Chapter 6

47 0 0
                                    

Chapter 6



" Sir ....... sir, malapit na po ba tayo?! " tanong ng Driver kay Marco na natutulog

" f*c* , badtrip ka naman manong oh" na naasar sa pagkagising

" ay, pasensya na ho kayo sir kung naistorbo ko kayo? " kunot noong sagot ng driver "itatanong ko lang ho sana kung malapit na po tayo"

" patay! Sumubra tayo Manong, dyan nalang kayo lumiko sa may gasolinahan" sabay turo sa Gas Station

" sensya na ho kayo sir, di ko po kasi alam kung saan kayo banda " sabi ng driver

"Sige ok lang" sabi ni Marco

Lumiko na nga ang sasakyan pabalik kila Marco at nang malapit na ito sa bahay ni Marco ay pinahinto nalang nito ang sasakyan sa tabi ng tindahan. Bumaba na ng sasakyan si Marco at sa kanyang pagbaba andun pala sa tindahan ang kaniyang kapatid na mangungutang sana ng bigas.

" kuya" sabay takbo papunta kay Marco

" anong ginagawa mo dito?" Sabi ni Marco

" kuya, wala na po tayong bigas, pinapautang ako ni papa " paliwanag ng kapatid ni Marco si Annie

Si Marco ang panganay sa 4 na magkakapatid, Matangkad, mapupungay ang mata, matangos ang ilong, maganda ang katawan halos tinitilian ito sa kanilang lugar dahil sa angkin nitong kagwapuhan. Maganda naman ang pamumuhay nilang mag pamilya hanggang sa dumating ang panahong namatay ang kanilang ina sa sakit na cancer na kung saan ay doon sila nalugmok sa hirap pero pilit pa ring inaahon ng kanyang ina sa hirap ang pamilya pero hindi na rin ito kinaya hanggang sa nagkasakit ito at andun nalang sa bahay kaya si Marco nalang ang naghahanap-buhay sa kanila. Hindi nakapagtapos ng kolehiyo si Marco hanggang 4th year lang natapos nito. Hindi alam ng pamilya ni Marco ang trabaho nito . Ang alam nilang trabaho ay nag oopisina itong si Marco ngunit lingid sa kaisipan ng magulang at kapatid niya ay nagtatrabaho si Marco sa isang Gay Bar sa bayan ng kanilang lugar. Hindi bilang Macho Dancer kundi isang waiter. Marami itong nauuwing tip gabi-gabi kaya kahit papaano ay nakakabigay ito sa magulang niya. Si annie ang bunso sa kanila 12 taong gulang ito at kasalukuyang nasa Grade 6 . Si Dwayne at Dianne ang kambal sa kanilang nauna nga lang lumabas si Dwayne kay Dianne ng 2 minuto puro guwapo at magaganda ang anak ng mag asawang Doming at Karla.



" aling berta, magkano na ho utang namin dito? " tanong ni Marco

" wait, lang Mac, titignan ko sa listahan " agad naman kinuha ang listahan ni aling berta at kinompute nito ang utang nila Marco " nasa 576 lang Mac "

" ah ok po, ito po ang bayad aling berta" sabay abot sa isang libong piso . " tsaka pabili na rin ho ng bigas 5 kilo na po"

" kuya, bili mo naman ako ng tinapay" hirit ng kapatid

" tsaka tinapay din daw po " pahabol ni Marco

" Mac, ito na na ung bigas at tinapay. Ito na rin ung sukli." Sabay abot ni aling berta " hawakan niyo sa ilalim baka mabutas"

" ok sige po salamat" sagot ni Marco

Inaabot na ni Marco ang biniling tinapay kay Annie at naglakad na nga sila pauwi sa kanila ngunit bago pa ito makarating sa kanila ay agad siyang sinalubong ng kambal.

" kuya! " sabay sigaw ng kambal

" oh!, dahan-dahan bka matapon ang bigas, asan si papa." Tanong ni Marco

" nasa kusina kuya" sagot ni Dwayne

Sa kusina na dumaan si Marco at inilapag na ang dalang bigas.

Semi bungalo ang bahay nila . Maganda ang pagkagawa nito . Ang mga gamit nito ay mukhang bago pa kahit ilang taon na ito. Siguro sa unang kita niyo dito ay di mo iisipin na hindi naghihirap ang pamilya.

" mano ho pa" sabay yoko nito at nagmano sa papa niya

" kaawan ka ng diyos anak" sabi ng papa nito " kumain ka na ba anak "

" hindi pa po eh" sagot ni Marco " gutom na nga rin ako , may kanin po ba tayo?!"

" meron pa anak, may ulam pa diyan sa kaldero" sagot naman ng tatay nito. " Dianne , ipaghain mo nga kuya mo"

" masusunod ho pa. Agad agad pa. " sagot ni Dianne

" kayo talaga ho, pag kuya niyo ambibilis niyo ha pag ako ambabagal" sabi ni papa nila.

" kayo, naman pa . Nagtatampo agad ! Syempre malakas ka din sa amin . Hehehe" sagot ni Dwayne .. sabay masahe sa likod nito

Ipinaghain na nga ni Dianne ang kuya Marco niya ng makakain. Nagtungo na ang kanyang mga kapatid sala para manood ng tv samantalang ang kanilang ama'y lumipat na sa balcony at nakatingin sa malayo.pagkatapos nitong kumain ay pumasok na siya kanyang kwarto upang maligo. hinubad nito ang kanyang damit at pantalon naka boxer nalang ito ngunit hapit na hapit ang boxer short na kanyang suot at makikita mo kaagad ang kalakihan ng kanyang armas dahil sa umbok nito. Kahit sino namang babae mabibighani sa angkin nitong kagwapuhan kung baga sya ang dream guy ng mga babae bukod sa gwapo eh .. malaki pa ang..... totot.... May kaunting hawig ito kay Diether Ocampo ngunit ang pinagkaiba nga lang ni Marco ay Kayumanggi ito at si Diether ay maputi. Bago ito nagtungo sa CR ay hinubad na niya ang kanyang boxer at dumiretso na sa cr. Dahang-dahan nitong binuksan ang shower. Isinandal niya ang kanyang kamay sa pader at hinayaang pumatak ang tubig sa boong katawan nito. Biglang nag flash back sa kanya ang panaginip niya.

Unti-unti itong napapikit at sinariwa ang kanyang panaginip. Gumapang ang kanyang kanang kamay sa kanyang dibdib at dahang-dahang ibinaba.....

Itutuloy..........

AGAWANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon