17.1 far away

2.1K 43 3
                                    

~happy 5k reads! anyways thank you po ng marami sa paglaan ng oras para basahin itong storyang ito. kahit na once in a purple moon ako kung mag UD still gora parin ang beaty niyo sa pag iintay at kahit na nagrarambulan na minsan ang letters dahil sa katamaran ko pong mag edit ay go pa rin kayo. salamat ng marami. hehehe. tsaka thank u rin sa mga nag fan. hehehe.

eto na..  sana magustuhan niyo

dala na rin siguro ng pagod ay tinanghali siya ng gising

pinilit niyang bumangon kahit na masama ang pakiramdam niya

nanghihinang naglakad siya patungo sa banyo at nagulat sa itsura niya sa salamin

namumugto ang mga mata niya at sobrang putla ng mukha niya

dahil na rin siguro sa wala siyang sapat na tulog

sa nagmamadaling kilos ay nag ayos na siya.  mayat maya ay napapalingon siya sa relong pambisig at sa cellphone niya

nagpakawala siya ng buntunghininga" wag nang mag assume okay?"   at nanghahapong naupo sa kama

bakit ba balisa siya? dahil ba sa hindi man lang nag abala si Art na magpa alam? o baka dahil sa hindi man lang siya sinuyo nito? o dahil baka sinusulot na ito ng ex nito ?

nasa ganung posisyon siya ng biglang may magsalita

"a penny for your thoughts?"

" ay letche!"  at dali daling inayos ang damit at tumayo

shet. kala ko ba umalis na siya?

" hindi ka pa ba aalis?" pa simpleng tanong niya ng hindi ito nililingon

bat ba ang gwapo niya sa suot na 3 piece suit? sarap lang halayin.

"gusto mo na bang umalis ako?" bulong nito sa punong tenga niya

halos manayo na ang lahat ng balahibo niya sa katawan. hindi niya malaman kung paano ito nakalapit sa pwesto niya nang ganoon kadali.

anubey. ilayo niyo po ako sa tukso!

"a-ahmm. d-diba may f-light ka pa?" taena.bat ka nauutal ako?

"yeah "  sagot nito at pinaglandas nito ang kaliwang kamay sa balikat niya habang ang kabila namay yumayapos sa beywang niya "hmm.. you smell delicous" at inamoy nito ang leeg niya

" pwede buh. umalis ka na nga " at pilit niyang inaalis ang mga kamay nito sa katawan niya

sa tuwing naalala niya ang nangyari kagabi ay umuusok ang ilong niya sa inis

sa halip na pakawalan siya ay pinaharap siya nito at isinandal sa pader

gahibla nalang ang layo nila sa isat isa at isang maling kilos lang ng isa sa kanila ay maglalapat na ang kanilang mga labi

" anong nginingiti ngiti mo?" taray niya dito

" you" at lalong lumapad ang ngiti nito

abat! pinagtatawanan talaga siya ng impaktong to!

" bitawan mo nga ako" at pilit na tinutulak niya ito ngunit lalong lang nitong idinidikit ang katawan nito sa kanya

" paano kung ayoko?"  at hindi parin mabura bura ang nakakalokong ngiti nito sa mga labi

sino bang may eraser diyan? sarap burahin ng mukha nito eh.

" isa" banta niya at sinamaan ito ng tingin

pero sa halip na matakot ay sinabayan pa siya nito sa pagbilang"dalawa"

" ano ba Art!" at naiinis na hinampas ito sa dibdib " umalis ka nga sabi!"



A Dare with a DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon