Chapter 9

23 0 0
                                    

Chapter 9

Binuksan ni manong guard ang pinto ng gate nila claudette at pumarada ang magarang sasakyan sa my parking area. Sinundan lamang ng tingin ng Guard ang sasakyan ng biglang may bumaba sa sasakyan isang seksing babae makinis ang balat, mayaman ang dating, maalindog at para bagang mapanukso sa sobrang ganda nito. Napakunot noo na lamang si manong guard. Eh may ibang minamahal ito. ( Sino kaya un?!)

" ate, asan si claudette?!" Tanong ng magandang dilag

" oh, Zabel, ikaw pala iha! ( hinalikan niya ito sa pisngi) ang ganda mo pa rin iha, hindi ka pa rin nag babago!" Sambit ng katulong kay zabel na namangha sa kagandahan nito " teka lang zabel ah, akyatin ko muna sya kwarto bago natutulog na naman, bata talagang yun oh, maupo ka muna diyan"

Umakyat na si manang patungo sa kwarto ni zabel. Kumatok muna ito ng pinto ng walang sumagot binuksan na niya ito. Nadatnan niyang..........













Natutulog na naman si claudette ginising niya ito.

" claudette, bumangon ka na diyan at tanghali na iha, ikaw talagang bata ka!" Habang nililigpit nito ang mga dumi sa kwarto



Ngunit hindi pa rin umiimik si claudette




" claudette bangon na diyan, may nag aantay sayo dun sa baba!"





" manang talaga oh, inaantok pa ko ei, sinong nasa baba si marco po ba?!" Dali dali itong bumangon sa pagkahiga.





" hindi! Si zabel yung kababata mo nasa baba inaantay ka"






" talaga po, babaeng yun di man lang nag pasabi na darating siya"




Nag ayos muna ito ng sarili bago bumaba ng hagdan at tumungo sa kinaroroonan ni zabel




" Zabel!!!" Sigaw nito " punyemas ka, hindi ka man lang nag paabiso na darating ka akala ko dun na tayo sa manila magkikita" sabay beso nito at para bang hindi sila nagkita ng maraming taon sa excitement sa isat isa. " oh, ano, taray, ang ganda mo ngayon gurl!" Wika ni claudette habang tinitignan si zabel mula ulo hanggang paa





" ano kaba, 5 days na ako dito, ngayon lang ako napadaan sa inyo alam mo na.." Wika zabel




" your ex, again?"




" ano pa nga ba, anyway dumaan ako dun sa bahay nila kanina, niyaya ko sya sa birthday mo ok lang ba? Para naman kasi may kasama ako?!"





"Ok lang daw ba sa kanya?!"




" oo ok naman, wala naman kaming problema eh"





" eh di kung ganun lets celebrate!! Sana magkabalikan kayo.. "





" sana nga" sagot nito na para bagang nadismaya





" pakiramdam ko kasi may gf na sya"





" tinanong mo ba?"




" hindi"





" shonga ka rin ei, dapat tinanong mo muna bago ka mag isip ka ng ganyan. Bago ka mag isip sa isang bagay na pagduduhan mo magtanong ka muna hindi yung hinala ka ng hinala"




" syempre nahiya naman ako"




" ewan ko sayo, tara samahan mo muna ako sa kusina, i am hungry na kasi"





" oo nga di halata tumutunog na yang sikmura mo at .... ( inamoy niya ito) bakit parang amoy alak ka ata"






" hay naku i will explain it to you mamaya .. Tara.."






Itutuloy......

AGAWANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon