@kinabukasan
As always, nagising ako ng maaga. Naligo muna ako bago kumain. pagkatapos ay nagsipilyo ako. pagkatapos ay nag-ayos ng sarili. Abala akong nag-aayos ng sarili nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Anak, bilisan mo diyan. naghihintay yung kaklase mo." sabi ni mama. Nakapagtataka naman. Buong buhay ko ngayon lang may sumundo sa akin na kaklase ko. Sino kaya yun?
"Ma, Sino pong kaklase ko?" tanong ko kay mama.
"Si Oliver daw." sagot ni mama. Akala ko kung sino na si Kean lang pala.
Nag-ayos ako ng sarili at nang matapos na ako ay lumabas na ako ng kwarto. Nakita kong nakaupo sa sofa si...si..si..si... Kean Oliver Marasigan.
-Slow Motion-
Biglang tumigil ang mundo ko. Feeling ko mahuhulog na ang laway ko dahil nakanganga ako habang nakatingin sa kanya.
"Uy ate, Problema mo?" sabi ng makulit kong kapatid na si Lyn. Kahit kailan talaga panira ng araw ito.
"Ah wala naman. pakisabi kay mama aalis na kami." sabi ko. halatang nabigla ako sa ikinilos ko.
"Uy si ate, may manliligaw na." pangungulit nitong si Lyn. Ewan ko kung anong magiging reaksyon ko sa sinasabi nito.
"Ikaw talagang bata ka. punta ka na nga dun kay mama." sabi ko habang ginugulo ko ang buhok ni Lyn. Sumunod naman siya.
"Pagpasensyahan mo na si Lyn. Sobrang kulit Kasi non" sabi ko pero ramdam ko na namumula ako.
"hindi okay lang." sabi niya na halatang tuwang-tuwa.
"Teka lang, anong nakain mo bakit ang ayos ng pustora mo ngayon?" curious kong tanong. kasi sobrang gwapo niya. Para siyang artista. Sigurado ako kahit sinong babae ay mapapahubad niya ng panty. Ang kinis ng balat niya, Malinis ang damit, Maputi ang mga ngipin at sobrang bango niya.
"Ah, mamaya ko na lang sasabihin mahuhuli na tayo sa klase." sabi niya at lumabas na kami. pagkakita ko ay may magarang kotse ang nag-aabang.
"Kanino kaya ito?" tanong ko sa sarili ko.
"Tara, sakay na tayo." sabi niya. habang binubuksan ang pinto ng kotse. Sobrang naguguluhan na ako. Sa kanya itong kotse.
"Sa iyo yan?" Nasambit ko.
"kapag sinabi ko bang OO sasakay ka na." Sabi niya.
Tumango na lang ako bilang pagsagot ng OO
"Oo sa akin nga ito. Tara na baka malate na tayo." sabi niya. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Sumakay na ako sa tabi niya. siya ang nagmaneho ng kotse. Tahimik lang kami habang binabaybay ang daan patungo sa school namin.
Nasa Main Gate palang kami non pero ang dami ng nakatingin sa amin. Para kaming mga artista at nang bumaba na kami ay nagsilapitan sa amin ang mga estudyante.
"Grabe ang gwapo niya." kinikilig na sabi ng babaeng estudyante.
"Kaya nga ang yaman pa. Tignan mo oh may kasama pang Maid." Sabi pa ng kasama niya habang tinuturo ako.
"Ah Miss. Hindi ko siya Maid. Friend ko siya at magiging Girlfriend ko na rin. di ba Lei? " Sabi ni Kean na ikinabigla ko. Tumango lang ako. Umalis na ang mga nakikiusyoso at pumunta na kami ng room.
Nasa pintuan palang kami ng room ni Kean noon at nasa amin ang atensyon ng buong klase.
"Uy Lei, sino yang kasama mo? pakilala mo naman ako." Mapang-akit na sabi ni Andren. Habang nagbeau-beautiful eyes.
"Ah siya si..." hindi ko natuloy ang sasabihin ko kasi tinakpan ni Kean ang bunganga ko.
"Ako lang naman si Kean Oliver Marasigan. Anak ng may-ari ng school na pinapasukan niyo at yung kahapon na inaapi niyo." pagpapakilala niya.
"Ah ikaw pala yun. Sorry." nabiglang sabi ni Andren.
"Sorry?? mukha mo." Matapang na sabi ni Kean.
"Tama na nga yan Kean. Upo na tayo." mahina kong sabi.
Umupo na kami at kita pa rin sa mukha ng mga Classmate namin ang pagkabigla.
"Kean. Bakit ka nga pala nagDisguise?" mahinahong tanong ko.
"Ganito kasi yan. Ginawa ko yun para subukan kayo. I mean para iTest ko kong sinong may magandang kalooban na makikipagkaibigan sa akin kahit ako'y Mabaho, Badoy, Madumi ang damit, dogyut, for short Walang pakialam sa sarili. At ikaw lang ang gumawang makipagkaibigan sa akin. Prinomise ko rin sa sarili ko na liligawan ko kung sino man ang nagmagandang-loob" paliwanag niya. nakatingin lang ako sa kanya habang nagpapaliwanag siya. Sh*t artistahin ang mukha niya.
"Ah Lei, nakikinig ka ba?" tanong niya.
"Ah oo naman. Pakiulit nga yung huli mong sinabi" Sabi ko.
"Promise ko sa sarili ko na liligawan ko kung sino man ang nagmagandang-loob." sabi niya ulit pero narinig ko naman iyon. Napalunok ako.
"Eh paano kung lalaki yung nagmagandang-loob? Liligawan mo rin?" Sarcastikong tanong ko.
"Syempre hindi. Kapag lalaki ituturing ko siyang para kong kapatid. Oh paano ba yan Lei? pwede ba kitang ligawan." maangas niyang sabi.
Ewan ko ba kung anong isasagot ko. Magpapaligaw o hindi. Sobrang Gwapo niya talaga at liligawan ako. Siguro kapag naging KAMI maraming magsusumpa sa akin.
"Ah.. Eh.." Hindi ako makapagsalita ng maayos dala na rin ng kaba. Nakatingin ako sa kanya at makikita sa kanyang mukha na nagmamakaawa siya.
"Please Lei. Can I court you?" Tanong niya ulit.
"Tatangi pa ba ako. Sige na OO na." Sabi ko na halatang kinikilig.
"YES!!!" Bulyaw niya na naging Center of Attention ng klase.
"Oh, Anong tinitignan niyo?" sabi niya sa mga kaklase namin. Sa halip na sumagot sila ay binaling nila ang tingin nila sa Sir namin na kakarating lang.
"Good Morning Sir Imperial." Sabay-sabay na bati namin.
"So our lesson for today is......................... " Pagtuturo ni Sir pero hindi ako nakikinig. Nakatitig lang ako kay Kean.
Lumipas ang maraming oras ay Uwian na!! Hinatid ako ni Kean sa bahay namin at nagpaalam na liligawam daw niya ako..
"Tita, liligawan ko ho sana si Lei. Okay lang po ba?" Sabi niya na ikinabigla ko. Natatakot ako sa kung anong magiging reaksyon ni Mama.
"Pwede naman. Basta ijo alam niyo na kong anong mga DAPAT at HINDI DAPAT niyong gawin." Sabi ni Mama.
"Ah opo tita." sabi niya pa.
BINABASA MO ANG
Boy in Disguise (Completed)
Short StoryMay Lalaking kahapon lang ay sobrang PANGIT na kinaiinisan ng lahat at kinabukasan ay ARTISTAHIN na ang mukha na kinababaliwan na ng mga kababaihanan. Kilalanin siya. #BID