Lalaki??
Hindi. Baka bakla.?? Hmm
Pero mukha ngang hindi siya bakla kasi naman ang tikas ng pangangatawan niya, matangkad, hindi naman ganun kaputian, at may pagkagwapo din huh??? Napakalinis at napakaporma niya pa magdamit hmm
Pero lalaki?? Nasa ukay-ukay?? Hahahaha
“Ahh miss ako ang unang nakakuha nitong damit” malumanay niyang sabi
“Anong ikaw? Ako!! Ako ang nauna sa damit na ito!!” ano pa ba ineexpect niyo eii di nasungitan ko nga siya hahahaha eii kasi naman eii I like that dress -_-
“Ah pasensya na. ako kasi talaga ang nauna sa damit na ito ei”
“Hoy! Ano ka ba? Bakla?! Hindi naman panlalaki ang damit na ito ah akin to!!”
“Pleaseee. Miss ako na lang bibili nito” -_-
Grabe hindi ko maintindihan ang isang ito pero naawa naman ako sa itsura niya kaya pumayag naman ako na ibigay na lang yun sa kanya tutal marami na naman akong naipamili eii
Linggo linggo pumupunta ako sa ukay-ukay na yun at mukhang ganun din ang lalaking yun. Ewan ko ba at adik na adik rin siya sa ukay-ukay pero ang nakakainis kasi yung makikita ko yung gustong gusto kong damit tapos siya lagi ang nagiging kaagaw ko.
Nakakainis noh? Kalalaking tao pero nakikipag-agawan sa babae. Ewan ko kung anong meron sa lalaking yun pero ang galing niya magpa-awa effect ahh
Tinanong ko naman yung babaeng nagbabantay dito sa ukayan kung sino ba yung lalaki na yun at sabi nila Terrence Cruz daw ang pangalan nun. Kilala na nila yun dito kasi suki na daw nila yun dito katulad ko.
Tinanong ko din kung bakit may mga pambabae na sa mga binibili niya hindi rin daw nila alam haaaay baka kasi may kapatid siyang babae.
Ilang linggo ang nagdaan ganun at ganun ang mga nangyayari. Buti na lang at may iba pa akong nakukuha maliban sa damit tulad ng sapatos, mga bag, jacket at iba pa.

BINABASA MO ANG
UKAY - UKAY
NouvellesPwede nga kayang mabuo ang isang pagmamahalan sa isang lugar na binabalik-balikan ??