May isang lugar akong binabalikbalikan.
Ei kasi talaga namang nakakaadik pumunta doon lalo na pag marami kang pera hindi ba?
Mga mura na, may mga makukuha ka pang galing ibang bansa yung iba naman mga branded. Sulit na sulit. Konting laba lang bwala!! Mukha na ulit bago.
Tulad ng iba nakikipag-unahan din ako sa pagtingin kasi baka maunahan ako sa isang damit o sapatos na talaga namang maganda at bagay na bagay sa akin.
One time nga bumalik na naman ako sa department store ng mall ko haha ang ukay-ukay. Galing hindi ba? Hindi yata mabubuo ang linggo ko kung hindi ako makakapag ukay-ukay.
Agad naman akong pumunta sa mga bagong dating na mga damit. Waaaaaah!! Ang daming magaganda pero yung iba hindi kasya sa akin -_- nu ba yan haaaaay
Halungkat! Halungkat!
At may nakita akong damit na alam kong bagay na bagay at kasya sa akin. Kaya naman agad ko itong hinawakan at kukuhain na sana ng. . .
Eii? Bakit hindi ko makuha?
Hinila ko ito ng hinila hanggang sa makuha ko ito sa mga damitan. Mga nakaumpok kasi.
Laking gulat ko ng mapansin kong hindi lang ako ang may hawak ng damit na iyon. Nang tingnan ko laking gulat ko sa nakita ko.
Huh??
Isang. . .
BINABASA MO ANG
UKAY - UKAY
Short StoryPwede nga kayang mabuo ang isang pagmamahalan sa isang lugar na binabalik-balikan ??