Sa kawalan nakadungaw, di maalibadbaran
Sa pagtagay ng bote, sakit saglit ay malimutan
Munting likidong dumadaloy, kasiyahan ang dala
Mararamdaman ang init at pait na taglay niya
Pagpikit ng mata kapalit ay sigla,
ilusyong panandaliang mag lilibang sakanya
ngunit pag dilat anung sakit ang kanyang haharapin?
kasiyahang naglaho, luha ang kapalit
paglisan ng bisa ng munting likido
sira, malungkot, mugtong mga mata, talo
tila parang bulang nawala ang lahat
pusong lumisan, san matatagpuan?
Pagmamahalang tuluyan ng nawaglit
May pag asa pa kaya itong maibalik?
BINABASA MO ANG
Tula Para Sa Mga Marunong Bumasa
PoesíaRandom poems :) PS. sana po magustuhan ninyo. ThankYou :)