Kanino naman kaya galing ang box na ito
May card sa labas ang nakalagay “HOPE YOU LIKE IT”
Eii? Agad ko naming binuksan yung box at may nakita akong letter. At akin naman itong binasa.
HI LAUREEN,
HAHA OO KILALA KITA. SIGURO AKO HINDI MO KILALA. SANA MAGUSTUHAN MO ITONG BIGAY KO SAYO. PASENSYA KA NA PALA KUNG LAGI AKONG NAKIKIPAG-AGAWAN SAYO NG DAMIT. SIGURO INIISIP MO NA BAKLA AKO PERO YUN LANG ANG PARAAN PARA MAPANSIN MO AKO. UNANG KITA KO PA LANG SAYO SA UKAYAN NA YUN NAINLOVE NA AKO AYO. LOVE AT FIRST SIGHT BA? ^.^ HINDI KO ALAM KUNG ANONG SPARKS AT KURYENTE ANG NARAMDAMAN KO LALO NA NUNG NAGKATITIGAN ANG MGA MATA NATIN. MASAYA AKO DAHIL KAHIT MINSAN SA BUHAY KO NAKAUSAP MO AKO KAHIT PASIGAW PA YAN.
ILANG ARAW AKONG HINDI NAKAPUNTA SA UKAY-UKAY DAHIL SA SAKIT KO. ALAM MO BA NA KAHIT HINANG HINA AKO GUSTONG GUSTO KO PUMUNTA DUN PARA LANG MAKITA KITA. KASO HINDI AKO PINAPAYAGAN NG FAMILY KO.
MAGSISILBING ALAALA SA AKIN ANG UKAY-UKAY NA YUN. DOON KITA UNANG NAKITA, DOON KITA HINANGAAN, DOON KITA NAKAUSAP, DOON KITA MINAHAL. ALAM MO NAGSISISI AKO KASI SANA PALA NUNG UNA KO PA PALA SAYO SINABI YUNG TUNGKOL SA NARARAMDAMAN KO PARA SAYO HINDI NGAYON KUNG KAILAN MAMAMATAY NA AKO. PERO NAISIP KO NA OK NA RIN YUN KASI AYAW KITANG IWAN AT AYAW KO RIN NA PAGDUMATING NA ITONG TIME NA TO NA KUKUHAIN NA AKO AYAW KITANG MASAKTAN. SA PAGKAKATAONG ITO LAUREEN SIGURO WALA NA AKO.
INIPON KO ANG LAHAT NG DAMIT NA PINAG-AGAWAN NATIN, YUNG PINAG-AWAYAN NATIN SA BOX NA ITO. GUSTO KO AKO NAMAN ANG MAGING RASON NG PAG-NGITI MO. MAHAL NA MAHAL KITA LAUREEN SANTOS!!! YOU’RE ALWAYS BE MY FIRST AND LAST LOVE.
LOVE… TERRENCE CRUZ
Kasabay ng pagbasa ko sa sulat na ito ay nagsimula na ring tumulo ang mga luha ko. T_T
a/n: matuto tayong magpahalaga sa taong nagmamahal at ginagawa ang lahat para sa atin dahil hindi sa lahat ng oras ay nandiyan siya. Lagi rin nating sasabihin, Papatunayan, at ipaparamdam sa taong mahal natin kung gaano natin sila kamahal dahil sa mundong ito walang nakakaalam kung hanggang kailan na lang sila magtatagal.
UKAY-UKAY written by: HyooRiii
THE END
11/23/12 12nn
BINABASA MO ANG
UKAY - UKAY
Short StoryPwede nga kayang mabuo ang isang pagmamahalan sa isang lugar na binabalik-balikan ??