12. its complicated

2.1K 36 3
                                    

~ hello there!!!  Again thank you so much for reading my story!!!

salamat nga po pala sa mga nag fan sa akin! ipagpaumanhin niyo po sana ang inyong lingkod .

for updating so late ! i am currently mixed up with my studies T__T

 hope that you would bear with me, up to the last chapters ^.^

this chapter is just the first half of chapter 12 .

_kreandee_

So here it goes... enjoy

The dinner last night turned out disastrous. And for now that would be the least she would want to think of. Of all places, bakit doon pa? Sadya ba talagang wala nang ibang magawa ang tadhana at siya ang pinagkaka interesan nito O ilan lang ito sa mga hindi sinasadyang insidente na nangyayari at nararanasan ng bawat tao. But she doubt that.

Ang huling natatandaan niya ay ang pagkabigla sa mukha ni Art at ni Debbie. Ayaw man niyang aminin ay may konklusyong pilit nagsusumigaw sa loob niya at kahit anong pilit niyang tangi ay nangingibabaw pa rin ito- she (reffering to Debbie) was his girlfriend .   

Kahit masakit mang aminin ay nasaksihan niya paano nagpalit-palit ang emosyon ni Art . sa tuwa , sa pagkabigla at higit sa lahat pagkaulila rito. Na sa hinagap ay hindi niya akalaing masasaksihan niya rito.

At ang mas masakit pa ay sa mismong harapan niya pa nasaksihan at sa babaeng ni sa panaginip ay makakaharap niya.

At kahit gusto na niyang sigawan ito ay wala siyang lakas ng loob para gawin yun.

 Bakit? Unang-una

ano ba siya sa buhay nito?

Wala. Isang hamak na babaeng nagpakatangang mahalin ito na umabot sa puntong ibinigay niya ng buong-buo ang sarili .

Pangalawa .

Ano namang ang sasbihin niya?

At pangatlo.

Ano naman ang laban niya dito?

Sa madaling salita .. wala siya dapat maramdaman.  Wala siya dapat sabihin at hindi siya dapat

magtanong dito

Kahit alam niya niya lahat yun..  ay hindi pa rin maalis sa dibdib niya ang kirot sa tuwing maaalala niya ang tagpong yun. Paano ba naman sa tuwing makikita niya si Art ay bumabalikbalik pa rin ang mga tagpong yun at sa tuwing mangyayari yun..  ay pilit niyang nilalabanan ang mga luhang pilit tumatagos sa mga mata niya.

Wala.

 Wala siyang karapatang masaktan.

Desisyon niya ito, wala ni sino man ang pumilit sa kanya.. kaya dapat lang na panindigan niya ito hanngang sa huli- o hangat sa kaya pa niya.

A Dare with a DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon