(Lei POV)
Kring Kring Kring
Narinig kong ring ng alarm clock ko. ibig sabihin kailangan ko ng magising para pumasok. Actually pangalawang linggo ko na ito bilang Grade 10. Excited din ako ngayon kasi may panibago kaming kaklase.
Nagluto ako ng almusal ko at Naligo,Nagsipilyo, Nag-ayos ng sarili at aalis na ako.
"Ma, Alis na po ako." paalam ko kay Mama.
"Sige Anak, ingat ka." sabi ni Mama at tuluyan ko ng nilisan ang aming bahay. Sumakay ako ng Jeep at dun ay may nakatabi akong babae. Hindi Mapakali. Kinikilig ata kasi Pogi yung nasa tapat niya. Ilang minuto lang ang nakalipas ay tumingin ako dun sa babae at yun nakita kong kinukuhanan niya ng picture yung lalaki.
-Flash-
Nabigla yung lalaki sa Flash ng Camera sa CP ng babae.
"Ano ba to? May problema na ata itong Cellphone ko. Kuya sorry po." pagpapalusot ng babae sa lalaking katapat niya pero alam ko namang sinadya niya iyon. pinigilan ko ang tawa ko sa nasaksihan ko.
"Hindi Okay, lang" sagot ng lalaki habang nakangiti.
Grabe kilig si Ateng katabi ko. Kahit pigilan niya ay alam kong kinikilig siya. Bumaba na ako ng Jeep at dun ay nilabas ko ang tawa ko.
"Hahahahahaha.. Grabe si ate. mapalusot." sambit ko.
Nandito na ako sa Room. Hinihintay ang first subject namin. Makalipas lang ng ilang minuto ay dumating na si Sir kasama ang bago naming kaklase. Lalaki siya.
"Good Morning Class." Masayang bati ni Sir.
"Good Morning Sir Imperial." sabay-sabay naming bati.
"Class, Siya ang bago niyong kaklase." sabi ni Sir sabay turo sa lalaking kasama niya. "Mr.Can you Introduced yourself." dagdag pa ni Sir.
"Una sa lahat, magandang umaga sa inyo. Ako po si Kean Oliver Marasigan. 16 years old. Ang hobbies ko po ay Maglaro ng basketball, manuod ng T.V., at kumain" pagpapakilala niya pero feeling ko ako lang ang nakikinig. may mga sariling mundo kasi ang mga classmates ko at feeling ko rin ayaw nila sa bago naming kaklase kasi Malibag, Yellow Teeth, badoy, mabaho, madumi ang damit. Sa madaling salita Hindi marunong mag-ayos ng sarili.
"What the heck!! may basura tayong classmate." mareklamong sabi ni Andren Abad. Siya ay isang warfreak na babae.
"Kaya nga. Hindi lang marunong mag-ayos ng sarili." sabi ni Elle Ynna Cabalbag. Siya ay isang mayaman na ubod ng arte.
"Andren at Elle, Ganyan ba kayo pinalaki ng mga magulang niyo. Ambabastos niyo ha. Akala niyo kung sino kayong malilinis." Galit na sabi ni Sir.
"Sorry po sir" -Andren
"Sorry din po." -Elle
"Mr. Marasigan humanap ka na ng mauupuan mo tutal marami namang bakanteng upuan." mahinahon na sabi ni Sir Imperial.
Naghanap siya ng mauupuan. Sa bawat pag-upo niya ay nagdadahilan ang katabi niya na may nakaupo sa upuan na inuupuan niya. Ganoon lahat ang dahilan ng classmates ko kaya nagpresenta na lang akong sa tabi ko na lang siya umupo since may bakante naman.
"Dito ka na lang umupo." Sabi ko sabay pakita sa upuan. umupo naman siya at panay ang ngiti niya sa akin.
"Salamat nga pala." sabi niya habang nakangiti.
"Walang anuman. Ako nga pala si Lei Undalos" sabi ko.
"Ako naman si Kean Oliver Marasigan" Sabi niya sabay abot niya ng kamay. Inabot ko rin ang kamay ko. Sa una ay nagdadalawang isip ako kung iaabot ko ang kamay ko pero sa huli inabot ko rin ito.
@Lunchtime
Heto kasama ko si Kean. Andito kami sa Canteen. Kahit ganito siya hindi naman mahirap pakisamahan. Mabait, Matalino, Mapagbigay at Pogi sana kung nag-ayos ito ng sarili.
"Ah.. Lei Anong gusto mong kainin? libre na lang kita." presenta niya sa akin.
"hindi wag na. nakakahiya, kakakilala mo lang sa akin ililibre mo na ako agad." sabi ko.
"Ano ka ba. okay lang yun." Sabi niya.
"Sige mapilit ka eh. Gusto ko ng lahat ng masasarap na pagkain. okay lang ba sayo yun?" pabiro kong sabi.
"Oo naman. basta sayo ang pambayad." pabiro niyang sagot kaya nagtawanan kaming dalawa.
"Seryosong tanong. Anong gusto mo?" Sabi niya ulit.
"Kahit ano na diyan basta masarap." sagot ko at umalis na siya para bumili.
Habang bumibili siya ay pinagmamasdan ko siya. Nakita ko na lang na nandoon sina Andren at Elle na inaapi siya.
"Bakit dito mo pa naisipang mag-aral ah BASURA!!" narinig kong sabi ni Elle. Habang itinutulak si Kean.
"Alam mo ba BASURA na private school ito hindi Basurahan." Sabi ni Andren sabay buhos ng tubig kay Kean.
Nakaramdam ako ng pagkaNerveous kaya pupuntahan ko siya.
"Alam niyo kayong dalawa kung hindi lang kayo babae kanina ko.... " matapang na sabi ni Kean pero hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil hinila ko siya palayo. Nang makalayo na kami ay sinabi ko ang dahilan kung bakit ko siya hinila palayo.
"Hindi mo dapat ginawa yun." sabi ko.
"Hindi ko sana gagawin yun kaso sobra na sila. Bago palang ako rito at hindi pa nila ako kilala makapag-api sila wagas." Sabi niya. Kita sa mukha niya na galit siya.
"Kalma ka lang." mahinahon na sabi ko.
"Tara punta na tayo ng room." kalmadong sabi niya Habang pinupunasan ang buhok niya na binuhusan ni Andren.
"Mabuti pa nga." sabi ko at pumunta na kami ng room. nang makarating na kami ay nakita naming nag-uusap ang mga kaklase ko at alam kong kami ang pinag-uusapan nila. Hindi na namin yun pinansin pa at umupo na lang kami.
Lumipas ang oras at sa wakas uwian na. Hinatid ako ni Kean sa Bahay namin at nang tanungin ko kung saan ang bahay niya ay ang sagot niya "diyan lang sa tabi-tabi." Kawawa naman. Kaya pala hindi siya nakakapag-ayos ng sarili pero ang nakapagtataka lang Bakit sa Private School siya nag-aaral?
Hanggang sa pagtulog ko ay palaisipan pa rin sa akin kung bakit sa private school siya nag-aaral. Hindi ko namalayan na sa pag-iisip ko ay nakatulog na ako.
BINABASA MO ANG
Boy in Disguise (Completed)
Short StoryMay Lalaking kahapon lang ay sobrang PANGIT na kinaiinisan ng lahat at kinabukasan ay ARTISTAHIN na ang mukha na kinababaliwan na ng mga kababaihanan. Kilalanin siya. #BID