Chapter 8 (agawan)

20 0 0
                                    

Chapter 8



" oh, ba't pumunta ka na naman dito sa bahay ? " tugon ni marco
" gusto lng kitang makita marco, miss na miss na kasi kita ! " sagot naman ni Zabel



" Zabel, diba wala na tayo, o, bat nagkakaganyan ka? Pagkatapos mo ko pahiyain sa harapan ng mga magulang mo? Alam mo, hindi ganun kadali un ei. " daing ni marco kay zabel



" Marco naman e, i apologize naman na, ano pa ba kulang, i was too drunk that time nung dumating ako sa bahay namin" sagot ni Zabel



" Pag naka inom ka pala nakakalimutan mung boyfriend mo ako? Ganun ba un? O sya, baka saan na naman mapunta ang usapan natin. ano ba talaga ang pakay mo at binisita mo ko?" Tanong ni Marco



"Magpapasama sana ako sayo" wika ni Zabel



" Magpapasama? Bakit asan ba boyfriend? Bat sa akin ka magpapasama?" Tanong ni Marco



" Marco, wala ako naging boyfriend simula nung maghiwalay tayo, until now ikaw pa rin ang mahal ko. " sagot ni Zabel



" talaga lang ha!" Sabi ni marco


" Yup, samahan mo naman ako sa maynila oh! Aatend lang ako ng birthday ni Kaibigan ko, dun daw kasi niya gaganapin ang Birhtday niya" aya ni Zabel


" Maynila? Kelan? Ba't sa maynila? Bakit ndi dito gaganapin? Sino ba Ang kaibigan mung yan? Kilala ko ba? " tanong ni Marco


" Hindi ko pa sya napapakilala sayo, kasi madalang kami magkita dito" sagot ni Zabel " Sa makalawa tayo aalis ha!"


" Sa makalawa pa pala eh, kala ko naman ngayon na" sagot ni marco.



" Basta, dadaanan nalang kita dito ha!" Tugon ni Zabel " Aalis na ako at baka ano pa magawa ko sayo, nakahubad ka pa naman"
" Ikaw talaga oh! Sige daanan mo nalang ako dito" at tinawag ni marco
si dwayne para ihatid sa labas si Zabel " Dwayne, Dwayne!" Sigaw nito.



" Ano po yun kuya?" Tanong ng bata habang ngumunguya ng pagkain


" ano na naman niyang kinakain mo?" Tanong ni Marco


" Tinapay kuya" mabilis na sagot ni Dwayne



" Hatid mo muna si ate Zabel mo sa labas" wika ni Marco


" ok sige po kuya" sagot naman ni Dwayne



Hinatid na nga ni Dwayne si Zabel sa labas na kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan. May iniabot na namang pera si zabel kay dwayne na ibibigay sa kuya niya, madami ito kaya nagmadali itong bumalik sa bahay at iniabot sa kuya ni ang pera.



" kuya, kuya, kuya! " nagmamadaling sigaw ni Dwayne
" oh, bakit? Ba't parang hingal na hingal ka? Aasthmahin ka na naman niyan eh, kaw talaga oh!, o bakit? bat mo ko tinatawag?" At biglang nakita ang dala niya " O, ba't may hawak kang pera, tsk tsk tsk! Sinabi ko naman na wag na magbibigay ng pera si zabel eh, ibalik mo na yan"
tugon ni Marco habang nag aayos ito ng kanyang damit.


" Nakaalis na siya kuya e, tsaka madami ito, sayang" sagot naman ni Dwayne



" Para saan naman daw yan? " tanong ni marco kay dwayne



" ewan ko po, basta sabi ibigay ko daw sayo, alam mo na daw po yun" sagot ni Marco sabay abot ng pera


" ah sige, ilapag mo lang diyan sa kama, nagpasalamat ka ba? Tanong ni Marco


" opo kuya" mabilis na sagot ni Dwayne at umalis na ito at nagtungo sa kapit bahay

Itinabi ni marco ang Pera sa ilalim ng kanyang kama at inayos ang kanyang beadsheet at magpapahinga ito. Sa dinami damin ba naman ng kanyang ginawa simula gabi hanggang ngayon ay hindi pa ito nakakabawi sa kanyang tulog. Sinet niya muna ang kanyang orasan para i alarm ito at magising sya mamaya pero kahit di na gawin niya iyon normal na siyang ginigising ng kanyang kapatid para pumasok sa trabaho.

Itutuloy......

AGAWANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon