Sira Na
Nakita ko siya, nagmumugto ang kanyang mga mata
Nang ako'y lumapit sakanya, lumisan siya bigla
Ngunit bago siya tuluyang makaalis, nagsalubong ang aming mga mata
May nililihim, nagsusumamong itago ang kanyang nadarama
Sumisigaw, umuungol ang sakit na dala niya
Tila parang isang patalim ang nakasaksak sakanya
Nakangiti, ngunit nagbabalatkayo
Ang ngiting di mo nais makita o matanaw
Tumatawa, ngunit nasasaktan
Katumbas ng halakhak ang luhang pumapatak
Sila ang mga taong lakas ang maskara
Ngunit katotohanan ang bumabagabag sakanila
Talunan, mahina yan ang tawag sakanila
Mga taong gamit at sirang sira na.
BINABASA MO ANG
Tula Para Sa Mga Marunong Bumasa
PoetryRandom poems :) PS. sana po magustuhan ninyo. ThankYou :)