Unti-unti akong ginigising ng malamig na hanging dumadapo sa aking balat mula sa magulong panaginip na tila ang kahit kailan ay hindi sapat upang mabatid ang sikreto sa likod ng unan.
Naramdaman ko ang init ng araw sa aking balat. Unti unti kong iminulat ang aking mata.
"Ang sarap ng tulog ko!"nasambit ko para kahit papaano ay maibsan ang sakit at lungkot na hindi ko alam ang pinagmulan.
Ramdam ko ang lambot ng kamang hinihigaan ko ngayon.
Tumayo ako ng dahan dahan at hinawi ang kurtina at binuksan ang bintana ng aking kwarto. Ang sariwa ng hangin. Ramdam ko ang lamig ng hangin na pumapalibot sa akin. Alam kong kailangan ko nanamang lokohin ang sarili ko na masaya ako at subukang tiisin ang sakit ng kaluluwa ko.Peep-peep!
Kaya lang may mali..(palagi namang may mali). Naagaw ang atensyon ko ng businang pinaniniwalaan ko na galing sa isang dilaw na van............
"Oh Shii---! Late na ako! Anong susuotin ko?"
May pasok na nga pala ngayon. Summer kasi at first day of school ngayon.
Pero anong susuotin ko?!?! Wait anong oras na ba?
7:35..... 8:00 ang start ng klase! At
15 minutes ang papuntang school. So 5 minutes lang ako magpeprepare? Omg hindi nalang ako maliligo! No choice eh.Eto na nga lang susuotin ko.
Dear Ethan,
Nakadress ka ngayon dahil wala kang makitang pants at tshirt kaya magdusa ka! Bwahahahahahaha.
Nagmamahal,
Sarili moMabilis akong bumaba sa hagdan at nagtoothbrush habang nagsasapatos. Naka doll shoes lang naman ako kaya ok lang. Sa school nalang ako mag papalit ng rubber shoes.
Peep-peep! Peep-peep!
Oh no sana hindi ako iwan!
Nagmumumog na ako at kinuha ang bag at wallet ko at syempre.. tumakbo palabas ng bahay.
Nasaktuhan ko naman na papaalis na yung service ko pero syempre ayokong umabsent kaya hinabol ko yung service.
"WAIT LANG PO KUYANG NAGDADRIVE! ANDITO NA PO AKO OH! KUYAAAAAA! WAIT LAAANGG! ITIGIILL MO MUNA!"
Hahaha buti nga nakahabol pa ako eh.
Pagpasok ko sa loob lahat sila nakatingin sa akin.......Naaamoy ba nila ako? Mabaho na ba ako?
Inamoy ko yung balat ko pero hindi naman ako mabaho.
"Makaupo na nga........ "
"Pfft! Ahahahaha! Sino ba sya?"
Rinig kong sambit ng mga nasa likuran. Sunod sunod pa ang tawanan at tsismisan pero ayoko namang gumawa ng scandal kaya eto titignan ko nalang ang sarili ko.Ano ba talagang problema sa akin? Kinuha ko ang aking salamin at laking gulat ko ng makita ang itsura ko ........ sino nga naman ang hindi matatawa dito sa mukha ko?
Yung buhok ko gulong gulong at may toothpaste pa ako sa baba. May muta rin ako..... Halatang bagong gising ako.
Nagsuklay suklay muna ako at tinanggal ang toothpaste sa mukha gamit ang tissue. Inayos ko narin ang damit ko.
Tinignan ko muna ang phone ko at nakitang nagtext ang kuya ko...naghahanap nanaman sya ng pera. Lasinggero kasi to si kuya eh ewan ko ba kung bakit sya nagkaganon. Nagsusugal narin sya dati naman hindi sya ganon eh.
Peep! Hindi ko napansin na nandito na pala ako sa school. Timayo kaming lahat sa loob ng van at isa isang bumaba ng ligtas maliba lang sa akin. dahan dahan akong bumaba ngunit hindi ko parin napigilan ang mga taong likas nang mapanukso at maparaan para tuksuhin ako at saktan.
"ahh! Ang init!"sigaw ko nang maramdaman ang init ng kapeng sumusunod sa pagdaloy sa init ng ulo ko.
"oww! Im sorry miss! Nasaktan ka ba? Well wala namang may pake sayo kung nasasaktan ka eh! Ahahahaha looser! Tsaka next time tumabi ka sa dinadaanan ha? Paharang harang ka kasi. Nasayang pa tuloy yung kape ko. Bad bye!" sabi nung etchuserang froglet na nakatapon ng kape sa akin
Haaay....kakalipat ko lang sa school na to pero sa service palang.....binully na agad ako. Kahit saang school ako magtransfer ganon parin ang nararanasan ko....ang nabubully.
BINABASA MO ANG
Unetations
Short StoryEthan is girl that has a past that keeps hiding from her. She does'nt have a story like everyone else but later did she knew that there's something behind her. Secret helped her regain her memories and solve puzzles from her past. It was a long jou...