Chapter 2

57 2 0
                                    

Chapter 2

Habang nasa sofa na silang dalawa ay tinawag na ni claudette si aling tasing para kumuha ng maiinom si Marco.

" ano po un Mam?" magalang na tanong ni aling tasing .

" ano ba gusto mo Marco? Juice or you want some beer or wine?" Pilyang tanong ni claudette kay Marco.

" Juice nalang clau" sagot ni Marco

" okay, aling tasing Juice daw sa kanya, tapos sa akin dalhan mo ko ng two bottles ng san-mig light" utos ni claudette kay aling tasing.

" yun lang po Mam?" Tanong ni aling tasing

" Bakit may idadagdag ka pa ba? Yun lang narinig mong inutos ko diba?" Pabirong sagot ni claudette

" ikaw talaga mam, hehehe! Sige po mam kukuha na po ako" nakangiting wika ni aling tasing.

"Kaw talaga claudette, kawawa naman si aling tasing" Wika ni Marco na parang nagulat sa inasal ni claudette

"Ano ka ba Marco" sabay hampas sa balikat ni claudette "natural lang sa amin un, kaya dapat masanay ka na " pabirong wika nito.

"Sabi mo eh" ngiting sagot ni Marco

Habang inaantay nila ung juice at beer di pa rin mawaglit sa isip ni Marco kung sino ung babaeng nasa pool. Gusto niya sanang tanungin ito kay Claudette.

"Claudette may itatanong sana ako sayo?" Tanong ni Marco na para bagang nag-aalangan nitong tanungin .

"Ano un?" Sagot nmn ni Claudette

"Sino ung?" Tanong ni marco ngunit naputol dahil sa dumating si aling tasing

"Mam ito na po ung juice at san mig light niyo" sabi ni aling tasing

"Sige aling tasing, ilagay mo nalang diyan" sabi ni claudette "salamat aling tasing! "

Nakangiting sagot ni aling tasing " your welcome mam, pag my kailangan kayo mam tawagin niyo nalang po ako, sige po mam alis na ako"

"Sure aling tasing " sabi ni claudette "sya nga pala ano nga un itatanong mo sa akin marco?" Tanong nito kay Marco

Bago magsalita si Marco ay tinakpan muna ni claudette ang mga labi ni Marco ng kanyang daliri at sinabing " ops! But before that we make a cheer first! " sabay kuha ng kanyang beer at juice ni Marco "cheers!"

"Cheers!" Sagot naman ni Marco

"So, ano na un itatanong mo?" Sabi ni Claudette

Ngunit bago pa maka sagot si Marco ay biglang dumating ung babaeng nasa pool kanina sexy , maganda at flawless pa rin, medyo basa pa ang kanyang katawan at hapit na hapit ang kanyang suot na two piece na kulay berde na lalong nagpatingkad sa kulay ng balat nito. Halos di maipaliwanag ni Marco ang tuwa sa kanyang nakikita ngunit kinakabahan pa ito. Lumapit sa kanila ang misteryosang babae sa kanilang dalawa at umupo sa sofa na nakatapat sa kanila.

At biglang itong nagtanong ang misteryosang babae kay claudette.

Itutuloy..........

AGAWANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon