Linggo na naman. Papunta na naman akong ukay-ukay. Alam ko na naman ang mangyayari. Sanay naman ako.
Pagpasok na pagpasok ko naghanap kaagad ako ng mga damit. At himala, wala siya dito ngayon. Ano naman kaya ang nangyare dun?
Ilang linggo na naman pero hindi na siya bumabalik dito sa ukayan. Tinanung ko yung babae na nagbabantay pero hindi na nga daw talaga dito bumabalik yun.
Hindi ko naman kilala yung lalaki nay un pero hinahanap-hanap ko na siya ngayon. Kahit naiinis ako sa kanya namimiss ko yung times na nag-aagawan kaming dalawa sa damit na gustong gusto ko.
Asan na kaya siya? Baka lumipat na ng ibang ukayan. Nagsawa na rin sigurong makipag agawan sa akin. Sayang gusto ko pa naman siyang makilala. Sigh
Pagdating ko sa bahay nagpahinga ako sa sala pero ilang saglit lang biglang may nagdoorbell.
“Ma’am kayo po ba si Laureen Santos?” delivery boy
“oo ako nga bakit?”
“Meron po kayong delivery. Paki-sign na lang po dito”
“delivery? Kanino galing?”
“Hindi niya po sinabi ma’am eii”
“Baka bomba ito kuya?”
“haha XD hindi naman po siguro. Sige po ma’am thank you po”
Pagkaalis nung delivery boy agad ko naming sinara yung pinto.
BINABASA MO ANG
UKAY - UKAY
Short StoryPwede nga kayang mabuo ang isang pagmamahalan sa isang lugar na binabalik-balikan ??