3/3

376 12 9
                                    

Fast Forward.................

"Happy 1st Anniversary Baby." Bati niya sa akin sa Cellphone.

"Happy 1st Anniversary rin. Oh baby saan tayo magcecelebrate?" tanong ko.

"Sa bahay na lang namin. Wala kasing maiiwan na magbabantay dito. Alam mo na busy kasi sina Mama't Papa na magpayaman." Sabi niya.

"Sige punta na lang ako diyan mamayang 7 ng gabi." sabi ko.

"Promise mo yan ah." Sabi niya sa kabilang linya.

"Syempre naman." sabi ko. Ilang Segundo siyang natahimik at tinanong ko siya.

"Baby may problema ba? Bakit bigla ka na lang tumahimik?" tanong ko.

"Wala baby. Masaya lang ako dahil 1st anniversary natin. Hindi ko akalain na magtatagal tayo. Baby itong tatandaan mo Mahal na Mahal kita." sabi niya sabay baba ng cellphone.

Nag-ayos ako ng sarili. 8:00 na ako nakarating dahil sa Traffic. Mabuti na lang at bukas ang gate nila na dati ay kailangan pang magDoor beel at pumasok ako.

Ang lawak talaga ng bahay nila. Ang ganda sana pero bakit makalat? parang dinaanan ng bagyo.

Hindi ko na pinansin pa ang kalat at pumunta na ako sa kwarto niya. Hindi nakaLock kaya pumasok na ako.

Tumambad sa harapan ko ang naghihingalong katawan ni Kean. Dala ng pagkatakot ko ay nilapitan ko siya.

"Baby, Sinong may gawa niyan?" Naiiyak na sabi ko.

"Ma..Mga....A...Akyat...Ba..Bahay..gang...Nan..Laban..A..Ako.Kaya pinag..babaril.. ni.. Nila..Ako." naghihingalong sabi niya.

"Lumaban ka Baby. Huwag ka munang mamatay." Sabi ko na sa ngayon ay hinahabol niya na ang paghinga niya.

"Ma.. Mahal.. na..Mahal Ki..ta..Baby ko...." putol na putol na sabi niya at dun ay binawian siya ng buhay.

"Kean!!!!!!!!!!!!!!!!!"

END

Hope you Like it... Do Vote and Comment.

Boy in Disguise (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon