napangiti sa sinabi nito
kahit na madalas ay pinasasakit nito ang ulo ng kakambal ay makikita pa rin kung gaano nito kamahal ang kakambal

"y-yeah" nanghihina pa ring sagot nito sabay ngiti dito

hangang sa ngayon ay hindi niya pa rin mawari kung bakit hindi ito tulad ng kakambal nito na masiglahin at mahilig makihalubilo sa iba mas gusto nitong manahimik lang sa isang tabi at palaging nakasunod lang sa anumang gawin ng kakambal

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Dare with a DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon